Chapter Eleven: "Doorbell"

49 3 0
                                    

Jayde POV:

"Hands off kay Angelica ha?"-me

"Yes boss! Ingat!"-Crade

Kiniss na niya ako sa CHEEKS, tapos sinara na niya yung bintana ng kotse... bati na kami kanina nung binawal niya ako dun sa gate.. tapos kakapaalam lang niya saakin na 3days daw siya sa Boracay, may shooting daw sila doon eh, syempre ako naman tong dakdakerang girlfriend, na andaming hinahabilin!

May nakasabay akong lalaki sa Elevator, pinindot na niya yung 9 kaya hindi na'ko pumindot.. nasa 9th floor kasi yung condo namin.. Room 241

Matangkad yung lalaki, di nga ki umabot sa balikat niya eh, di-gaanong mahaba yung magugulo niyang buhok, singkit ang mata, matangos ang ilong tapos kumikinang yung kulay pink at maninipis niyang labi.. yun nga lang...

PATPATIN!! Sobrang payat niya! Grabe, mas mataba pa ata ako eh! Pero... hmmp! Familiar yung mukha niya pati yung tindig ng katawan..

Nagtitigan lang kami dun, hanggang bumukas yung elevator.. Siyempre nung bumukas yun, lumabas na ako, lumabas din siya

Sabay kaming naglalakad.. pagbilang ko ng ikaapat na pinto, huminto na ako.. pagkapa ko ng susi, naalala kong naiwan ko nga pala yun sa kwarto..

Bale na, mag do-doorbell nalang ako

Nung pipindutin ko na yung doorbell, pipindutin na din nung guy.. tas ayun! Nagtitigan ulit kami ng masama

Ano ba 'yan!

"DOORBELL!!! DOORBELL!! DOORBELL!!!"-me/guy

Lalong sumama ang tingin namin sa isa't isa! Sabay kasi kaming sumigaw ng -DOORBELL-, napatingin kami sa pinto nung bumukas yon

"Jay-------"-me
"Kuy-----"-guy

"Ano ba? Hindi ba kayo marunong gumamit ng doorbell? Taga bundok ba kayo? Pinipindot ang doorbell hindi isinisigaw! Ano ba kailangan niyo ha?"-matanda

Tinignan ko yung Room number.. Ngek? 214 pala to? akala ko 241 saka 6th floor to ah? langya naman!

"Sorry po.. uhmm una na po ako"-me

sinarado na nung matanda yung pintuan.. kakahiya

"Ha? 9th floor ba? Akala ko 6th floor!"-guy

Napatingin ako sa kanya, hindi rin dito ang punta niya? Haha! Pareho pala kaming pahiya!

Pag pasok ko ng elevator, pumasok din siya, sinigurado kong 9th floor ang bukas nung elevator saka ako lumabas, siyempre sumunod din siya, hanggang sa magkasabay na naman kaming pumindot ng doorbell

"DOORBELL! DOORBELL! DOORBELL!!!"-me/guy

Bumukas yung pinto at bumulaga si Reino at Jayne..

"Ano ba Terrence? Alam mo bang pinipindot ang doorb-----"-Reino

"Jayde! Don't you know that doo----"-jayne

"Yes, we know!"-me/guy

Nagtuloy ako sa loob.. tapos biglang nag-sink in sa akin yung pangalang sinasabi ni Reino

"Terrence?"-me

"Uhh, Jayde kapatid ko nga pala.. si Terrence, Terrence siya si Jayde, kakambal ng girlfriend ko"-Reino

"Ahh.. bat di sila magkamukha? Mas panget siya"-Terrence

Tinuro niya ako.. Tumawa naman si Jayne, langya!

"Heh!! Payatot!"-me

"Baboy!! Baboy ka!"-Terrence

"Terrence! Stop that!"-Reino

Tumingin siya kay Reino

"Sabi ko nga eh.. sorry!"-Terrence

Inirapan ko siya at pumasok na ako sa kwarto ko, tss.. Pogi na sana eh.. pero napansin ko.. siguro kaya ang payat niya kasi, kakagaling niya lang sa comatosed at  medyo may pagkakahawig siya kay Terrence sa panaginip ko..

*_______________*

Okay lang ba yung takbo ng Story.. Thanks pala sa nag babasa ng story ko..

If Heart Can SpeakWhere stories live. Discover now