Chapter Nineteen: "Cutting Class"

41 1 0
                                    

Jayde POV:

Paglabas namin ng building, nakita ko si Reino na nakasakay sa kotse niya at parang may hinihintay, na curious ako kung bakit siya nakasakay sa kotse, eh diyan lang naman sa harapan yung school.. tatawid lang

"Uhmm.. Crade, una na pala kayo, may naiwan ako sa Condo eh geh.."-me

"Hintayin ka na namin.."-Crade

"Hindi, wag na! Andito si.."-me

Tinignan ko si Reino, tumingin din doon si Crade...

"Okay! Basta bilisan mo ah? B-bye!"-Crade

Nung nakalayo-layo na sila, linapitan ko yung kotse ni Reino at kumatok sa bintana niya

"Jayde?"-Reino

Nginitian ko siya tapos pinapasok niya ako sa tabi niya

"Bakit ka naka-kotse?"-me

"Yan ba talaga ang gusto mong itanong?"-Reino

Seryoso lang siyang nakatingin sa kamay niya na meron benda..

"Break na ba kayo ni Jayne? Saka ano nangyari sa kamay mo?"-me

"Yeah, break na kami, at eto?"-Reino

Itinaas niya yung kamay niyang may benda..

"Wala lang to! Nabuhusan ng mainit na tubig"-Reino

Alam kong nagsisinungaling lang siya about sa nangyari sa kamay niya.. siguro nakipagsuntukan siya sa pader o kaya sa salamin..

"Kelan pa kayo.. nagbreak? At bakit?"-me

"Kahapon ng umaga, saka wag mo nang alamin kung bakit kami nagbreak, masasaktan ka lang"-Reino

Naguluhan ako sa sinabi niya gusto ko pa sanang magtanong pero biglang dumating si Terrence..

"Kuya..---oh Jayde? Hi, andiyan ka pala?"-Terrence

Lumipat si Reino sa backseat at si Terrence ang umupo sa tabi ko, siya ata magda-drive, syempre diba? May benda nga yung kamay ni Reino diba?

"Sama ka sa airport? Naka uniform ka eh?"-Terrence

"Anong gagawin niyo sa airport?"-me

Nilingon ko si Reino sa likod, ngayon  ko lang nakita yung dalawang maleta don..

"Babalik na 'ko ng America"-Reino

"Ano, sasama ka? Cutting classes ka?"-Terrence

"Oo, sige! Sama ko! Nakakainis naman kasi sa school"-me

Ngayon lang to.. papawalain ko lang yung inis na nararamdaman ko. try ko lang may lakwatsa! Hmmm... aayain ko si Terrence, haha!

Pinaandar na ni Terrence yung kotse.. on the way to airport, puro kulitan lang kami tatlo.

~Airport~

"Aalis na 'ko, pasok na kayo ah?"-Reino

"Di na! Kakatamad sa school! Saka 2 hours late na kami oh?"-me

Pinakita ko pa sa kanya yung orasan ko, ngumiti lang siya non..

"Eh ano nalang gagawin niyo? Magde-date?"-Reino

Nagtawanan lang kame non..

"Oh sige na, bye na Terrence, Jayde.. nga pala pakisabi kay Jayne..."-Reino

Huminga siya ng malalim

"Think wisely, minsan lang dumating ang opportunity, wag niya ng pakawalan"-Reino

Tumalikod na siya at nagtuloy-tuloy sa pag-alis, hindi ko man lang naitanong kung anong ibig niyang sabihin sa mga salitang 'yon....

________________

Ano okay lang ba?

Para sa Terrence fans club ang next chapter:

#MsShopao

If Heart Can SpeakWhere stories live. Discover now