Kabanata V

219 8 0
                                    

Mari's POV
---

Nagising ako nung biglang may liwanag na sumilay, it came from veranda. Patay na rin yung ac at electric fan na lang ang nagana. Dinilat ko yung mata ko at nakita kong nag aayos ng table si roommate. Umupo ako ng madahan at kinusot ko yung mata ko.

"Hindi ka na lasing?" Tanong ko sa kanya.

"Nope" simpleng sagot nya lang. Grabe. Ang tipid.

"Good for you" sagot ko rin sa kanya.

Bigla syang humarap sakin at sumandal sa ref, "thanks by the way" sabi nya sakin pero walang emotion yung mukha nya.

Ako naman si gaga, nadistract sa 'ano' nya. My God naman kasi. Kita yung nipple nya sa manipis na shirt ko. Nakakainis. Hindi ko alam kung saan ako titingin.

"Let's eat" sabi nya sakin.

"Sige mag babra lang ako" sabi ko sa kanya at dumeretso ng cr dala yung bra ko.

"Hindi naman siguro awkward yun dahil parehas kaming babae" bulong ko sa sarili ko nung kaharap ko na sarili ko sa salamin. Napapikit na lang ako, grabe nababaliw na yata ako.

Lumabas ako ng cr na nakaupo lang sya sa harap ng mesa, mukhang hinihintay nya ko kaya umupo ako sa tabi nya kung saan nakalagay yung isang plate.

"By the way, I told Aling Linda to put mini kitchen here para hindi na bibili lagi ng food, then she told me na mag lagay na lang daw ng mini gasoline tank in here with plate. I dont know what it is kaya sila na bibili. Babayaran na lang" sabi nya sakin habang nakuha ako ng food.

"Good idea, then let's buy plates and utensils para mas tipid, eh san mo 'to niluto?" Tanong ko sa kanya.

"Sa kusina nila sa baba" sagot nya atsaka ngumiti ng tipid.

"Sorry, sana ginising mo ko para natulungan kita"

"Okay lang. consider this as my 'thank you' gift for taking care of me last night"

Ay, may puso naman pala sya. Di lang halata.

"By the way, what's your name?" Tanong ko sa kanya. Mag 24hours na kaming mag kasama di ko pa alam yung pangalan nya.

"Im Aliz, you?"

"Ang konti naman ng pangalan mo. Im Mari" sagot ko tsaka ngumiti sa kanya.

Tumawa sya ng bahagya, "same as yours"

"Hindi ah. Mahaba pangalan ko" pag tatangol ko sa pangalan ko, "hindi nga lang maganda" pahabol ko pang sabi.

Tumawa ulit sya ng bahagya tsaka sumagot, "edi pahabaan tayo ng name"

"Sige. Mine is Marilaine Therese Decusa Cervañes. Oh ano ka ngayon?" Sabi ko sa kanya na may pag yayabang pa, bigla syang tumawa ng malakas.

"Ang baho nga ng pangalan mo" sabi nya habang natawa.

"Aba bastos ka, ikaw ano pangalan mo?" Tsaka ako sumimangot at nag pout.

Tumawa sya at sumagot, "ang cute mo mapikon. Mine is Alizana Reginette Davis Lopez"

"Eh panget din naman pangalan mo, mejo sosyal lang pakinggan"

Tumawa pa rin sya at inaasar ako. Nag usap kami sa veranda nung natapos kaming kumain ng breakfast. Napag usapan namin kung gaano kahirap mag karoon ng pangalan na mahaba lalo na pag exam or biglaang quiz nung highschool at kung anu-ano pa. We just waste our time there until mag hapon.

"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Escaping reality. Ewan, I just felt like I need to change my environment" sagot nya sakin, kumakain kami ng apple, pinagbabalat nya ko. Mabait naman pala sya.

"Ikaw? Bakit ka andito?" Tanong nya rin sakin. Kumagat ako sa apple na hawak ko tsaka sumagot, "Matatawa ka kung bakit ako nandito" sagot ko sa kanya.

Dahil isa lang naman upuan sa veranda ako yung pinaupo nya sa upuan at sya naman nasa sahig. Naka indian seat sya at nasa lap nya yung plato na may lamang apple at nasa gilid yung knife.

"Gusto ko matawa. Share it" pag pupumilit nya

"My dad get me into a fix marriage for the company's safety and sake" sabi matapos kumagat ulit ng isa pa sa apple na hawak ko. Hinintay ko syang tumawa pero hindi naman sya tumawa, tumingin lang sya sakin na para bang imposible lahat ng sinbi ko.

"You're kidding me" sabi nya sakin

"I hope I am but that's what im escaping from Manila. Walang nakakaalam kung nasan ako" explain ko sa kanya.

"Ang hirap naman ng situation mo, how's your expenses? Kanino mo kinukuha? Im sure by now cut na credit cards mo and any source of money" tanong nya sakin, nagbabalat pa rin sya ng apple. Nakatatlo na yata ako at sya naman isa lang.

"Well, I have my own savings and my friend gave me a little of her savings din, but still I dont know what would happen in the next few weeks or months. Hindi ko kasi kayang mag pakasal. Im only 24, wala pa sa balak ko yun and add the truth that I dont even know the guy. I just cant" sabi ko at mejo disappointed ulit sa dad ko dahil sa mga nangyayari sakin. I shouldn't be like this if he knows my worth.

She held my hand and squeezed it softly. She sent me a little smile of encouragement, its like she's saying everything will be fine and I appreciate that. Bukod pala kay Yna at Phen pati si Aliz naiintindihan ako.

Maya maya pa biglang nag ring yung phone ni Aliz na nakalagay lang sa side table nya rin. Nagkatinginan kami at iniaalam kung kaninong ringtone yun, hindi akin yun so I bet sa kanya.

Tumayo naman sya tsaka kinuha ito. Sinundan ko sya ng tingin hanggang makuha nya yung phone nya, tinitigan nya lang ito tsaka ibinalik ulit sa table. Bumalik sya sa pag kakaupo nya sa harap ko tsaka nag balat ulit ng apple. Parang nag bago yung mood nya.

"Sino yun? Bakit di mo sinagot?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Siguro naman hindi importante kase hindi nya sinagot.

"Someone from my past wants to be my present again" sabi nya ng hindi tumitingin sakin. She just continued what she's doing.

"Uy, tama na pag babalat. Cinareer mo na yan" sabi ko, off-ing the topic. Kasi masyado syang seryoso and I cant be in that serious kind of convo. Seems like she doesn't want to talk about it.

Huminto naman sya sa pag babalat atsaka tumingin sakin, "are you free later?" Tanong nya sakin atsaka sya tumayo.

"Bakit?" Pabalik na tanong ko, sya naman pumunta sa may ref at inilay dun sa loob yung natira naming apple.

"I'll go out. Sama ka" pag aya nya.

Well, siguro okay lang na lumabas. Babae naman kasama ko and I know I'll be sfe with her.

"Sure. Sama ako"

-------

Sorry for being inactive. I'll try to update this asap.

Two can play the game (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon