Kabanata XII

182 6 0
                                    

After namin kumain dumeretso kami sa condo na binili nya sa BGC. This is actually under her name, pero ako ang gagamit. Maliban sa gamit ko, nag lagay din sya ng gamit nya para daw pag trip nya dito matulog wala na syang problema sa gamit. Wala namang problema sakin kasi sa kanya naman talaga 'to.

This is just a studio type condominium, nasunod yung style at details na binigay ko sa kanya. Okay sya for me. Sa kanya naman kaya studio type lang kinuha nya dahil di naman na daw nya 'to gagamitin after namin mag panggap kaya balak kong rentahan sa kanya if that day came.

At regarding sa alis naming ngayon hapon, napag usapan na namin yung details. Like even the monthsary and shits. Para di kami mukhang tanga. Nasabi na rin nya sakin yung mga name ng friends nya at ilang details as if daw na lagi syang nag kekwento about sa kanila pag nag dadate kami at kasama din daw si Maxxy mamaya kasi highschool friends and lovers sila. Ang tagal pala ng relationship nila.

"It was almost 9 years" sagot nya sakin nung itanong ko kung gaano na sila katagal.

"Wow. Kaya pala nahihirapan kang mag move on" sabi ko habang nag aapply ng lipstick sa labi ko.

Nag aayos na kami para makaalis agad, allergic si Aliz sa traffic. And that's irony, kasi traffic lagi sa Pilipinas.

"That's why I need your help" sagot naman nya sakin, naka higa sya sa kama habang hinihintay akong matapos mag ayos.

Humarap ako sa kanya at namewang, "Eh bakit ba kasi tayo nag papanggap? Enlighten me please" isa pa sa mga tanong ko na gusto ko ng masagot.

I heard her sighed naupo sya sa dulo ng kama and took a deep breath before sya mag kwento, "she's pregnant with some guy. We had fight that night nung may nangyari sa kanila. Akala ko dun sya sa bestfriend nya nag punta pero nag lasing sya sa isang bar and viola! Magiging mommy na sya. It just happened earlier this year. I broke up with her, I have a lot of reasons, nasasakal na ko sa kanya, at the last part of our relationship puro away at sakitan but not physically. Mahal ko sya, yes. Kaso minsan love just ain't enough. Parang wala nang respect between our relationship, she even came up to idea of killing her baby and herself. Nakakatoxic. Kaya sabi ko she needs to face her responsibility at meron na rin akong iba. Siguro kasi natapakan din yung ego ko, akalain mo 9 years yun tapos isang gabi lang sinira nya, plus she got pregnant" she paused for awhile and added, "parang sampal sakin yun na, never ko maibibigay sa kanya yung bagay na yun, kaya ito ako trying hard makamove on and also im giving her a favor of facing her responsibility kasi hinahabol nya pa rin ako"

Dala na rin ng emotions and pity, I found myself kneeling in front of her and holding her hands. I gave her an assurance smile, "you'll be fine, trust me"

*

7pm na nung nakarating kami sa The Fort, good thing na around BGC lang sila mag kikita kita dahil hindi na kami babyahe ng malayo.

Kanina ay may nabanggit sya sakin tungkol sa mga kaibigan nya na sina Meg na sumalubong samin sa Taft at nag bigay ng car key nya sya ay isang bifemme na single na na for 3 years, si Tonette na Juan Antonio Dela Rosa Jr sa tunay na buhay at yung boyfriend nyang si Sean Morimoto na isang Brapanese, english lang ang way of communication nila dahil hindi ito masyadong marunong mag tagalog at madali rin itong nauto ni Tonette, si Vans na isang hard butch, Vanessa Faye Imperial sa tunay na buhay meron syang live in partner for almost 6 years na si Nicolette Dy isa namang photographer sa isang fashion magazine at si Maxxy or Maxiene De Torre na naging girlfriend nya for almost 9 fucking years naging blockmate noong college pa sya at mahal na mahal nya pa rin. Sina Meg, Tonette, Vans, Maxxy and Nicole ang highschool friend nya. Yan yung mga basic informations na naretain sa utak ko dahil sabi nya i'll be needing those if ever lang mag tanong sila kung ano napagkekwentuhan namin ni Aliz sa mga 'date' namin.

"I told them that you're sweet and kind so act like it ah" sabi nya sakin bago kami bumaba sa kotse nya.

Habang tinatanggal ko naman ang seat belt ko nag remind ako sa kanya, "Oo na, basta every touch, kiss and hugs add 500php!"

She rolled her eyes heavenward and made faces while im talking. Basta for me, business is business.

"Oo na, count them all. Mamaya ko babayaran pag uwi" sagot na sakin.

Nag OKAY sign ako sa kanya at tuluyan na kaming lumabas sa sasakyan nya. Sabi ni Meg ay andun na sila at si Nicole na lang ang hinihintay. Manggagaling pa raw ito ng Mandaluyong dahil galing sa shoot.

Habang nag lalakad kami papunta sa bar and grill kung saan sila nag hihintay ay nirerecall ko kung paano ba ako mag act sa harap ng boyfriend ko dati kasi ganun lang din gagawin ko ngayon. Mukhang wala namang pinag kaiba yung woman to man relationship sa woman to woman relationship. I dont know. Wala naman akong experience. Bahala na.

Huminto kami sa isang bar and grill at sa may entrance pa lang nag reremind na naman si senyora.

"Game na ah. Again, act as normal girlfriend. Yung sweet, caring and those shits. Understand?" She's telling these to me like im her daughter that she's trying to discipline.

Ngumiti ako at sinabing, "oo na, get ready for the sweetest, care-st and shitiest version of me" I sarcastically said to her. Paulit ulit kasi sya, gets ko na nga eh.

She again, rolled her eyes on me then held my hands. Umakyat kami sa second floor at hinanap kung saan sila naka area. Pero agad naman naming narinig na tinawag ni Meg si Aliz.

"Hoy Aliz, dito kami!" Malakas na sigaw nya para makuha yung atensyon namin, pero hindi naman ganun kalakas maririnig yun dahil malakas din yung tugtug sa loob.

Lumapit kami sa area nila at agad na nag apir si Aliz kina Meg, Tonette, Sean at Vans habang nag smile sya kay Maxxy.

"Hey guys, I would like you all to meet Mari. Alam nyo na yung kasunod" sabi nya tapos nag tawanan sila nila Vans at Meg.

Agad namang nag comment si Tonette, "Hay nakakadiri kayo, puro fingeran na lang alam nyo buti pa kami ni myloves" Isinandal nya ang ulo nya sa dibdib ng isang gwapong lalaki, malamang si Sean yun, "we just know is love, right baby?" Tapos ay hinalikan nya sa lips yung boyfriend nya.

Nagtawanan kaming lahat at nagsalita rin si Vans, "nakakadiri ka Tonette. Wag dito please" pabiro nyang sabi.

Nakakatuwa pala yung mga kaibigan nya.

Umupo na kami ni Aliz katabi ko si Meg at kaharap ko si Maxxy. Nice one.

"Order na guys, tawagan ko lang si Nicole" paalam ni Vans at umalis ito sandali.

Umorder si Meg ng drinks para sa lahat at sabi naman ni Tonette ay juice lang ang kay Maxxy, napasimangot ito at hindi pinansin si Tonette.

"So, saan ka nakatira girl?" Tanong saakin ni Tonette. Naka angkla pa rin ito sa boyfriend nya.

"Dito lang, around BGC" matamis na sagot ko kay Tonette. Kailangan maging mabait at sweet ako sa kanila dahil yun ang gusto ni Aliz.

"Really, di naman pala ganun ka layo eh" sagot nya sakin.

"Oo, gusto ko dito kasi easy access lang sa lahat ng establishments" paliwanag ko sa kanya.

Nagkakwentuhan kami ni Tonette about sa mga natirhan na nya dahil palipat lipat daw sya dati nung wala pa syang maayos na trabaho. Habang masaya kaming nakakapagkwentuhan, hindi sinasadyang napatingin ako kay Maxxy, ngumiti ako sa kanya pero pag irap ang naging sagot nya sa ngiti ko.

Two can play the game (girlxgirl)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora