Prologue

80K 1.5K 28
                                    

He drove fast. Excited na siyang umuwi. He even ditched his friends para lang umuwi ng maaga. He was very excited to see his beautiful wife.

Second anniversary nila ngayon. And his lovely wife set a dinner sa bahay nila. A very intimate dinner na sila lang dalawa. His wife is such a homebody person. Magaling magluto. Magaling mag ayos ng bahay. At higit sa lahat, masarap mag alaga.

Kontento na siya sa buhay na ito ang kasama. Sa buhay na ito ang katabi niya bago matulog at ito rin ang nakikita niya sa pagmulat niya ng mga mata. He never been fond of romance before. For him, relationship is a kind of a dual obligation. Nariyan dapat na mabilis kang magtransformed. From a businessman to a very loving boyfriend. Hindi siya ganoon noon. But cupid shuffle his life. Cupid played their fate.

It's such a whirlwind romance na nauwi sa kasalan. Nauwi lahat sa mabilisang plano. All the unplanned decision made him a happy man now. A very happy married man now.

Kaya sinong magsasabing hindi siya masaya? Hell! No! Wala na ngang paglagyan ng ngiti niya. Sinulyapan niya ang bungkos nang bulaklak sa passenger seat. His wife loves American Roses. Kaya inutusan pa niya ang sekretarya niya na magpadeliver ng mga imported na bulaklak.

He smile like an idiot after he remembered their last conversation.

Pangga umuwi ka ng maaga ha.. Maghahanda ako ng dinner. His wife said over the phone. Kahit gaano karami ang naging trabaho niya. Basta tumawag ang asawa niya ay naiibsan agad ang pagod niya.

Pangga.. Why don't we have dinner sa isang resto. Doon sa paborito mo.. Suggestion niya. Kaysa naman mapagod ka pagluluto.

Nahimigan niya ang pagtawa nito. Panggaalam mo naman na hindi ako mahilig kumain sa labas hindi ba? Saka may sorpresa ako sayo. At gusto kong ibigay 'yon sayo dito mismo sa bahay natin.

Kunwaring napaisip siya. Maybe she prepared something special. Mahilig ito sa mga sorpresa. Maybe she made a new painting again. Natatawa siya kapag niloloko niya ang asawa niya. Ang master bedroom kasi ay nagmumukha nang museum sa dami ng art paintings nito. Natutuwa sana siya, kaya lang iisang mukha lang ang naroroon. Ang mukha niya! Lagi siya nitong ipinipinta.


Nakailang busina na siya pero walang nagbubukas ng gate. Day off ba ng mga kasambahay ngayon? Wala siyang pagpilian kung di ang bumaba ng sasakyan at buksan ang gate.

Mabilis siyang bumalik sa loob ng kanyang sasakyan at inabante ito papasok. Kadiliman ang sumalubong sa kanya. Pasado alas sais na ng gabi. Teka! Black out ba?

Nasagot ang tanong niya nang aninagin niya ang ilang malalaking bahay na malapit sa kanila. May mga ilaw iyon. Pero bahay lang nila ang tila isang haunted house sa sobrang dilim.


Binuksan niya ang main light nang buksan niya ang pintuan. Bumaha ng liwanag sa paligid. Napangiti siya nang makita niya ang nagkalat na rose petals sa sahig. Nasasamyo din niya ang pinaghalong amoy ng bulaklak at ang mabangong amoy ng pagkain.

Excitement burned his eyes. Lalo na nang makita niya ang ayos ng dinning table nila. Halatang pinaghirapan ng asawa niya ang lahat ng ito. Mula sa mga bulaklak hanggang sa pagkain na nakahain sa mesa.

Lumapit siya sa lamesa at isa isang tinignan ang mga pagkain na naroon. All foods has Tofu. Alam na alam ng misis niya na paborito niya ang tofu. At kumakain lang siya niyon kung ang magluluto ay ito.

Akma siyang tatalikod nang mapansin niya ang maliit na kahon sa tabi ng pinggan. Parang kahon ng kwintas o bracelet.

Dala ng kuryosidad. He opened the box. Nagmalabis ang luha sa kanyang mga mata nang makita niya ang isang pregnancy test doon. May dalawang linyang pula. Mag kakaanak na kami? Parang gusto niyang sampal sampalin ang sarili dahil doon.

Dalawang taon silang naghintay para magkaanak. Salamat sa Diyos at dininig na ang panalangin nila. Mabilis siyang tumakbo paakyat sa silid nila dahil nasisiguro niyang naroon ang asawa niya. Pero bago pa siya makahakbang papauntang hagdan ay tumunog ang land-line phone nila.

He immediately went back to the living room and answer the call. Good evening. Mr. Alejandro?

Boses lalaki ang bumungad sa kanya. Yes speaking? Kunot noong tanong niya. Kung tungkol sa trabaho ito. Wala siyang ganang malaman. Mas sabik siyang makita ang asawa niya.

Mr. Alejandro, this is Police officer from District two. Nakita po namin ang sasakyan ng asawa niyo na si Mrs. Alejandro. And we found out na sakay po niyon ang misis niyo. And I'm sorry Mr. Alejandro. Patay na po ang sakay ng sasakyan. Parang isang malamig na kamay na dumakot sa puso niya ang sinabi nito. Sasakyan ng asawa niya? Naririto ang asawa niya s abahay. Baka may nagcarnap ng sasakyan nila. Marami pang sinabi ang pulis pero binitawan niya ang telepono. Mabilis siyang umakyat sa silid nila at hinanap ang asawa. Peeo bigo siya.

Walang bakas nito ang makakapagsabing naroroon ito. Ang personal bag nito ay wala din doon. Kaya natitiyak niyang umalis ito. Pero saan ka pupunta?

Inabot ng kaba ang puso niya. Ang telepono nila ay ring ng ring. Ang mobile phone naman niya'y ganoon din pero namamanhid siya. Paano kung totoo ang sinabi ng pulis.




No! Buhay ang asawa ko! Buntis ang asawa ko! Magkakaanak na kami!







To be continued...




-----

Umpisa na po ng kwento ni Tobias. Sana magustuhan niyo rin po..
Happy reading

Ai:)

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon