Chapter Thirty Five

46.4K 1K 79
                                    

Nakangiting ibinaba niya ang telepono. She talked to her husband, sinabi niya na maaga itong umuwi dahil may surpresa siya. Nangako naman ito.

She happily went back to the kitchen at inayos ang ilang pagkain at saka ipinuwesto sa lamesa. A very private and intimate candlelight dinner. At bukod doon may isa pa siyang surpresa. Finally after two years of being married to Tobias Alejandro. Magkakaanak na sila. She was now bearing their first baby.

Galing siya sa ospital kanina. Kaya tuwang tuwa siya na sumakto sa anniversary nilang mag asawa. She's humming while placing all the utensils in the table when the doorbell rang.

Inakala niyang iyan na 'yung cake na ipinadeliver niya kaya mabilis siyang lumabas. Rico!

Nakatayo si Rico sa labas ng gate. Halata ang pagmamadali. Kailangan mong sumama sakin ngayon Edizel!

Ha? Bakit? Si Rico ay boyfriend ng kaibigan niyang si penny.

Nagpalinga linga ito sa paligid. Tumawag si Penny sakin. Naaksidente daw sila. Kasama ang kapatid mo.

Nang marinig ang salitang kapatid ay agad na bumundol ang takot sa puso niya. Anong nangyari kay Cleo? Nasaan sila?

Nasa ospital na sila. Pinatawagan ka sakin ni penny dahil malubha daw ang lagay ni Cleo. Natatarantang tumakbo siya papasok ng bahay. Kinuha niya ang shoulder bag niya.

Hinanap niya ang cellphone. Akmang magdadial siya ng pigilan siya ni Rico. Tara na Edizel. Baka mamaya ano na nangyari sa kanila.

Sandali lang tatawagan ko lang sina mommy at daddy. Kailangan nilang malaman ang nangyari kay Cleo. Bunsong kapatid niya si Cleo at ano mang mangyari dito ay nasisiguro niyang ikakaguho nila.

Hinawkan siya ni Rico sa kamay. Natawagan na sila ng ospital. On the way na sila. She felt relief. Kung gayon posible na baka magkasabay sabay sila.

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon