Chapter Twenty Five

44.8K 1K 25
                                    

Nay! His chest hammered by the way his heart beat fast. Kakaibang pagtibok ng puso ang naramdaman niya when he saw her son.

Para siyang naestatwa. I saw myself. Para siyang tumingin sa salamin twenty eight years ago noong apat na taong gulang pa lamang siya. Pinaglalaruan ba siya ng panahon? Sa unang tingin ay aakalain mong siya iyon. Pero kapag tinitigan mo siya ng matagal mukha na ng ina nito ang makikita mo.

But the fact that they both have the same hair makes him wonder even more. Impossible. Nababaliw kana Alejandro! He can't be your Son! Nababaliw kana.

Toby! Bahagya siyang nagulat nang marinig niya ang boses ni edy. Lumingom siya dito.. Siya nga pala, ang anak ko si uno. Anak ito naman ang boss ko si Mr. A.

The child smile at him. Naglahad ito ng kamay sa kanya. Hello po. Salamat po at hinatid niyo si nanay. Marami pa. Naman pong bad sa daan.

Hindi nga siya nagkamali. Sobrang protective ng batang ito sa kanyang ina. I starting to like you boy! Gumanti siya ng ngiti dito. Don't worry big boy.. Araw araw ko nang ihahatid ang nanay mo pauwi.

Tobias! Nanlalaking mga matang sinuway siya ng ina nito.

Ang bata nama'y bakas ang saya sa mga mata. Talaga po? Salamat po.. Buti nalang po mabait kayo.

Hinaplos niya ang buhok nito. If my wife and my child we're here. Ganito siguro kami. He forced to smile despite the fact na unti unti na naman siyang nilulunod ng kamiserablehan.

Another year will come. At sasalubungin na naman niya ang bagong taon na mag isa. Why don't you invite them to celebrate the new year with you? Nabuhayan siya dahil doon. Bakit nga ba hindi? That will be fun! Iyon ay kung papayag ang mga ito.

Bumaling siya kay edy. Dito ba kayo magbabagong taon? Simpleng tanong lang niya.

Tumango ito. Oo, wala naman kaming ibang kamag anak na pwedeng puntahan. Isa pa normal na bagong taon lang naman ang mayroon kami.

Tumango tango siya. May naiisip na siyang ideya upang makasama ito sa bagong taon. At sana lang ay hindi sya tanggihan.

After four years, ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganito. Pero Nay di po ba sabi niyo manonood tayo ng sine. Narinig niyang sabi ng anak nitong si uno.

Oo anak. Pero kinabukasan pa 'yon. Sagot ng ina nito. Tumingin muli ito sa kanya. Pasok na kami sa loob. Gabing gabi na kasi. At umuwi ka na rin. Baka mabinat kapa. Bagong taon na bukas.

Nahimigan niya ng panenermon ang bises nito. He only smile at her. Happy New year.

Dumukwang siya upang sana ay gawaran ito ng halik sa pisngi nang pigilan siya ng anak nito. Akala ko po ba boss kayo ni nanay? Bakit niyo po siya hahalikan? This kid is too smart! Mukhang mahihirapan siya kapag kaharap ito.

Big boy, it's just a.. a.. Ano.. Ahm.. A friendly kiss. Wala siyang maapuhap na sabihin sa bata. Masyadong matalino ito.

Friendly kiss? E diba nga po boss niya kayo? E bakit friendly friendly agad? Bakas sa tinig nito ang kainosentihan. Sasagot sana siya nang awatin na sila ni edy na ngiti ngiti sa kanya.

Uno tama na 'yan. Pumasok kana sa loob at mahamog na baka sipunin ka pa. Dagli ding umalis ang bata. At ikaw, lakad na. Baka mamaya mabinat ka pa konsensya ko pa. Pagtataboy nito sa kanya.

Natutuwa talaga siya sa pagtataray nito sa kanya. It's like, that he went back to the time he used to be. Opo.. Aalis na. Goodnight and advance happy new year. Dudukwang muli sana siya nang makarinig siya ng tinig mula sa loob ng bahay.


Bawal 'yan! Natatawang itinaboy siya ni edy. Lakad na.. Baka mapikon si uno sayo.

Tinanaw niya ang bintana. At saka siya kumaway. Bye General! Nginusuan lang siya ng bata na kinaaliw naman niya.


Perfect...





To be continued...




------

#PutukanNa

Pasensya na... Hehehe gusto talaga ni Tobias na humabol este sumabay sa putukan.. Makulit e..

Bumabalik ang enthusiasm ko sa pagsusulat.. Maybe dahil magbabagong taon na..

Happy reading..
Ai:)

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon