Chapter Thirty Three

44.7K 1K 68
                                    

K-Kiss me.. Kiss me please... It was her. Pakiramdam kasi niya ay lumilipad ang kanyang isip. Her arms crossed around Tobias nape.

Edy lasing ka lang. C'mon we're going home now. She felt his arms on her waist. Pero nagpumiglas siya.

Bakit di mo ko halikan? Bakit.. Bakit.. Bakit 'yung singer na 'yon hinalikan mo? Hindi niya alam kung saan niya kinukuha ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Basta ang natatandaan lang niya. Nagpaalam si Lex at Daphne sa kanya na kung pwede ay mag overnight si uno sa bahay ng mga ito. Na sinang ayunan naman niya agad. Maybe because she trusts them so much.

At ang mga kasunod nalang niyon ay ng yakagin siya ng mga babaing mag inom. Hindi naman literal na paglalasing pero kakaiba ang epekto ng alak sa kanya. Lalo na ng makita niya kung paano lumingkis ang artistang iyon kay Tobias. Ang arte arte! Peke naman ang kilay! Hindi niya alam na kakilala pala iyin ni Tobias.

Naramdaman niya ang pag akay ni Tobias sa kanya. Saan ba tayo pupunta? Her eyes were tightly close. Nakasubsob ang mukha niya sa leeg nito. Amoy barbeque ka.. Hmm..parang ang sarap kainin.

Stop it edy! Saway ni Tobias sa kanya. She was sniffing his scent. And she likes it. Inaamoy ko lang naman. Bakit kapag ako bawal? Kapag ang malanding artista na yon pwede? She is being very talkative. Para bang walang preno ang bibig niya at nasasabi niya lahat.

And as soon as Tobias surrender her to the passenger seat. Narinig niyang nagsalita ito. You don't need to be jealous. Ayoko lang na ikaw ang unang papapak sakin. I want to be first.

She giggled. Para saan ba at tuwang tuwa siya sa mga nangyayari? Uwi na tayo.. Sumandal siya sa balikat nito at ipinikit anv mga mata.

Naramdaman niya ang pag usad ng sasakyan ngunit hindi pa tumatagal ang mga mata niya sa pagkakapikit ng maramdaman niyang huminto sila. Nandito na agad tayo? Nagteleport ba tayo? Isa na ba tayong mga sang 'gre? Naglalaho? Kahit sobra ang kadaldalan niya wala siyang naririnig na inis kay Tobias.

No.. Nandito tayo sa bahay ko. Bukas na kita ihahatid. Kapag tino na ang isip mo. He guided her inside the house. Pinilit talaga niyang imulat ang mga mata.

The huge house lighten with the bright lights. Kahit sa nanlalabong paningin, kita niya ang pamilyaridad sa buong lugar. Everything seems like a dream. Yung mga panaginip niya na lagi siyang dinadalaw sa dilim.


Lumapat ang katawan niya sa malambot na sofa. Stay here! Igagawa kita ng kape. She nodded. But her mind says otherwise. Pag kaalis ni Tobias ay dahan dahan siyang tumayo. Na kahit malabo ang paningin niya ay parang kabisado niya ang bawat hakbang niya. That her every steps seems so familiar.

Inakyat niya ang makintab na hagdan. Even the parquet floor ay parang pamilyar na pamilyar sa kanya. Na tuwang tuwa pa siyang makitang napakakintab nito. Nang makaakyat siya sa pangalawang palapag. Nasaan ba talaga ako? She stupidly asked. Nasa bahay nga pala siya ni Tobias. Pero hindi iyon ang ibig niyang sabihin. Nasaan ba talaga siya? Bakit pamilyar ang lahat ng nakikita niya?


GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon