Chapter Ten

45.5K 1.1K 14
                                    

Palinga linga siya sa paligid. Naguumpisa nang umingay ang lugar. May mga magkakapareha na ang may kanya kanyang mundo. Hindi niya alam pero may mga partikular na pares ng mga mata ang hinahanap niya pero hindi niya makita.

Hoy! Nagitla siya. Ano ka ba Vina? Papatayin mo ba ako? Sabi niya nang makita ito.

Sino ba kasi ang hinahanap mo? At parang kanina ka pa hindi makinali. Dinaig mo pa ang pusang hindi mapaanak ah! May inabot itong dalawang bote ng beer sa kanya. Iabot mo yan doon sa lalaking nakagray. Kanina ka pa nirerequest noon. Sinundan niya ang tingin nito.

Nagtama ang mga mata nila noong lalaking sinasabi nito. Mukha namang harmless ang lalaki. Sa katunayan, mukha siyang binatilyo lang. Nilapitan niya ito at inabot ang beer. Sir here's your order. Nginitian niya ito gaya ng lagi niyang ginagawa.

Nahihiyang ngumiti ito pabalik. Napakunot noo tuloy siya. Ito pa talaga ang mahihiya? Ah! Sir? Do you need anything?

A-Ah.. Wala na.. Halos pabulong lang nitong sabi. Natatawa tuloy siya. Tatalikod na sana siya nang magsalita itong muli.

Miss.. Sandali lang. Nagtatakang nilingon niya itong muli. At kagaya kanina, parang hindi ito mapakali. May problema po ba? Mahinahon niyang tanong.

Napahawak ito sa sariling tenga. A-Ano.. Ah.. Ano po kasi.. Paano ba ito? Nagtataka na talaga siya sa kinikilos nito.

Sir, pasensya na po. Pero marami pa akong dapat gawin---.

Sandali lang po ito.. Please po. Ano kasi e.. Lalo siyang napantastikuhan nang isubo nito ang isang daliri at saka kagatin ang dulo ng kuko. Bakla siya! Pasensya na po ate.. Pero.. Yun kasing mga.. Mga..

Mga ano? Bahagya na siyang naiirita dito. Marami pa siyang trabaho. At wala siyang oras para makipagkwentuhan.

May dare po kasi sila sakin. Sabay lingon nito sa kumpol ng mga binatang gaya nito na nasa kabilang lamesa di kalayuan sa kanila. Sinabi nila na... na bakla daw ako.

Lihim siyang natawa. Di pa ba halata? Ayokong malaman nila na bakla ako.. Kaya.. Kaya sinabi ko sa kanila na crush po kita..

Ha? Gulat na tugon niya. At isinangkalan pa siya ng baklitang ito!

Pasensya na po talaga. Hindi ko kasi naisip na lalo nila akong hindi titigilan sa kakakulit. Hindi nila pwedeng malaman na bakla ako.. Papatayin ako ng kuya ko. Bakas sa mukha nito ang takot. Sayang ang gwapo pa naman nito iyon pala berde ang dugo nito.



Ano pa ba ang gusto ng mga kaibigan mo?anong dare nila sayo? Aniya. Wala naman palang dahilan para mainis siya.

Gusto nilang patunayan kong hindi ako bakla. Tanungin ko daw po ang tunay niyong pangalan. Bahagya siyang nagulat. Mahigpit na pinagbabawal sa bar ang pagbibigay ng tunay na pangalan ng bawat empleyado doon. Pagbibigay sa kahit na sinong customer.


Nagulat pa siya ng bigla nitong hawakan ang kamay niya. Please po.. Ate ayoko lang malaman ng kuya ko na kagaya din niya ang type ko..

Bakas sa mukha nito ang pagmamakaawa. Pero mahigpit na ipinagbabawal talaga ang ganoon. Miski nga ang makipag usap sa customer ng matagal lalo na kung oras ng trabaho. Bakit kasi hindi mo nalang aminin sa kanila ang totoo. Para hindi kana gumagawa ng kwento. Pero sige..

Okay lang sa inyo? Manghang tanong nto. Pangalan lang naman ang gusto hindi ba? Wala namang masama doon. Tumango sabay lahad ng kamay dito.


I'm Edizel...



To be continued...

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon