Hugot #1

115 3 0
                                    

Hindi porke't nabigo ka ay malaking failure ka na. Tandaan mo, bago ka pa man mabigo ay nabigo na ang Diyos na lumikha sa tao. Nabigo Siya dahil sa ating pagbabalewala at pagsuway sa Kaniya. Nabigo Siya at tinalikuran ng mundong nilikha Niya. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi Siya sumuko ni lumayo. Nanatili Siyang nasa tabi ng tao at umaantabay sa mundo na tila baga nagsasabing, "Mahal kita kahit ganiyan ka. Mahal kita higit pa sa pagmamahal na kayang ibigay ng aking mga nilikha..." kaya ikaw, huwag kang mawalan ng pag-asa! Sapagka't sa bawat kabiguan, laging makalalamang ang pag-ibig ng Maykapal! Kasama mo Siya. Magtiwala ka.

Hugot PinagpalaWhere stories live. Discover now