Hugot #12

55 2 0
                                    

This one is a perfect example of freedom that has given by God. Nabasa ko lang po ito sa libro. :)
Inexample dito ang isang tao at langgam. Nirerepresent ng langgam tayong mga tao at nirerepresent ng isang tao ang Diyos.
Iniharang daw ng isang tao ang kaniyang kamay sa dadaanan ng langgam. Ang siste, nakikita na ng isang tao ang hahantungan ng langgam pero hindi Niya ito pinipigilan sa paraan ng paglalakbay nito. Nasa langgam ang desisyon kung liliko ba siya patawid sa nakaharang na kamay o aatras siya kasi baka sa tingin niya ayun ang dapat niyang gawin?
Nangangahulugan lang na alam naman talaga ni God lahat lahat. Ang magiging umpisa, gitna, at ending ng kwento mo. Pero hindi ka Niya kailanman imamanipulate. Kasi sa sobrang pagmamahal sayo ng Diyos, binigyan ka Niya ng kalayaan at hinding hindi ka masasakal sa pagmamahal na Kaniyang ipinaparamdam.

Hugot PinagpalaWhere stories live. Discover now