Hugot #7

49 2 0
                                    

"Naalala mo pa ba ang mga oras na yakap yakap kita? Noong mga panahon na umiiyak ka? Dumadaing sa problema, sa hinagpis na pinagdadaanan, sa mabigat na pasaning iyong pasan? Nandoon ako, nasa tabi mo. Yakap yakap kita. Pero dahil sa manhid ang iyong katawan, hindi mo ko naramdaman. Hindi mo rin narinig, tinig kong nagsasabi na kaya mo yan! Nandito lang ako. Hindi mo nakita, binulag ka ng mundo. Pero kahit ganoon, hindi kita masisisi. Mahal kita. Mahal kita kahit may pagkukulang ka. Mahal kita kahit nagkakamali at nagkakasala ka. Mahal kita kahit ikaw ang dahilan ng mga sugat sa aking katawan. Mahal kita kaya't inako ko ang krus na ikaw dapat ang papasan. Inako ko, kasi alam ko, iyon ang nararapat na regalo upang ikaw at ako ay magtagpo. Mahal kita. Tandaan mo iyan. Patuloy akong mananatili sa tabi mo, kahit maging last choice pa ako sa mga posibleng mapili mo..." - Jesus 💕

Hugot PinagpalaWhere stories live. Discover now