Hugot #11

45 2 0
                                    

Eh ano kung mataba? Eh ano kung bungi? Eh ano kung maitim? Eh ano kung mabaho? Eh ano kung pandak? Eh ano kung gusgusin? Eh ano kung mahirap? Eh ano kung mangmang? Eh ano kung may nunal na malaki? Eh ano kung may peklat na pangit? Eh ano kung anak ng isang basurero? Eh ano kung hindi magaling mag-english? Eh ano kung mahina sa school? AT MADAMI PANG IBA NA IPINIPINTAS SA KAPWA.
Guys, sana maisip natin na ni minsan hindi tayo pinintasan ng Diyos sa ating mga kapintasan. Bagkus, inakap Niya ang ating mga kapintasan upang ating maramdaman na palagi lang Siyang nandiyan. Wala tayong karapatan na dungisan pa ang isang katauhang sa umpisa palang ay madungis na dahil sa kasalanan, bagkus ang ating tunay na karapatan ay ang gamitin ang ating sariling kapintasan upang maintindihan, maunawaan, at makisimpatya sa kanilang pinagdadaanan. Yun bang tipong ipapakita natin sa kanila na mayroon din tayong kapintasan pero hindi nangangahuluganna hindi na tayo katanggap tanggap sa kahit na sino. Saka ano ka ba? Sa dami dami ng pwedeng gawin at gampanan, ang pagiging instrumento ng Diyos ang pinaka maganda sa lahat na siya din namang magsisilbing isang napakalaki at buhay na patunay ng mga biyaya ng Diyos na lumikha. Kaya ikaw, imbes na maging dahilan ka para sumimangot at magdamdam ang kapwa, pangitiin mo na lamang siya at mahalin. Isa nga sa dalawang mahahalagang utos ng Diyos ang mahalin ang kapwa 'di ba? Saka isa pa panigurado namang yung ilan sa kanila eh may nararamdaman ng insekyuridad eh tapos dadagdag pa ang iba? Hmmm. God bless!

Hugot PinagpalaWhere stories live. Discover now