Hugot #4

65 2 0
                                    

Lagi natin Siyang tinatanong nang mga katanungang nagsisimula sa BAKIT? Bakit Niya tayo iniwan? Pinabayaan? Pinapahirapan? Pinaparusahan? Pero minsan ba natanong mo ang salitang PAANO? Paano makakaraos? Paano makakaahon? Paano mo malalaman kung anong dahilan Niya at ibinigay sa iyo iyan? Paano mo masosolusyunan at paano mo makikita ang plano at presensiya Niya sa kabila ng lahat ng iyan?

Minsan kasi bulag ka eh. Bulag ka sa sakit, bulag ka sa pagdudusa, bulag ka sa kasalanan. At sa pagkabulag mo, nakakakalimutan mong hindi naman Siya nawala. Nandiyan lang naman Siya at nasa tabi mo. Niyayakap ka Niya pero manhid yang katawan mo. Tinutulungan at kinakausap ka Niya, pero nagbibingi-bingian ka. Mahal na mahal ka Niya, pero pinapauna mo ang galit diyan sa puso mo. Gusto mo bang umayos ang buhay mo? Tanggapin mong kasama mo Siya. Tanggalin mo sa sistema mo ang mga paninisi mo sa Kaniya. Kasi kung nahihirapan ka, mas nahihirapan Siyang makita ka sa kalagayan mo. Ulitin ko ha? Tanggapin mo ang yakap Niya kasi pinuprotektahan ka Niya. Pakinggan mo ang sinasabi Niya, kasi gina-guide ka Niya. Namnamin mo ang plano Niya, kasi sobrang mahal ka Niya. Huwag kang mabulag, maging bingi o manhid. Nandiyan lang ang Diyos, mahal na mahal ka Niya.

Hugot PinagpalaKde žijí příběhy. Začni objevovat