Hugot #2

80 2 1
                                    


Sa panahon ngayon, malimit nakayuko ang mga kabataan sa mga gadgets na meron sila. Nakakalimutan na nilang mas dapat i-appreciate at pagtuunan ng pansin ang mga bagay na meron sa paligid. Mga bagay na nilikha ng Diyos. At malimit pa, ang mga gadgets na yun lang ang naaalala natin. Naaalala at nag-aalala tayo kapag hindi natin kasama o kaya nakalimutan pansamantala. Parang sinasabi natin na hindi tayo mabubuhay ng wala ang mga bagay na iyon. At alam niyo ba kung ano pa ang masaklap? Titingala lang tayo sa mga panahong wala ng signal. Titingala lang tayo kapag tila baga ayaw makisama ng internet. Titingala tayo kasi kailangan nating makasagap ng signal. Parang ganito, sa buhay ng tao nakakalimutan natin ang Diyos kapag masiyado tayong abala sa mga bagay na meron dito sa mundo. Nakakalimutan natin Siya kapag feeling natin hindi natin kailangan ang tulong Niya. At kapag dumating sa puntong tila wala na tayong malapitan kapag walang wala na tayo, dun lang tayo titingala at lalapit sa Kaniya. Ang selfish lang ng action natin pero kahit na ganon. Hindi mangyayari na kakalimutan tayo ng Diyos. Kasi sa totoo lang, handa Siyang magpakababa sa ating lahat. Na kahit ang ilap na natin sa Kaniya, nananatili Siyang nakayuko mula sa itaas masiguro lang at maipadama sa atin na labis Niya tayong minamahal. Kaya ikaw, mahalin mo Siya. Sapagkat hindi ka lugi kapag minahal mo ang mismong source ng pag-ibig. 😊😍

Hugot PinagpalaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz