Chapter 1:Bryan

45 1 1
                                    

Yarrah's P O V

"Bryan ang ganda!!!"

Patuloy ang pag admire ko sa malaking christmas tree. Ito na ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko! Kinalabit ko si Bryan at nag smile sa kanya.

"Next year, pupunta ulit tayo dito hah?" pinisil niya ang nose ko at pinisil ko naman siya sa cheeks.

2016 na next year..

(A/N:Ito gusto kong year sorry po, kahit dapat 2017 na next year hahaha)

"Kain tayo sa labas." sabi ni Bryan. Masayang masaya kami. Yinakap ko siya ng mahigpit at yinakap niya rin ako.

Habang kumakain kami sa restaurant ay masaya kaming nag uusap panay ang tawahan. "Wag kumain ng marami, baka tumaba ka!" saway saakin ni Bryan "Letse naman Bryan! Noche buena eh!" tumawa pa ako.

After nun ay umuwi na kami. Umuwi muna ako kila Bryan. Boring kasi sa bahay, wala yung parents ko, sa new year pa babalik kaya mag new-new year si Bryan saamin.

Natulog ako sa couch nina Bryan. "Eto, kumot mo at pillow. Feel at home chubs." nag smile pa siya "Same rin po bebs." sabay smirk ko.

Humiga na ako at huminga ng malalim. "Grabee, salamat talaga bryan hah. This is the best, happiest, christmas with you ever!" proud na sabi ko.

"Always na kita papapasayahin, ok?" ngumiti siya at gumaan pa ng mas lalo ang kalooban ko.

Next Morning

Nagising ako dahil sa sumisikat na araw sa muhka ko at sabay tanggal sa kumot ko. Hinanap ko si Bryan at tumayo sa couch.

"Bryan?" hanap ko

"Andito ako sa dining table."    

Narinig kong sabi ni Bryan. Pumunta ako sa dining at nakita ko siyang masayang naghahanda ng breakfast.

"Wow. Seswertehin talaga ang magiging asawa mo Bryan." tumawa ako.

"Hahaha sadyang ganito lang ako." sabay kamot sa ulo niya.

Naging friend ko si Bryan 2 years ago. Mabait siya, pero sa sobrang kabaitan, naaabuso siya, at masakit saakin na minamaliit siya kaya palagi ako anjan para sa kanya

"Upo ka na at kakain na tayo." sabi niya. Umupo na ako at umupo rin siya. Egg, bacon, and rice. Muhkang masarap.

"Sarap neto." malinamnam kong sabi

Nakalipas ang maraming araw ay nag new year na. Bumalik na ang parents ko. Nag new year kaming pamilya kasama si Bryan. Pagkatapos ng kainan namin ay nanood kami ng fireworks ni Bryan.

"Bryan..di kita kayang iwan. Di kita kayang kalimutan, at talikuran. Ikaw yung palaging anjan para sa akin, ang wish ko, simple lang, sana magkasama tayo hanggang sa huli, at maging closest bestfriends in the world!" emosyonal kong sabi..siya yung taong palaging anjan saakin.

Ngumiti siya ng malalim at inakbayan ako. "Forever bestfriends hah, Yarrah?" ngiting tanong ni Bryan saakin

"Opo!"

January 6 2016

Ang bilis..start na ng classes. Maaga akong pumunta sa school. Pagkadating ko sa classroom ay masayang nagkekwentuhan ang lahat. Kakalipas palang ng bagong taon eh..

"Yarrah!"

Pamilyar na boses ang tumawag saakin. "Bryan." sabay smile ko.

Umupo na ako sa sulok ng silid kung saan magkatabi kami ni Bryan.

"Ang bilis ng panahon. Mag ge-grade 12 na tayo next year.. Ang bilis." tanong ni Bryan

"Oo, kinausap ko parents ko na stay ako sa school na ito. Sabi ko nga sa kanila na kahit saan ka pumunta susunod ako sayo, yun sabi mo diba? BFF forever?" sabay ngumiti ako sweetly.

Tumango siya at nag smile back. Ang swerte ko kay Bryan..Siya ang pinakamatinong lalakeng na meet and encounter..

"OK class, get your history book. Get out of the class if you dont have your history book. Everybody should be responsible of the class schedule as a 11th grader." matapang na sabi ni Ms. Rhea Peurnos.

Siguradong lahat kami takot sa kanya hindi lang ako...

Rrrrriiiiiiiinnnnnnngggggg!

Nakalipas na ang 2 periods. Recess time na. "Hali ka na Yarrah." aya ni Bryan. Tumango ako at lumabas ng silid papunta sa canteen.

"Ang tapang ni Ms. Rhea. Pero mabait siya pag mabait sa kanya ang estudyante. Mistisa at maganda." sabi ni Bryan "May crush ka kay Ms. Rhea noh!?" kinulit ko si bryan. Namula siya at nag nod.

Tumawa ako at nakulitan siya saakin. "Iba ang crush ko. Ikaw sino?" tanong ni Bryan "Wala akong crush..mas mabuti maging single ehh." sabay smile ko.

Nakadating na kami sa canteen at pagkatapos namin bumili ay humanap na kami ng mauupuan namin. Nakahanap kami at umupo na rin. Wala pa nga yung dalawa naming bestfriend pa ni Bryan.. Sina Chloe at Rilvic.

"Babalik daw next week si Chloe, mayamang pamilya eh, nag vacation sila sa Paris." sabi ni Bryan "May balita ka ba kay Vic?" tanong ko "Ang alam ko, sabi niya saakin bago mag vacation punta daw sila sa Makati, Friday siya babalik. Eh Wednesday ngayon.." sagot ni Bryan.

Pagkatapos ng recess ang bumalik na kami ni Bryan sa classroom.

"Eto nanaman ang ating lovebirds."

Pagkaloob na pagkaloob namin ay sinabihan kami ng 3rd governor ssg ng highschool, si Tina. Ang ex ni Bryan na linayuan niya at dumikit sakin.

"Excuse me? Ano nga ba ang gawain ng governor?" nag smirk ako.

"Ang tatanga talaga ng mga taong bumoto sayo, ikinakahiya ko ang mga governor ng Student supreme government gov. Natin, damay lahat ng governor dahil sayo Tina." tinarayan ko siya.

Naiinis siya at nagalit. Padabog siyang lumakad ng palapit saakin at sasampalin sana ako pero napigilan ko ang kamay niya. Nakatingin lahat ng kaklase namin. "Hayop kang mang aagaw ka Yarrah! Napaka landi mo! B*tch!" sigaw niya saakin.

Napaka walang hiya ng Tina na to.

"Di ko linalandi ang ex mo! Wala kaming relasyon! Tanging bestfriend lang kami." calm kong sabi.

Binitaw niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko. Sabay nag walk out siya at naghinghingan na ang mga kaklase namin.

"Grabe. Dapat hindi inaabuso yang Yarrah..matatalo ka talaga.."

"Ang tapang niya.."

Mga letse kayong lahat. Tinignan ko si Bryan ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Anung meron..?

A/N

First Chapter is done! Kailangan ko po mga comments ninyo which I really appreciate to read!

Thank you and Merry Christmas!

UnbrokenWhere stories live. Discover now