Chapter 2:Coffee

18 0 0
                                    

A/N

Eto na ang chapter 2! Sana mag enjoy kayo!! Please no copy paste,work ko rin to so please give some respect..

Sorry kung ang baduy talaga nung title ng chapter 2 ngayon pero yan ang dahilan ng chapter 2 haahaha sorry na!

So see ya til the end of this story!

________________________________________________________
-Accelerator-kun

---------------------------------

Chapter 2:Coffee

Yarrah's P O V

Friday----

"Mas mabuti wag mo silang patulan.." sabi sakin ni Bryan.

Pagka dismissal namin ay sabay agad kaming umuwi ni Bryan. Kakaiba yung kinilos niya kanina, habang hawak niya ang kamay ko ay pinakita niyang hindi siya proud sa ginawa ko.

Nalungkot ako dahil dun.

"Kung ano man ang iniisip mo tungkol dun sa nangyari kanina, kalimutan mo na. Basta, wag mo silang patulan para hindi na humaba pa ang gulo." sabi niya.

Nanahimik lang ako at tinignan siya. Inihatid niya muna niya ako saamin saka siya umuwi. Grabe, pagod nanaman agad ako.

Habang umiinom ako ng tubig ay napansin kong busy mag text ang kapatid kong si Hazel. Mas bata siya saakin, ako ang panganay siya ang bunso.

"Hazel, sino ba yang ka text mo?" tanong ko

"Classmate ko po." sagot niya

"Siguraduhin classmate mo yan, hindi crush mo." masungit kong sabi.

Tinarayan niya ako at pumunta sa kwarto niya.

Maaga akong nagising dahil sa alarm clock ko. Binuksan bigla ni Hazel ang pintuan ng kwarto ko.

"Mag aalmusal na." sabi niya sakin.

Umalis na ako sa kinakahigaan ko at mabilis na pumunta sa dining room at naupo sabay kumain ng almusal ko kasama sina Hazel at mommy. Nauna na si daddy sa work niya.

Nakadating rin ako sa school at pumunta sa locker ko.

"Yarrah!"

Napatingin ako. Si Rilvic at Bryan lang pala. Friday na ngayon, kaya andito na si Rilvic.

"Yow." matipid kong bati sa kanila.

Naglakad na kami papunta sa classroom. Ako lang yung hindi nagsasalita dahil na o-op ako sa pinag uusapan ng dalawa hahaha.

Nakadating na kami sa classroom, nakita agad namin si Tina, tinarayan niya lang ako at nag whisper bigla sa mga bestfriend niya.

Hindi ka talaga titigil! May humila saakin na tinigilan ang pagsugod ko kay Tina kaya napatingin ako sa kanya.

"Bryan.." sabi ko.

Nag nod siya. Natandaan ko yung sinabi niya, wag ko nga na lang patulan, wala namang magagawa yung pagsugod ko sa kanya, mas lalaki ang problema.

"Umupo na tayo sa upuan natin." saway ni Bryan.

Naupo na lang ako sa chair ko na nasa sulok ng silid namin.

"Oi bes, punta tayo sa Starbucks sa Mall sa saturday hah!" sulpot ni Rilvic

"Ahh, game." sabi ko at nag smile ako.

Recess time, nagsama kami nila Rilvic at Bryan. Si Bryan, hindi kami medyo nag uusap, sina ni Rilvic  ang mahilig mag usap ngyon.

Naupo kami sa table malapit sa canteen at dun kami nag snack.

UnbrokenWhere stories live. Discover now