Chapter 5:Transferee

5 0 0
                                    

A/N

Eto na ang chapter 5! Sana mag enjoy uli kayo. Dedicated to my dearest cousins

-Accelerator-kun

_____________________________________
_____________

Chapter 5:Transferee

Yarrah's POV

Ang bilis ng summer. Pag gising ko ay 1st day na ng pagiging 11th grader ko. Mabilis akong pumunta sa school para tignan kung anong section ako.

Yarrah Reliantes|||| Grade 11-Red

11-red ang section ko. Sina Bryan kaya?

Bryan Lugalde||| Grade 11-red

Chloe Tan||| Grade 11-blue


Rilvic Vasquez|||Grade 11-Blue


Tsk!


Di ko kaklase sina Chloe at Rilvic. Bad trip. Tinignan ko naman kung sino ang mga kaklase ko. May transferee sa nakita kong pangalan na kabilang sa 11-red.

Cyan Jay Rodriguez?..



Pagkatapos nun ay umalis na ako at pumunta sa building kung saan ang grade 11. Two floors ang building na yun. Grade 11 sa second floor, grade 12 sa ground floor.

Pagkadating ko sa second floor ay hinanap ko agad ang grade 11 red.

Nahanap ko yun agad at pumasok na ako. "Yarrah!"


Nalatingin ako sa likod ko, "Omegad Bryan! Magkaklase tayo! Sina Chloe at rilvic nahiwalay saatin. Sa 11-blue sila." malungkot na sabi ko.



Inakbayan lang niya ako at ngumiti. Nakaupo ulit kami sa pinakalikod sa sulok ng classroom, magkatabi kami.

Ilang minuto ang nakalipas ang nag ring na ang bell at nagsi upuan na ang lahat. Dumating na rin ang magiging adviser namin.

"Good morning our dearest grade 11 students!" masayang bati ni adviser.

"Pero before we start, let us welcome our transferee!" sabi ni Adviser.


Napatingi kami sa pintuan. Pumasok na ang transferee. Halos mapatayo ako sa kinakaupuan ko..

"I am Cyan Jay Rodriguez, pwede niyo po akong tawaging Ian or Cj."

Ian!!


Nagsimula ng mag chismisan ang mga kaklase namin.

Ang cute niya!

Mistiso ba naman!

Shiieett ang gwapo!



Tch. "Yarrah, siya yung sa starbucks diba?" biglang tanong ni Bryan "Siya nga." sabi ko na tulala pa rin kay Ian.

"Please sit in front of that boy over there."

Tinignan ko kung saan ang sit na tinuturo ni adviser. Sa unahan ni Bryan, vacant pala..


Bigla ng tumingin sakin si Ian. Namula ang kanyang cheeks at naupo sa unahan ni Bryan.


"Yow CJ. Nice to see you again." masayang sabi ni Bryan

"Haha same, di ko nga alam na dito kayo eh." tumingin pa saakin si Cyan. Nag smile siya saakin. Sa wakas..nakita ko nanaman siya.

Pagka recess time ay nagsitayuan na kami sa aming upuan. "Sumama ka kaya saamin ni Cj." sabi ni Bryan.


Tumingin lang ako kay Ian. "Ikaw bahala." sabi ko kay Ian, "Kung gusto mong sumama."


"Game." sang ayon ni Ian.

Papalapit na kami sa table nina Chloe at Rilvic, lumalaki ang mata nila. "DIBA SIYA YUNG SA STARBUCKS!???!" sigaw nila.


Ang lakas naman ng sabi nila! Kakairita tong mga taong to. "Siya nga." calm na sabi ko. Di pa rin kasi ako makapaniwaka na dito siya mag s-school.


Umupo na kami sa table at umupo sina Bryan at Ian sa tabi ko. "Muhkang tinadhana mo kami ah." sabay tumawa silang lahat pero nanahimik ako.




"Mahinig rin akong mang trip ng mga tao hahaha." sabi ni Cyan "Gaya nang?" tanong ni Chloe "Linagyan ko ng glue yung upuan ng kaklase ko nung grade 10 ako tas ang tagal niyang naupo doon, 2 hours siyang nakaupo dun at feeling niya naka glue siya nung pinipilit niyang umalis sa upuan, tawang tawa kami nun ehh."


Tumawa naman sila. Di ako nakitawa hanggang sa natapos na ang recess.


After dismissal ay sabay kaming umuwi nila Bryan, Rilvic, Chloe, at Cyan.



"So bestfriends pala kayo." ngumiti si Cyan. Bakit ba gumagaan ang pakiramdam ko pag ngumingiti siya?



"Ikaw may girlfriend ka ba Cyan?" tanong ni Chloe. Napatingin saamin si Cyan habang naglalakad pauwi. "Ex girlfriend or complicated lang or broken, I think?." sagot ni Cyan.






Napatingin ako sa kanya. "Share naman Cyan!" sinuntok ng mahina ni Rilvic ang balikat ni Cyan "Internet friend ko siya.."




Internet friend?..



"Seryoso?" sulpot ko na kanina pa hindi nakikisali sa usapan nila "Yes." matipid na sagot niya "Guys change topic na lang tayo, kawawa naman baka nag momove on pa si Cyan." pinatpat ko ang balikat ni Cyan.




Mas mabuti kasing wag muna alamin yun baka mamaya umiyak si Cyan dahil complicated sila ng girlfriend niya. "Anyways sila Bryan at Yarrah--"




"Ah oo, magkakilala ang parents namin dahil saamin." pinutol ko ang mga sinabi ni Rilvic, ayokong malaman ni Cyan na may relasyon kami ni Bryan, wala akong tiwala sa kanya lalo nang nakilala pa lang namin siya. Maaring sumasama muna saamin si Cyan dahil wala pa siyang gaanong friends sa school namin dahil transferee siya. Na gets ni Rilvic ang pahiwatig ng mata ko ng tinignan ko siya. Bawal nila sabihin kay Cyan, kami muna ang makakaalam.





Nagpatuloy na kami sa paglalakad pauwi. Una naming inihatid si Chloe. Si Rilvic ang sumunod. Kaming tatlo na lang ang magkakasama, si Bryan at Cyan, and me.




Nakadating na kami sa bahay ni Bryan kaya nauna siya. "Palagi kang last na makakasama ni Yarrah pag uwi, kung sakali mauuna ang bahay mo Kay Yarrah, ihatid mo muna siya, babae yan pare hah." babala ni Bryan. "Hmm sige." sang ayon naman si Cyan.




Kinakabahan ako shiiet. Nagsimula na kaming maglakad ulit. "Iuwi mo agad ako hah, kung ano man binabalak mo saakin humanda ka at di ka makakauwi ng buhay." tinakot ko siya "Hah!? Wala akong binabanta sayo!" kinakabahan niyang sabi.



Maya-maya pa'y naihatid na niya ako. "Ako pala ang last hahahaha. Malapit lang pala bahay ko sayo, limang bahay na lang ang lalakarin ko simula sa bahay mo." ngumiti nanaman. Napangiti naman ako, ang gaan.



"Umuwi ka na, baka mapano ka pa, salamat sa paghatid Cyan." pagpapasalamat ko "Your welcome Yarrah."



Naglakad na siya ng palayo pero tumigil siya at humarap saakin. "Nice to meet you Yarrah!" masaya niyang sabi. Napangiti ako "Nice meeting you too Ian!" ngumiti ako ng malalalim.







A/N

Eto po ang chapter 5 nakapag update na rin. May nagtanong po saakin sa fb kung ano ang role ni Cyan Jay Rodriguez.


Ang role po niya ay mahing mang trip, ayaw niyang pinapakealaman, at friendly, masayahin. Yun po :)

Kung ano man po ang makita niyong ugali niya, paki comment po :)

And kung babae po ba ako? Yes po :)


-Accelerator-kun













UnbrokenWhere stories live. Discover now