Chapter 3:He is Ian

8 0 0
                                    

A/N

Eto na ang mahiwagang chapter 3!! CHARRR! Lahat ng chapter ay mahiwaga!

___________________________________________________

-Accelerator-kun

Chapter 3:He is Ian

Bryan's P O V

Nakalipas ang 1 month at ilang weeks ay nagkaroon na kami ng prom at naging partner ko si Yarrah.

"Ang tagal naman ng partner mo Bryan! Yung future partner mo!" makulit na sabi ni Chloe.

Pasaway talaga si Chloe, isip bata minsan. Nag smirk lang si Rilvic at patuloy pa rin kaming naghihintay sa labas ng gym kung saan magaganap ang prom.

"Anjan na siya!" biglang sabi ni Chloe

Lumaki ang mga mata ko.. Ang ganda niya

Naka pink dress siya at naka braid na may light make up.

"Sorry slightly late ako hah." sabi ni Yarrah.    

Natulala ako sa kanya. Ang ganda niya. Hanggang sa tumingin saakin si Yarrah.

"Hoy Bryan matutunaw na yang mata mo kaka-tingin kay Yarrah!" saway ni Chloe.

Nag smile si Yarrah. "Hali na kayo mag sastart na eh." sabi ni Rilvic.

Hahaha. Oo nga no? Ang tagal na namin dito nakatayo. Naglakad na kami paloob sa gym. "Bryan."

Napatingin ako. Si yarrah lang pala. "Hmm?" tanong ko "Ok ka lang ba?" tanong niya.

...

Flashback

"Layuan mo na kami please, Tina. Wala na akong feelings para sayo." galit na sabi ko kay Tina

"Dahil lang sa malanding yarrah na yan inayawan mo ako!" galit rin sabi ni Tina

"Wag mong tawaging malandi si Yarrah dahil never naging kami!" sinigawan ko na siya.    

Naiyak siya. Pero wala na akong pake sa kanya. "Bakit kasi di mo na lang sabihin na nafafall ka na para kay Yarrah na hindi mo lang maamin dahil ang turing lang sayo ni Yarrah ay isang bestfriend! Bakit hindi na lang ako!?"

Tch.

"Wala kang karapatan sabihin yan. Sabihin mo lang na selos ka, na kahit kailan di kita minahal." sabi ko

Nag walk out ako at narinig kong tinatawag niya ako.

End of Flashback

May nalalaman ba si Yarrah about dun..?

"Ah oo naman!" nag fake smile ako.

Alam kong mali yun pero ayoko siyang malungkot dahil saakin.

Nagsimula na kaming sumayaw ni Yarrah. Linagay niya ang right hand niya sa left shoulder ko habang nakahawak ang right arm ko sa left hip niya at nakahawak ang right at left hand namin.

"Yung about kay Tina, ayoko sayong magsinumaling pero alam ko yun. Nag usap kayo kaya hindi tayo sabay umuwi pero mabuti rin yun para malinawan na si Tina, na wala na kayo." mahinhin niyang sabi

"Hmm."

After nung dance ang nagsi-kainan na kami. Sama sama kami nila Rilvic at Chloe sa 4-seat na table.

"Ang sweet niyo kanina ah." sabi ni Chloe

"Ulol ka talaga Chloe." sabay nag roll ng eyes si Yarrah

UnbrokenWhere stories live. Discover now