Chapter 6:Start of the hate

6 0 0
                                    

A/N

Sa wakas nakagawa na po ako ng chapter 6! Dedicated po to sa aking bestfriend na si Pat! Eto na po :)

-Accelerator-kun

_____________________________________________________________

Chapter 6:Start of the hate

Cyan's P O V

Monday

"Yo Bryan." bored kong bati kay Bryan nang nakita ko siya nakaupo sa upuan niya pagkadating ko sa classroom. "Musta!?" jolly na sabi niya "Hahaha always ok!" masaya kong sabi.

Binagsak ko ang bag ko table ko na nasa unahan lang ni Bryan ar napansin kong nahulog ang baygon kong dala. "Bakit ka may dalang baygon!?" biglang sabi ni Byan "Eh kasi, monday cleaner ako diba, mag s-spray ako ng baygon mamaya inassign ako ni Kate, yung leader ng Monday cleaners." sabay kamot ko sa ulo ko.

"I see." matipid na sabi niya.

Nagsidatingan na ang iba at makalipas ang ilang oras ay recess time na. "Hali ka na." umakbay naman saakin si Bryan papunta sa canteen kasama sina Yarrah, Rilvic, at Chloe.

Pagkatapos kong kumain ay uminom na agad ako ng tubig, aayusin ko lang yung notebook ko, hindi maayos yung pagkalagay ko eh. "Guys mauna muna ako, ilalagay ko lang yung mga notebook ko sa bag ko." pagpapaalam ko

"Sige." sabi ni Bryan

"Sunod na lang kami." sabi rin ni Rilvic.

Bumalik na ako at inayos ang bag ko. Habang inaayos ang bag ko ay nalaglag ulit yung baygon na dala ko. Pinulot ko ito pero naramdaman kong may gumalaw sa bag ni Yarrah na nasa tabi lang ni Bryan na sit, shit, may ipis sa bag ni Yarrah!

Kinuha ko agad yung baygon at sprinay yug bag ni Yarrah. Napuno ng spray ang bag niya at nangamoy na ito ng baygon.

Hala..malalagot ako kay Yarrah!

"CYAN!!?"

Yarrah's P O V

"Balik na tayo, madali nang matapos ang break time." sabi ko. Naglakad na kami pabalik sa classroom pagkadating ko sa pintuan ay nangamoy baygon..

"CYAN!?" sigaw ko

Bakit..bakit niya sprinayan ang bag ko ng baygon!? "Langya ng trip mo!!" sinapak sapak ko siya "Sorry na!!" pagmamakaawa nito. Ano ba yan!!! "Mga lalake ngayon!!" naiinis na sabi ko. Pano ba naman kasi!? Amoy baygon na ang bag ko!

"Let me explain!" dagdag pa niya

"Cyan? Ano ginawa mo?.."  nagtatakang tanong ni Bryan.

Putek! Ang plastik niya! Akala ko mabait siya! Ano nang gagawin ko sa bag kong perfume ang baygon!? "ANO BA PROBLEMA MO!!!???" nakakabinging sigaw ko. Wala na akong pake.

"Eh kasi..biglang may nakita akong ipis na nag eenjoy sa bag mo ehh." rason niya. Pwede naman niyang alisin gamit ang ibang bagay! Bag yan eh! Saka palagi ko yan dala, di pwedeng mangamoy baygon yan hanggang mamaya!

Nahalata kong natatawa si Rilvic at Chloe pero hinayaan ko na lang dahil ka close ko naman sila. "Yun naman pala Yarrah eh." sabi naman ni Bryan na kanina pang kumakampe kay Cyan. Letseng mga lalake ngayon!

Matapos ang dismissal ay nagsi-uwian na kami. Dala ko pa rin ang amoy ng baygon na nakadikit sa bag ko, kasama ko sina bryan ngayon at tuwang tuwa sila sa mga kwento ni Cyan na nakakabad trip sa mga taong pinagtripan niya.

UnbrokenWhere stories live. Discover now