Chapter 11:Change

2 0 0
                                    

A/N

Chapter 11 na!? Anbilis!

__________________________________________

-Accelerator-kun

~~~~~~~~~~~

Chapter 11:Change

Yarrah's POV

December

Nung October lang nagkabati si Cyan at Red but hindi na sila kagaya nung kwento ni Red kung gano sila ka close dati. Infairness pareho silang gwapo, si Ice kaya?

"Oi."

Napatingin ako sa tumawag sakin. "Hm." reply ko. "Nag tetext ulit yung ex ko, di ko na siya gusto eh.." sabi ni Cyan.

Tumingin lang ako sa kanya. "Hanga ako sa ex mo." natatawang sabi ko "Bakit naman?" pagtataka nito "Tumagal ba naman siya sa ugali mo!? Eh pag naging tayo omegad 2 hours lang itatatagal ko sayo." tumawa ako ng malakas nun at napikon siya WAHAHAHAHAHAHA.

Naglalakad lakad kami ngayon sa covered court ng school. "Guys, sabihin na natin kay Cyan yung matagal na nating tinatago." malakas na sabi ko. Tumingin sila sakin at nagtaka naman si Cyan.

"Ano yun?" tanong niya

"Boyfriend ko si Bryan." ngumiti ako

"What!? Since when!?" ahahahaha nagulat siya

"Since birth! Joke lang, nung February pa lang." ngumiti lang siya.

Pagka dismissal ay pumunta muna ako ng rooftop para manood ng sunset, naglalaro pa ng basketball si Rilvic at Bryan pero bago ako makarating ay nakarinig ako nang nag uusap kaya nagtago ako at nakinig na lamang pero sumilip ako..

Cyan...

At si.

Chloe!?


"Cyan.. Im having feelings for you. Sana maintindihan mo ako.." narinig kong pag amin ni Chloe, I know, may feelings siya para kay Cyan noon pa.

"Naiintindihan kita.." simpleng sagot na narinig ko kay Cyan.

"Akala mo ba di ko nahahalata? Alam kong palihim na may nararamdaman ka para kay Yarrah pero taken na siya ni Bryan so please Cyan.."

What..?

Does that mean..nararamdaman ni Cyan ang nararamdaman ko para sa kanya..?

Oo. Aaminin ko may gusto ako para kay Cyan pero once na sinagot niya si Chloe.. We're over and we need to get over it.

Narining kong umiyak si Chloe. "Wag ka nang umiyak.. Sige. Maging tayo na kung gusto mo, If you like me, I like you too."

Nagsiunahan tumulo ang mga luha galing sa mga mata ko. Tumakbo ako pababa galing sa rooftop at kinuha ang bag ko pauwi. Nahiga agad ako sa bed ko at umiyak ako.

Bakit ganito.. Sana.. Inamin ko rin sa kanya ang nararamdaman ko. Sana hindi ako umiiyak ngayon.. Bakit ba ganito magmahal? Akala ko masarap magmahal pero masakit pala..

Next day..


Same routine ang gawain. Pagkadating ng school ay nakita ko agad si Chloe at Cyan, magka holding hands pa. "Good morning." plastik.na bati ko "Morning rin! Nga pala.. Kami na ni Cyan!"

Nginitian ko lang siya. "Good to hear. Congrats." nginitian ko ulit sila.


Habang naglelesson ay mag binigay na papel si Cyan saakin at binuksan ko ito.

Yoo!Ok ka lang!? #baygon wihehehehehehe!


Naboboring yata to at nag memessenger pa habang naglelesson.

Gusto mo nang sili!?

Tinapon ko ito sa ulo niya at pinulot niya ito. Nag reply siya at shinoot sa bag ko ang papel.

Nga pala may ibibigay ako sayo mamayang dismissal my frenemy:)

Napangiti ako sa sinabi niya sakin.

Cheh my frenemy ulol ka talaga alam mo yun?

Tinapon ko to sa kanya and there it ends the paper convo.



Pagka recess time ay naglalandian sina Chloe at Cyan pero si Chloe lang naman lumalandi kay Cyan eh.

Dismissal time


Accidentally na natira kami ni Cyan sa classroom.

"Ano ibibigay mo sakin?" tanong ko.

May linabas siya na something.. Bracelet?..


"Para sayo." ngumiti siya habang binibigay ito sakin. Kinuha ko ito at tinignan. Maganda.. Sinuot ko agad ito at bagay naman. "Ang ganda naman! Kaya lab na lab kita as a friend!" sabay sinapak ko siya.


Habang pauwi kami ay napag kekwentuhan namin ang ex niya. Online friend lang naman pala kasi.

"Well.. Mas mabuti naman si Chloe kaysa sa ex ko." sabay huminga siya ng malalim.


Mahal niya ba talaga si Chloe?

O..

Mahal niya si Chloe dahil mahal siya ni Chloe?


__________________________________________

A/N

Malapit na tayo sa ending huhuhuhuhu


PERO

Up next..

Merong season 2?

Wahahahahahhahaha!

-Accelerator-kun

UnbrokenWhere stories live. Discover now