ANWC: 42

723 28 2
                                    

Start of happiness

Tahimik kaming nagbyahe pauwi, Maxine is asleep. I can't blame her, nakakapagod naman kasi ang mga nangyari buong araw. Nagpaiwan naman ang boys para daw may kasama si Anthony habang sina Lisa, Jandi, at Stephanie ay ipinahatid ni dad sa iba pang bodyguards. Dad is at the front seat, may mga bodyguards pa din na nakasunod sa amin at hindi ko alam kung bakit pero parang mas dumami sila. May kalaban nanaman ba si daddy sa mundo ng business para maging ganito kami kasecured?

Kanina before kami umalis ay nag-usap muna sina dad, Lisa, at Jandi. Hindi ko alam kung anong pinagusapan nila but I can tell that it was a serious matter. Minsan ay naiisip ko na sana naging simple na lang ang buhay namin, kahit hindi mayaman at least masaya. Hindi iyong ganito, nakukuha nga lahat ng gusto, walang problema sa pera, pero iba naman ang nagiging problema. Dad is a business man, and business mens were near from danger.

Nakahinga ako ng maluwag ng maaninag ko na ang bahay, nakita ko ang bintana ng kwarto ko at naalala ko kung paano ko yun binaba. Ang taas non at paniguradong maling galaw ko lang ay pilay ang aabutin ko. But I'm too occupied about my problem to be able to think of that, buti na lang at hindi talaga ako nahulog.

Pagpasok ay sinalubong kaagad kami ng dalawang maids na sumalubong sa amin ni Maxine noon. I smiled at them.

"Hala ma'am! Buti naman po at umuwi na kayo! Palaging nag-aaway si sir at ma'am bayolit nung wala kayo!" Natawa naman ako sa kanya atsaka napailing. Kinalbit siya nung kasama niya at pinanlakihan ng mata. "Ay sorry po. Naexcite lang. Hehe."

"What's your name again?"

Nagliwanag naman yung mukha niya,

"Marian po ma'am, sige po. Kukunin na po namin ang mga gamit niyo." Tumango ako atsaka sinabing gisingin na din si Maxine at sabihing nauna na ako,

"Dad, pasok na po ako."

"Okay, good night Venice. Have a sweet dreams." Natigilan ako saglit. Hindi makapaniwala sa sinabi ni daddy.

"Kayo din po," sabi ko sabay ngiti atsaka dumiretso na sa loob. Hindi ko nakita o nakasalubong si Auntie, malamang ay nagkulong na yon sa kwarto niya. Pero mabuti na din yun dahil ayokong masira ang gabi ko ngayon. My dad said goodnight to me! Oh my god! How I missed that side of him! Sana ay tuloy tuloy na ito. Sana ay bumalik na sa dati ang lahat.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, masakit yung katawan ko dahil magdamag yata akong dinaganan ni Maxine. Kaya nakakatakot katabi ang babaeng to e, ang bigat bigat pa naman.

Iniwan ko na muna siya sa kwarto atsaka nagpuntang kusina pero bago pa man ako makarating doon ay nakarinig na ako ng sigawan at nababasag na gamit. What's happening?

"Stop it, Violet! You're making it worst!"

"I'm not making it worst, Vince! I'm just saying my thoughts! How could you forgive her that early!? She's the reason why Beatrice is not with us! She's the reason why Beatrice is now gone!"

"She's not! Stop blaming my daughter Violet!" Ramdam kong sobrang galit na si daddy, ngayon ko lang silang narinig mag-away ng ganito..

"But Beatrice is your daughter too, Vince... that's the evidence that you are not fair. Mas mahal mo ang anak niyo, kaysa sa anak natin. Mas mahal mo pa din siya, kaysa sa akin."

Halos matumba ako ng makita ko sa harap ko si Aunt, napatingin ito sa akin, namumugto ang mata niya at puno ito ng emosyon, galit, lungkot, at sakit... yumuko ako at nilampasan niya na ako.

"Venice.." inangat ko ang tingin ko kay daddy, his eyes were red. I know, he's in pain right now. I hug him.

"I don't want to give you false hope dad, but I know... I know that everything will going to be alright.. I'm always here dad, I will never leave you.."

Ito ang pangalawang beses na nakita kong umiyak si daddy, una ay noong nalasing siya, sinisigaw niya ang pangalan ni mommy habang nagwawala, and this.. this is the second time.

-

Pinagmamasdan ko ang mukha ni daddy habang payapa siyang natutulog dito sa sala, ayaw niyang magpadala sa taas dahil nandoon daw si Aunt Violet at baka magkasagutan nanaman sila. I know that it's all about me. Hindi lang ako makapaniwala dahil ito ang unang pagkakataon na ipinagtanggol ako ni daddy. I mean, I know that he loves me very much, siguro ay nahihirapan din siya noon dahil that's between his daughter and his wife.

Daddy have a strong personality. Siya yung tipo ng tao na hindi mo makikitaan ng problema, akala mo ayos lang siya dahil ni minsan ay hindi siya nagpakita ng emosyong makakapagpahina sa kanya. I don't know why but I guess kasama yon sa pagiging business man niya, he's a boss so he need to be strong.

Maya-maya ay nakita ko si Maxine na pababa ng hagdan, pagkakita niya sa amin ni daddy ay dali dali niya akong dinaluhan.

"What happened?" I just smiled, a fake one. "He's okay..." I answered.

"Okay... I just go to the kitchen.."

Pagkabanggit niya non ay doon ko lang naalala ang tungkol sa mga nabasag na gamit sa kusina.

"Pakitawag naman sina Marian, pasabi pakilinis yung nasa kusina.." she nod and go.

What's happening to my family? What's happening to our life? Ayos naman kami noon... masaya, wala na nga akong mahihiling pa e. But now.. I don't know what to do, everything is a messed... everything's ruined.

Nagising si daddy nung magtatanghalian na, hindi pa din lumalabas si Aunt Violet kaya inutusan ko na lang si Marian na dalhan ito ng pagkain sa taas.

We eat silently, parang ganito din kami katahimik noong kumakain kami ng dinner kagabi. Pero hindi din nagtagal ang katahimikan,

"Venice.. Margarette... after we eat you two will go with me at the office kaya mag-ayos kayo."

Nagkatinginan kami bago sabay na tumayo. At gaya ng sinabi ni daddy ay nag-ayos nga kami. Walang nagsasalita sa amin, siguro ay pareho kami ng iniisip, anong gagawin namin doon? May sasabihin ba si daddy?

"Tara na?" Tumango ako atsaka sumunod sa kanya, nagulat kami dahil pagkabukas ni Maxine ng pinto ay ang siyang pagdaan ni Auntie. Nilampasan niya lang kami at diretsong nagpunta sa kwarto nila. Galing siguro siya sa baba.

"Bantayan niyo siyang maigi. Huwag niyong hahayaan na makaalis siya ng mansion." Agad na tumango kay daddy ang mga kausap nitong bodyguards atsaka umakyat sa taas,

"Ano pong nangyayari?"

"I will tell you later, tara na?"

Buong byahe ay wala kaming ginawa ni Maxine kundi ang mag-ingay, nasa back seat kasi kami katabi yoong dalawa pang bodyguards samantalang nasa front seat naman si daddy, of course with the driver.

Paminsan minsan ay nahuhuli kong sumusulyap sa amin ng nakangiti si daddy doon sa sideview mirror..

Nang makarating na kami sa building ay agad kaming bumaba at sumunod kay daddy, sa lobby pa lang ay madami na ang bumabati sa kanya at sa amin. Syempre like father like daughter ang drama ko at ni Maxine, snob si daddy e kaya snob din kami. Ganoon ang drama namin hanggang sa makadating kami sa 12th floor kung nasaan ang office ni daddy. At pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay napanganga ako sa mga naghihintay sa amin,

Ano nanaman to?

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon