ANWC: 11

1.7K 69 3
                                    

2nd

Nagtilian naman yung mga manonood dahil sa sinabi ni Anthony, ano yon? Tapos hinalikan niya ako sa noo na lalong nagpaingay. Muntik na akong hindi makagalaw pero sinira niya din ang moment. Okay na eh, kikiligin na sana ako.

"Oh, wag kang kiligin. Acting lang 'yan." Nakangising bulong ng mokong. Ugh! Ang sarap niyang tadyakan, pag ako hindi nakapagpigil kukunin ko 'tong heels na suot ko atsaka ipupukpok sa ulo niya. Aish!! Hinila niya ako ng marahan para makaalis na kami sa stage na hanggang ngayon eh ang ingay pa din. Asar talagaaaa!

Nung makaalis na kami sa stage hindi pa din naaalis yung ngiti niya, nginingiti ng isang 'to? Mapunit sana mukha niya, -____- napatigil ako sa paglalakad nung pinatugtog yung California. Oh, so sasayaw pala sila... sweet dance. Napangiti na lang ako ng mapait. Matapilok ka sana Lucy.

Alam niyo yung tanga? Eto yun eh, yung alam kong masasaktan ako kapag pinanood ko sila pero andito pa din ako at nakapako ang tingin sa dalawang EX ko na sumasayaw sa harap ng madaming tao. Habang sumasayaw sila nakatingin lang sila sa isa't-isa. Hindi ganyan makatingin si Jake sa akin noon, ha-ha. Habang nakatingin ako sa kanila parang ako yung nagmumukhang masama, kasi mahal nila yung isa't-isa. Hindi naman nila kasalanan na magkamabutihan sila, siguro kasalanan ko din kasi hinayaan ko. Ang tanga ko, ang tanga-tanga ko.

-

"Our best in gown is...... candidate number 8!" Nagpalakpakan naman yung audience at judges pati na kaming candidates, hindi naman sila nagkamali kasi ang ganda talaga nung gown niya. Coronation na, binibigay muna nila yung iba't-ibang awards. Sila Lucy ang best in sports wear, samantalang kami ang best in photo.

"And our last award..... best in couple," Sabi nung emcee at isa-isa kaming tiningnan na para bang kinikilatis niya kami. "..so sino kaya sa 10 couples dito ang may chemistry talaga, sino kaya sa kanila ramdam na ramdam yung sinasabing "love" so what are we waiting for, the best in couple candidates are candidate number....3!" Ha? Candidate number 3 daw.... Kami yon ah? Kami nga ba? Shit, kami nga! Nagflash yung pictures namin sa malaking screen dito, yun yung kuha noong nag-pictorial kami! At parang hindi kami yon, ang ganda ng ngiti ni Anthony habang tinitingnan akong nakasalampak sa lupa at...at nakangiti din ako.

"Woooooooooh!"

"Waaaaaaaaaaah! Cute coupleeeeee!"

Binigay na samin yung maliit na trophy na may best in couple na nakasulat at nandoon yung picture namin na naghahabulan kami. Corny, -____- sinabit na din nila sa amin yung sash namin.

"So dahil tapos na ang awards, dumako naman tayo sa top 5. Sino kaya ang mapupunta sa top 5? Sino ang mga bet niyo?" Nagsigawan naman ang audience habang kaming candidates ay todo ngiti. Halos lahat ng numbers narinig ko.

"So hindi ko na ito patatagalin, congratukations couple number....5!" Nagpalakpakan naman kami, 1 down, 4 to go. Woooh! Sana...sana makuha kami! Sanaaaa! Ang next na tinawag ay yung couple number 8, tapos si couple number 1. Jusko 2 slots na lang, I know naman na makukuha namin ang slot na yon. Tiwala Venice, and then tinawag ang number 4 na couple ugh.

"And last, but definitely not the least..... couple number 3!!" napangisi ako nung tinawag kami, sabi na eh. Maasali at masasali kami sa top 5. At sisiguraduhin kong kami ang mag-uuwi ng crown.

-

"So as a twist of this couple pageant, our questions will be answered by the both of you by role playing it." Nakangiting sabi nung emcee sa aming lima. Role playing? Our answers? Oh, I think that's a good twist.

After a couple of hours kami na lang nila Lucy and hindi pa nakakapag-perform. Tadhana ba 'to o ano?

"The question is...." Nagpabitin naman ang emcee, ano pa bang aasahan sa emcee? Palagi naman silang pabitin. " What will you do if your friend betrayed you?" napangisi naman ako, oh well napakasimple. "So that's the question, nasa sainyo na kung sino/ano ang magiging role ng bawat isa. You just need to give your best. Good luck couples!"

A Nerd With ClassTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang