ANWC: 17

1.4K 58 4
                                    

Flu

Wednesday na, ang bilis ng araw, at ang bilis din uminit ng ulo ko. Paano ba naman gustong magstay ng mga kolokoy na 'to sa bahay ko hanggang Saturday! Hello!? Mukha bang hotel ang bahay ko? At ito sila sitting pretty sa couch. Mga feeling eh.

"Hoy, feeling niyo ba bahay niyo 'to?" Inis kong sabi sa kanila at humarang sa TV, ang kakapal talaga eh, akala mo naman sila nagbabayad ng kuryente! Hindi din ako pero... tatay ko naman 'yong nagbabayad!

"Hoy bessy! Tumabi ka nga dyan! Kitang nanonood kami eh." Sabi ni Maxine habang katabi yung tatlo na nasa carpet, at talagang bumili pa sila ng madaming pagkain. Srsly?

"Nag grocery na kami, nakakahiya naman sayo baka sapakin mo kami kapag inubos namin stock mo ng pagkain," Sabi naman ni Anthony. What the hell?

Tiningnan ko naman yung iba at aba't, nginitian lang ako? Mga walang hiya! Ano pa nga bang magagawa ko? Umakyat na lang ako sa kwarto ko, bahala sila sa baba. Jusko, sakit sa ulo!!

Nahiga ako sa kama ko at tumingin sa ceiling. Ang ingay nila sa baba.. ang tagal na din simula nung umingay ng ganito ang bahay na 'to. Masaya ako kasi ngayon parang bumalik na ulit ako sa dati.. siguro nga malapit na talaga akong makalimot, ramdam kong malapit na akong makapag move-on.

"Hey, Margarette.. gising na, kakain na." Nagising ako sa pagyugyog sa akin, teka sino ba 'tong yugyog ng yugyog sa akin? Hindi niya ba nakikitang natutulog yung tao? Gusto yatang masapak ng sira ulong 'to ah. Hindi ko siya pinansin atsaka nagtakip ng kumot. Antok na antok talaga ako. Ewan ko ba bakit, pero sobrang pagod talaga ako.

"Margarette, kumain na, ang tigas ng ulo mo." Aish, parang tatay ko naman ang isang 'to, hinarap ko siya pero nakapikit pa din yung mga mata ko. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko eh.

"Mamaya na, susunod ako." Nanghihinang sabi ko, maya maya hinaplos niya yung noo ko, argh! Nakatodo ba yung aircon? Ang lamig lamig!

"Aish! May lagnat ka! Ano ba namang pinag-gagagawa mo? Napakatigas kasi ng ulo eh." Hindi ko na lang pinansin yung sinabi ng kumag na 'to, kung sino man siya, nako patay talaga 'to sa akin pag nakita ko siya. Pasalamat siya at masama ang pakiramdam ko.

Mark Anthony Lee's POV

"Hoy mark, puntahan mo nga si bessy doon sa taas. Kanina pa yun doon, sabihin mo kakain na tayo." Nakakapikon talaga 'tong best friend ni Margarette, napaka bossy eh. Hindi naman dapat ako sasama sa over night na 'to kaya lang naisip ko wala din naman akong gagawin sa bahay. At saka mas okay na 'to, hindi pa ako maboboring dahil may aasarin ako. Kanina pa sila nagmomovie marathon dito sa baba, kanina pa din sila kain ng kain at mukhang wala yata silang kabusugan dahil kakain nanaman kami ng dinner.

Umakyat na lang ako sa taas para puntahan si margarette sa kwarto, baka inis pa din yon sa amin kasi ayaw niya kaming pag over night-in dito, ewan ko ba doon at gusto laging loner. First time kong makapasok sa kwarto niya ngayon kung sakaling makakapasok ako, ayaw kasing magpapasok non sa kwarto niya, noong nagpapractice kami dito para doon sa pageant ni hindi ako makatapak sa sahig ng kwarto niya, baka daw magkalat ako ng germs. -_____-

Kumatok muna ako ng dalawang beses bago ko tuluyang binuksan yung kwarto niya, nakahiga siya at nakatalikod siya sa akin, pero feeling ko eh tulog siya, balot na balot siya ng kumot. Anong nangyari dito? Ang hina nga ng Aircon eh, at ang init dito sa kwarto niya. Nilapitan ko siya para gisingin, niyugyog ko na't lahat tulog pa din. Tulog mantika yata ang isang 'to.

"Hey, Margarette.. gising na, kakain na." niyugyog ko ulit siya, hindi ba siya pinapawisan? Balot na balot talaga siya eh, kumot na nga lang yung nahahawakan ko. Don't get me wrong, okay? Ayoko siyang mahawakan, pasalamat na lang ako at balot na balot siya ng kumot ngayon. -___- Ako kasi yung nahihirapan sa posisyon niya eh. Hindi ako concern sa kanya ah? Ah basta!

Hindi naman natinag 'tong babaeng 'to sa pagyugyog ko, napagod siguro 'to ng sobra, halos siya na kasi ang umasikaso ng ball na gaganapin ngayong Friday night. Sinabihan na kasi siya na magpahinga naman, tsk.

"Margarette, kumain na, ang tigas ng ulo mo." Kailangan niya munang kumain, mahirap malipasan ng gutom, baka tuluyan na siyang magkasakit.

Maya maya ay hinang hina siyang humarap sa akin, anong nangyari dito?

"Mamaya na, susunod ako." Hinaplos ko yung noo niya, shit! Nilalagnat siya, hayst napakapasaway kasi eh!

"Aish! May lagnat ka! Ano ba namang pinag-gagagawa mo? Napakatigas kasi ng ulo eh." Expected ko na, na hindi niya ako susungitan, bumaba na lang ulit ako para ikuha siya ng pagkain. Kukuha na din ako ng maligamgam na tubig at bimpo.

Pagkababa ko nasa hapag kainan na silang lahat at mukhang kami na lang talaga ang inaantay. Mga patay gutom. -___-

"Bro, ang tagal niyo naman, anong ginawa niyo sa taas ha?" binigyan naman ako ng makahulugang tingin ni Stephan kaya sinamaan ko ng tingin.

"Gago!" Singhal ko kaya natawa sila, mga sira ulo. Tsk.

"Oh asan si Venice?" Takang tanong naman ni Lisa, dumiretso ako sa may kusina atsaka kumuha ng maliit na stainless na planggana. Ano nga bang tawag dito? Basin ba? Basta 'yon.

"Maxine. Saan yung mga bimpo niyo dito?"

"Aanhin mo ang bimpo?" Takang tanong niya, aish. Napakausisera ng babaeng 'to.

"Nilalagnat si margarette, kaya ituro mo na kung saan ako makakakuha ng bimpo ng makabalik na ako sa taas."

"Anooooo? OMG!!! Ang bessy koooo! Huhuhu, doon sa cabinet niya sa taas may bimpo doon, ako na lang kaya ang mag-alaga kay bessy? Napakapasaway kasi! Sinabi ng magpahinga naman pero hindi nakikinig!"

"Woooh! Ako ang hiningal sayo Maxine!" Natatawang sabi ni Luhan, o nga tuloy tuloy magsalita eh, walang preno ang bibig.

"Nako babes, baka pag ikaw ang nag-alaga kay Pres. Eh lalong lumala yung sakit niy--- aww!"

"Ayan kuya, di ka kasi manahimik, nabatukan ka tuloy. Bwahahaha."

"Ito na yung pagkain ni Venice, dalhin mo na lang sa taas." Natulala ako kay Jandi, teka? Hindi ba... ayaw na ayaw nito kay Margarette? Bakit... aish.

Pumunta na lang ako sa taas at iniwan sila sa kusina na nag-iingay. Kailangan gumaling ni Margarette, para naman makapunta siya sa ball at makita niya yung success ng pinaghirapan niya.. aish! Ano ba 'tong mga pinagsasasabi ko? Pagbalik ko sa taas ganon pa din ang posisyon niya, hinawakan ko ulit yung noo niya at mas uminit pa 'to. Hindi na ako nagsayang pa ng oras atsaka kinuha yung bimpo sa cabinet niya, binasa ko na 'yon tapos ipinahid sa noo niya.

Napatitig naman ako sa kanya, maganda si Margarette, maamo yung mukha niya, kapag tulog siya hindi mo iisiping may pagkamaldita siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa nakaraan niya para maging ganito siya.

"Margarette, gising. Kumain ka muna para magkaroon ka ng lakas." Unti-unti niya namang minulat yung mata niya, halatang halata sa mata niya yung sobrang pagod na nararamdaman niya, hayst. Sinubuan ko na siya hanggang sa umayaw na siya, matapos niyang kumain ay nagpahinga na ulit siya.

"Get well soon... Margarette." Bulong ko at pinikit na din yung mga mata ko.

----

Edited: 4/5/16

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now