ANWC: 47

873 27 16
                                    

This is war

We are busy preparing for the event that will happen tomorrow... christmas and of course... my day. Sa loob ng ilang linggo ay hindi ko naramdaman ang nalalapit na pagcecelebrate ng christmas at maging ang kaarawan ko. Naging busy kami sa pagpapagaan ng atmosphere at paghahanda sa pwedeng mangyari. Multi-tasking.

Dad is with Bea, Luhan, and Jandi. Sila ang nag-aayos ng venue. I don't want to celebrate here in our house. This house is very important to us... to me, at alam kong posibleng may mangyaring hindi maganda sa kaarawan ko. Aunt Violet want to destroy me. And tomorrow is the best day that she's waiting for.

Iilang tao lang ang imbitado. Mga katrabaho ni daddy, ilang kakilala at ang mga kaibigan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din naaalis ang kaba ko sa posibleng mangyari pero alam ko ding hindi magpapapigil ang mga kaibigan ko sa party, even dad. Gusto nilang magcelebrate, they even lectured me na kapag daw nagpatalo ako sa takot parang hinayaan ko na rin daw na sirain ako ni Aunt. Dad said that he will provide higher security tomorrow so I don't need to worry. Hindi ko alam kung nagiging paranoid lang ba ako o ano. Parang sa isang iglap lang lahat ng inipon kong lakas ay nasira. Lahat ng binuo kong wall para magtago ng kahinaan ko ay nawasak. Ngayon ay bumalik nanaman ako sa dating ako. Isang babaeng mahina, isang nerd pa din, but without class..

"Ito? Mukhang masasarap din to oh!" Sabi ni Stephan atsaka itinuro iyong pagkain sa menu kung saan kami namimili ng para sa ihahanda bukas.

Tiningnan ko 'yon at mukha ngang masarap. Seriously, hindi ako gaanong pamilyar sa mga pagkaing pinapakita sa amin noong organizer na kinuha ni daddy. Parang halos lahat ng nasa menu na ibinibigay niya ay puro foreign foods. Nabigla ako ng batukan ni Maxine si Stephan,

"Hoy Stephan! Ikaw ba ang magdedebut ha? Kung makapili ka akala mo naman sayong party e," taas kilay na bulyaw ni bessy kaya napanguso na lang ito. Kawawang Stephan, bugbog sarado lagi kay Maxine.

Napakamot ito ng ulo, "Sorry na."

Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Buti na lang at sila ang naiwan na kasama ko dito sa bahay. At least nalilipat sa kaingayan nila ang atensyon ko. Sina Lucy, Jake, Stephanie and Anthony kasi ay bumisita sa rest house kung saan pinatuloy ni daddy ang family nila for their safety.

Gusto ko din sana silang imbitahin sa birthday ko at para sabay-sabay kaming magcelebrate ng christmas ang kaso ay hindi ko na hahayaang madagdagan pa yung mga maari kong maipahamak.

Nagpatuloy lang kami sa pagpili ng mga pagkain, halos sina Maxine na nga ang namimili noong mga pagkain kaya kapag hindi nagustuhan ng mga bisita ay kasalanan nila.

Gabi na ng dumating sina daddy, they're all look tired. Naguilty naman ako dahil alam kong para sa akin ang pinagpapaguran nila. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din kung anong ginawa kong mabuti para ibigay sila sa akin, although, I'm happy becuase I have them. It's just that, hindi ako makapaniwala. Kasi aaminin ko, I am not perfect. May mga mali at masama din akong ginagawa. Pero heto't may mga taong nakapaligid sa akin na handa akong samahan at protektahan...

"Mukhang napagod po kayo tito, kumusta po ba ang venue?" Tanong ni Maxine kay daddy, nag-angat ito ng tingin bago sumagot.

"All set, Maxine." Tipid na sabi ni daddy, tumango naman si Maxine. Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay si Bea naman ang nagsalita.

"The venue is so gorgeous! Hindi pa man natatapos ay mukha na itong paraiso, paano pa kaya bukas?" Puno ng galak nitong sabi, maging ako ay naexcite ng dahil sa naging reaksyon ng kapatid ko. Simula noong naging kumplikado ang lahat ay ngayon na lang ulit ako magcecelebrate ng christmas, maging ang birthday. Sino ba naman kasi ang gugustuhing magcelebrate kung mag-isa ka lang, hindi ba?

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon