ANWC: 29

1.1K 40 2
                                    

Past

Dumaan ang ilang linggo at palagi na akong may natatanggap na ganon sa locker ko, seriously? Tingin niya ba'y papatulan ko yung mga kagaguhan niya? Don't me. I know a lot of students here hates me, and I don't give a damn.

Hindi ko na sinabi 'yon kina bessy, kahit kay Anthony. Hindi naman 'yon importante, makakadagdag lang 'yon sa mga iniisip at kaiinisan nila. Isa pa, malapit na ang christmas, kaya tambak kami ng gawain. Ang daming requirements na dapat ipasa, lagi na lang kaming tambak ng gawain. Pero kahit ganoon, naglalaan pa din ng oras para sa relasyon namin si Anthony, bilib nga ako sa mokong na 'yon, iba talaga epekto ng charms ko.

Nasa bahay lang ako ngayon, si bessy ay lumabas kasama si Stephan, hindi ko nga alam kung sila na ba o ano e, hindi pa naman kasi ulit kami nagkakausap ni bessy ng tungkol doon.

Inayos ko na yung ilang papers na natapos ko, ilang weeks na lang naman at sembreak na, kaya ko to! Inaantay ko din si Anthony, dito kasi niya balak gawin yung mga dapat niyang gawin then after non magmomovie marathon kami.

Naghanda na din ako ng pang meryenda namin mamaya, at habang hinihintay ko siya ay sasagutan ko na din siguro 'tong mga activities namin.

Ang hirap naman nito, hindi naman 'to naexplain sa amin kaya paano ko 'to masasagot? Habang busy ako sa pag-iisip ng isasagot ay nakarinig na ako ng sasakyang huminto sa labas, siguro ay si Anthony na 'to! Dali dali akong tumayo at tumakbo papuntang pintuan, saktong pagbukas ko ng pinto ay ang paglabas ni Anthony ng sasakyan, may dala siyang laptop at isang envelope, mukhang tambak na tambak din sila ng gawain.

Lumapit na ako agad sa kanya at pinagbuksan siya ng gate, agad niya naman akong niyakap,

"Hindi mo naman ako masyadong miss ano?" Sabi ko sabay tawa, sobrang higpit ba naman ng yakap e,

"Hindi naman, slight lang." Agad ko siyang hinampas at tinawanan niya lang ako, loko to.

"Tara na nga sa loob, tapusin natin ang dapat tapusin para makanood na tayo ng movies!"

Pagkapasok namin ay yun nga ang kaagad naming ginawa, agad siyang humarap sa laptop niya at may mga tinatype doon, inasikaso ko naman yung mga tanong na hindi ko pa nasasagot. Buhay estudyante nga naman.

Nung matapos ko na yung mga gagawin ko ay nagpunta ako ng kusina para ihanda yung meryenda namin, mukhang gutom na si Anthony e, nahahawa na yata yon sa katakawan ni Stephan, pero kahit maging mas matakaw pa siya sa pinakamatakaw, hindi pa din magbabago yung pagmamahal ko sa kanya. Okay, ang corny ko masyado. Kadiri!

Matapos kong ayusin yung mga pagkain at inumin ay nagpunta na ako sa living room, busy pa din siya sa pagtatype ng kung ano,

"Ano ba yang tinatapos mo? Mukhang mahaba haba pa yan ah." Napatingin naman siya sakin at sumimangot, napano 'to?

"Nauubusan na kasi ako ng ideya. Mas gusto ko pa yatang mag exam kaysa gumawa ng research papers," paliwanag niya atsaka kumuha ng sandwhich sa may tray na dala ko.

"Patingin nga, try ko kung may maisip ako."

Binasa ko yung mga natype na ni Anthony, about drugs pala ang topic niya, ang haba na nitong natype niya pero bat parang kulang pa din para sa kanya?

"Ilang page ba ang kailangan?"

"Maximum is 20 and minimum is 15." Sabi niya sa pagitan ng pagnguya, grabe naman yung teacher nila talagang pinapahirapan sila. 13 pages na ang nagawa niya kaya 2 pages na lang ang kulang,

"Wait-- what are you doing? That's my work so don't do that okay? It should be me,"

"Aba. Gumaganyan ka na ha. Pasalamat ka na lang at tinutulungan kita, gusto ko ng manood ng movie kaya hayaan mo na ako dito,"

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon