ANWC: 45

811 29 0
                                    

Escape

Mabilis na lumipas ang araw. Mahigpit pa din ang seguridad sa bahay at hindi ako gaanong nakakalabas. Ramdam kong naghihinala na siya sa amin. Siguro nga ay alam niya na din na pinagtaksilan siya nina Bea.

Simula din noong nalaman namin ang lahat, pati ang plano niya ay lagi ng dumadalaw dito sina Anthony kasama ang barkada. Natatakot man ako sa pwedeng mangyari sa kanila mas napapanatag naman ang loob ko kapag kasama ko sila.

I still remember what Beatrice told us.

"Plano?" Lucy asked. Tahimik kaming nakikinig sa mga ipinapaliwanag ni Bea. Nandito na din si daddy at seryosong nakikinig.

"Yes. Siya ang dahilan kung bakit ibang pangalan ang ginamit ko simula nung bumalik ako. Gusto niyang mapalapit kami sa'yo Ate Ven, at gusto niya na sa ikalawang pagkakataon ay masaktan ka ulit. And this time sisiguraduhin niyang hindi ka na makakabangon pa."

I'm speechless. Did I do something wrong to her when I was still a child? Bakit sukdulan na lang ang galit niya sa akin to the point na nagawa niya ang lahat ng 'to? So, simula pa lang ay palabas na ang lahat? Ang pagiging mabait niya, ang pagmamahal na pinakita niya noong una... lahat ng 'yon ay planado.

Akala ko ayos na ang buhay ko simula pa man. Kahit na hindi ko na naabutan si mommy ay may ina namang nagparamdam sa akin ng pagmamahal. But I am wrong. I never experienced the love of a mother that I wanted to feel. I never experienced having a mother. Because what I experienced is all part of a plan... a plan that will destroy me.

Noong araw na iyon ay parang isang bombang sumabog sa akin ang bawat impormasyong nalaman ko. Jandi... Jandi is Lisa or should I say Beatrice's cousin, anak siya ng kapatid ni Aunt Violet and unfortunately her parents was no longer breathing. Si Aunt Violet umano ang nag-alaga sa kanya simula pagkabata. She trained her with those mens who're loyal to her. Aunt Violet is a daughter of one of the richess business man and women. Jandi was trained to be Aunt Violet's employee or should I say little toy. Walang naging problema doon si Jandi dahil utang na loob niya ang buhay niya rito. Ginagawa niya ang lahat ng ipinapagawa nito including my death. Siya din ang nakita kong babae noong araw na akala kong pinagtaksilan ako nina Lucy. That girl with an evil smile.

I remembered her explanation when I asked her if that girl was her.

"Yes, that was me."

"That was really you? Kung ganon, bakit lumipat ka na sa side ko ngayon? I saw how you devilishly smiled at me that day. It looks like you were enjoying how I suffered." Mapang-asar kong sabi. Agad naman siyang sumimangot.

"Past is past. If you don't want to trust me. It's okay. But sorry to disappoint you---your father already gave me his trust so you can't do anything about it." She said confidently kaya natawa na lamang kami.

Bago sila pinakawalan ni Aunt Violet mula doon sa bahay kung saan niya itinago si Bea ay sinabi nito ang dapat nilang gawin. She want Jandi and Bea to be close to me, and luckily they did it. Malapit na sila sa akin. Stephanie and the others were shock when they heared that. Maging sila ay hindi alam na ganoon ang balak ng dalawa. Ni hindi nga namin napansin na magkakilala pala si Jandi at Bea.

"Kaya pala gustong gusto mong sumama sa Miyaki Academy bilang exchanged student," biglang bulalas ni Stephanie na parang may naalala.

Sinabi din ni Jandi na ayaw niya gawin yung pinapagawa ni Aunt Violet that's why sinusungitan niya ako. Even Bea, kaya sa tagal ng panahon niya na nagstay sa school ay ngayon niya lamang ako nagawang kausapin. Hanggang sa nalaman ni dad ang plano ni Aunt, hinanap niya ang dalawa at kinausap. Hirap pa silang umamin noong una dahil sa takot pero dad assured that he will protect them. He will protect us. Hindi na alam nina Bea ang susunod na plano ni Aunt Violet dahil hindi niya ito sinabi sa kanila. But one thing is for sure. She's planning to kill me.

A Nerd With ClassNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ