Maxine

45K 141 13
                                    

MAXINE's POV

Ang sakit parin ng ano ko matapos ang nakakapagod na sandaling iyon. Lalo na at first time lang sa akin nangyari ang ganun. Hindi ko maisip kung bakit ko ginawa iyon. Siguro dala na rin na ng pangangailanhan, nasa ospital ang anak ko at wala akong ibang maaasahan kung hindi si sir Andrew. Ayoko man gawin pero kailangan. Sinubukan kong maging wild kanina at mukhang nagawa ko naman siyang pasiyahin. Ang dumi-dumi na ng tingin ko sa sarili ko. Pero hindi ko na iisipin pa ang aking sarili. Mas kailangan ako ng anak ko.

8years old si Yuri, mabait at bibong bata. Sanggol pa lamang nang mapulot ko siya sa isang basurahan. Marami ngang nagtataka kung bakit daw sa edad kong 16 ay may anak na ako, di lang nila alam na si Yuri ay hindi talaga galing sa sinapupunan ko. 24 years old na ako ngayon at highschool lamang ang natapos ko, gusto ko sanang tumuloy sa kolehiyo kaso hindi kaya ng bulsa. Kaya ito, dito ang bagsak ko kay sir Andrew.

Pinagmasdan ko Sir Andrew habang nagmamaneho siya ng sasakyan. Ihahatid niya daw ako sa hospital at siya na daw ang bahala sa lahat ng gastusin. Hindi ko maisip kung bakit ganito nalang siya kabait sa akin. Siguro dahil sa ginawa niya sa akin ay nakonsensya siya. Hindi naman talaga kasi biro o laro ang pagkuha sa virginity ng isang babae. Ay, hindi nya nga pala alam na hindi ko tunay na anak si Yuri. Siguro iniisip niyang nagalaw na ako ng ibang lalaki.

"Why are you staring at me?" Tanong niya, nakatingin naman siya sa akin ngayon

Naka stop pala ang kotse kaya nahuli niya akong nakatulala sa kanya.

"Ah wala sir" Yumuko ako dahil sa pagkahiya.

"Sabi mo eh, sige baba na nandito na tayo" Malamig niyang tugon

"Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?" Tanong ko, well tingnan natin kung isa siyang maginoo

"Hindi, I'm your boss, at ikaw ang maid. Dapat nga ako ang pagbuksan mo ng pinto. " Grabe, bakit biglang ang cold niya sa akin. Kanina lang, hay dibale na nga

Umirap ako sa kanya sabay bukas ng pinto. Lumabas ako at binuksan ko na rin ang kabilang pinto. "Hayan na po kamahalan, binuksan ko na para makababa na po kayo" Ani ko

"Salamat" Bumaba siya, hinawakan niya ang braso ko at kinaladkad sa loob ng Hospital "Nasaan ba ang anak mo? "

"Sumunod ka sa akin sir" wika ko sabay tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. "Tara na!"

Hinawakan ko siya sa braso niya at siya naman ngayon ang kinaladkad ko patungo sa room kung nasaan si Yuri.

------

My Hot Maid (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon