Wine

22.9K 70 1
                                    

MAXINE's POV

Mabuti nalang talaga at bumalik ako dito, kung hindi ay baka hindi lang yung isda ang masunog, baka pati ang mansyon. Sabi na eh, hindi mo talaga pwedeng iwan si Sir Andrew mag-isa, lalo na sa kusina. Hayan tuloy, basang-basa na ako.

Binuksan ko yung maleta ko at kumuha ng ilang damit at pants na pwede kong isuot.

Mabilis kong hinubad ang kasuotan ko, mula ulo hanggang paa. Kailangan ko kasing bilisan dahil alam mo naman si Sir Andrew, pilyo.

ANDREW's POV

Marahan kong binuksan ang pinto, sakto hindi siya naka-lock. Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto. Sinigurado kong hindi magiging matunog ang mga yabag ko para hindi marinig ni Maxine na pumasok ako sa kwarto.

Nasan kaya siya? Hinanap ko siya sa buong paligid. Sinubukan kong silipin sa may kama, ngunit wala. Masyado kasing malawak ang kwarto.

Biglang may kumalabit sakin.

Humarap ako, si Maxine O_o

"Sino ang hinahanap mo? Ani niya

"Tapos na?" Nadulas kong sabi sa kanya nang mapansin kong nakapag-bihis na pala siya.

"Tapos na ang alin Sir Andr--"

"Tapos kana ba kako?! G-gutom na kasi ako eh, hehe" Pagkukunwari ko

"Oo naman, halika na ipagluluto na kita" sabi niya at sabay hatak sakin palabas

-----

"Wow ang sarap naman ng luto mo, naiayos mo pa ang nasunog na bangus at napasarap mo pa" sabi ko habang nilalantakan ang niluto niya "Halika kumain ka"

Ngumiti lang siya

"Nahihiya kaba? AH! Alam ko na, mas masarap ito pag may kasamang alak" Dali-dali akong kumuha ng isang mamahalin na wine sa may mini bar sa mansyon.

Alam ko na ang gagawin ko para maka-iscore. Napanood ko kasi sa TV na karamihan sa mga babae pag nalalasing ay nagiging wild sa kama. WAHAHAHA!!

Iinabutan ko siya ng isang baso ng wine, at isang baso pa sa akin. Papainumim ko lang siya ng papainumin hanggang sa malasing siya.

My Hot Maid (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon