Yuri

30.6K 104 0
                                    

Guys sorry ngayun lang nakapag update.. Busy kase ..
At sorry ulit .. Yuri po name ng ampon ni Maxine.. Hindi aimee.. Sorry

MAXINE's POV

Nakausap ko na ang doctor ni Yuri. Nasa Operating room siya ngayon, kailangan daw kasi ng agarang operasyon dahil sa sakit sa puso ng anak ko. Ipinagtapat din sa akin ng doctor niya ang magiging gastos sa operasyon. Higit pa pala sa hundred thousand ang kailangan.

Kailangan daw ng 3million pesos. Saan naman ako kukuha ng ganong kalaking halaga.

Kung ibebenta ko ang baga ko siguro 150 thousand lang. Kung isasama ko ang iba lamang loob ko at kung ano pang pwedeng ibenta, kulang parin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga pagkakataon ito.

Mahal na mahal ko si Yuri kaya lahat gagawin ko para sa kanya. Ayoko siyang mawala. Sana ako nalang ang nagkasakit. Sana ako nalang ang nahihirapan. Kung pwede ko lang sanang akuhin ang karamdaman ng anak ko gagawin ko, pero hindi. Hindi pwede.

Isang paraan nalang talaga ang naiisip ko. Kailangan kapalan ko na ang muka ko. Siya lang talaga ang makakattulong sa akin.

Tinatanaw ko si Sir Andrew mula sa malayo. Nakatanaw din siya sa akin na para bang nag aalala.

Marahan akong lumapit mula sa kinauupuan nya. Sinundan nya ng tingin ang mga galaw ko.

Heto na ako sa harapan nya. Ito na ang pagkakataon ko.

ANDREW's POV

Mula sa malayo natatanaw ko si Maxine, mukhang malalim ang iniisip. Nakita nya akong nakatingin sa kanya,lumapit sya sa akin ng marahan. Sinamahan niya akong umupo at tiningnan niya ako, mata sa mata.

"Ok ka lang?" tanong ko

Hindi siya agad nakapag salita. Sinubukan niyang ngumiti pero hindi magawang magsinungaling ng labi niya.

"Sir may sasabihin ako" mahina niyang tugon na parang nagpipigil maluha

Tiningnan ko lang siya at hinintay ko siyang magsalita.

"Sir pwede bang umutang ng---" tinakpan ko ang bibig niya.
"Huwag kanang mag-alala sa gastusin sa ospital. Ako ng bahala sa anak mo. "

Namutla ang muka niya ng narinig ang mga sinabi ko. Bumuhos ang mga luha niyang kanina pa niya pinipigilan na pumatak. Saka siya yumakap sa akin at humagulgol ng malakas.

"Salamat sir!!! Salamat ng marami!! Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawinko.. Salamat! Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang kabutihan mo sakin! Hayaan mo sir pagsisilbihan kita! Hayaan mo akong bayaran ang utang na loob koo sayo! Salamat sir!"

Sabi niya at humagulgol siya ng iyak.

Isang malakas na iyak.....

My Hot Maid (SPG)Onde histórias criam vida. Descubra agora