Cook

27.7K 97 9
                                    

MAXINE's POV

Umalis na si sir Andrew. Naiwan naman ako dito sa hospital para bantayan si Yuri. Successfull naman yung ginawang operasyon sa kanya. Salamat nalang talaga kay sir Andrew.

Maya-maya pa ay dumating na si manang. Siya kasi ang nag aalaga pansamantala kay Yuri dahil kailangan kong magtrbaho para sa kanya. Pinapunta ko siya dito para may magbantay sa anak ko dahil nakakahiya naman kay sir Andrew kung nandito lang ako maghapon.

Kailangan kong bumalik sa mansyon para tingnan si sir baka kasi kung ano na ang nangyari doon at tiyak gutom na siya ng mga oras na ito. Kailangan kong pagsilbihan ang new boss ko lalo pa at ipinangako ko sa kanyang pagsisilbihan ko siya.

"Oh siya Maxine mauna kana at baka nagugutom na ang boss mo. Alam mo naman yun hindi kumakain ng luto ng ibang maid." ani manang at umupo sa tabi ni Yuri

"Sige po mang" sabi ko sabay abot ng 10 thousand galing kay sir

"Ano to?" nagtatakang tanong niya

"Pang gasta ninyo po ni Yuri"

"Ah ganun ba,eh ikaw? May pera kaba dyan?" nag-aalalang tanong niya

"Wag ninyo na po akong alalahanin. Sige na po mauna na ako"

Lumabas ang ng room at mabilis na sumakay umalis.

Kamusta na kaya si sir...

ANDREW's POV

"Lagyan ng mantika ang kawali at hintaying uminit ang mantika. Lalalala" Akala nila hindi ako mabubuhay ng wala si manang o si Maxine para magluto sa akin. Akala lang nila yon hahaha!!

Ayan na kumukulo na ang mantika. Ang sunod ilagay ang isda sa may kawali. At maluluto na siyang mag-isa

Inilagay ko ang mabasa-basang isda sa kumukuloong mantika.

"Waaaah! Napasigaw ako ng nagtalsikan ang mga kumukulong mantika ng ilagay ko ang isa. Lumayoo agad ako sa kawali. Dahil ba masyadong malakas ang apoy??

Pano na ang gagawin ko??

"Wahh!!! " napasigaw ulit ako ng biglang umapoy yung kawali. Ang lakas! Shit pano na to!

Nataranta na ako kaya kumuha ako ng isang pitsel na tubig. Mabagal akong lumapit sa umaapoy na kawali, dahan-dahan.

"Sir wag!!!" si Maxine sabay agaw ng tubig

Dahil nangangatog ako sa takot na baka masunog ang buong mansyon, aksidente kong naibuhos sa dibdib ni Maxine yung tubig!

"Bakit mo kasi inagaw? Nabuhusan ka tuloy!" sabi ko

Tiningnan niya ako ng masama...

"Ano kaba? Gusto mo bang magtalsikan lahat ng mantika sayo?! Pag binuhusan mo yan ng tubig ganun ang mangyayare ok?" aniya

"Ganun ba yun?! Eh sige pano mo mapapatay yang apoy sa kawa---"

Tinakpan niya yung kawali ng takip sabay irap sakin. Ang sungit!

"Sa totoo lang naisip ko na yan hehe"

"Ganon? Ayan sunog na yung isda mo."

"edi itapon?"

"Huwag ka ngang mag-aksaya ng pagkain. Pwede pa yan. " aniya "akong bahala pero magpapalit muna ako ng damit."

Ay oo nga pala nabasa ko siya. Napatingin ako sa dibdib niya at kita ko ang kulay pink na bra niya dahil sa pagkabasa.

"Sige, nasa kwarto ko yung mga gamit mo."

"Wag kang susunod!" Aniya

"Oo naman" pagsisinungaling ko hihi

My Hot Maid (SPG)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin