Sleep

22.4K 69 7
                                    

MAXINE's POV

"ZzzzzZzzz" Paghihilik ni sir Andrew, hindi ko alam na mahina pala siya sa alak. Nakatulugan niya ako pero kahit papaano nakapag kuwento siya ng tungkol sa buhay niya. Ang dami pala niyang bussiness, sobrang yaman pala talaga niya.

Ang suwerte siguro ng mapapangasawa ni sir. Mabait na, gwapo pa, mayaman pa.

"Maxiiiine" Si sir na may hawak pang bote ng wine "Tagay pa? HIK!!"

"Nako sir, mukhang hindi mo na kaya. Halika ihahatid na kita sa kwarto mo"

Iniakbay ko sakin ang isang braso ni sir. Marahan ko siyang inalalayan sa paglalakad.

"Maxineee" Si sir na nakuha pang magsalita kahit na mukang lantang gulay na siya " Alam mo Maxine, maganda ka, mabait pa at maasikaso"

"S-salamat sir?"

Napatigil siya sa paglalakad at tiningnan niya ako sa mata. Ang ganda ng mga mata niyang papikit-pikit pa sa kalasingan. Parang nangngusap ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Nailang ako kaya't ibinaling ko ang tingin ko sa iba.

"Maxine" Hinawakan niya ang pisngi ko, Ihinarap niyang muli ang muka ko sa muka niya. Nakakailang ang mga tittig niya.

Mali, hindi ko alam kung nakakailang o baka nakaka inlove? NO! Hindi , huwag kang magpapaloko sa kanya Maxine

"Alam mo, feeling ko mahal na kita" Sabi niya at sabay lapit ng mukha sa akin.

"T-teka muna sir!! " Inilayo ko ang mukha ko sa mukha niyan ngunit hinawakan niya ang likuran ng ulo ko at inilapit mula niya.

HINALIKAN NIYA AKO


Hinalikan niya ako sa noo ko.

O_o

Naramdaman ko ang biglaang pagtibok ng puso ko.

"Sir Lasing lang po kay----"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap.

Ang init ng katawan niya.


Mga tatlong minuto rin siyang nakayakap sa akin.

"S-sir??"

"ZzZzzzzZz"

Tulog siya?

Hay, buti naman. Muntik na akong bumigay ulit sa kanya.

Siguradong dala lang nang kalasingan ang mga sinabi niya.

Inakay ko muli siya papunta sa kama niya.

Ihiniga ko siya roon at mahimbing ang pagkakatulog niya.

Ako naman ay gagawan ko na siya ng makakain para mamaya. Malapit narin ang hapunan.

"Maxine" nagising siya???


COMMENT NAMAN :((((

My Hot Maid (SPG)Where stories live. Discover now