SIGNS | Prologue

17K 205 32
                                    

SIGNS | Prologue

***

SIGNS. Naniniwala ba kayo doon? Kasi ako oo eh. Sobra! Gumagawa pa nga ako nun eh. Yung tipong pinag-isipan mo talaga, para lang masabi mong ang taong mahal mo, ay mahal ka rin.

Siguro nga para sainyo ay MALABO. Sino ba naman kasing taong maniniwala dito? Pero hindi naman masamang sumubok eh. Tawagin niyo na akong uto-uto o baliw pero buhay ko naman 'to eh. Masama bang mag take ng risk?

Sana kasi alam na natin kung sino yung mga taong mamahalin natin, Para hindi na tayo umasa at masaktan pa. Pero malay mo? Baka dahil sa SIGNS, Magkatuluyan kayo o masira kung ano ng meron kayo?

"Hoy! Karylle, ano na namang ginagawa mo?" Tanong sakin ng bestfriend kong si Anne.

"Nagsusulat." Sabi ko, Nagsusulat kasi ako ng Signs ko. Kapag kasi natupad ang lahat ng 'to may pag-asa kami ng taong gusto ko.

"Alam ko, Bakit hindi sa Signs Notebook mo sinusulat?" Sabi niya, Nakabili kasi ako kahapon ng notebook. Ngayon ko pa nga lang sinimulan ang paggawa ng signs.

"Scratch muna noh. Para sure. Tignan mo puro bura. Yan Tapos na!" Masayang sabi ko. Nagawa ko na kasi ang sampung senyales ko. Ang sarap sa pakiramdam!

Hinablot niya yung isang pirasong papel.

-My 10 SIGNS.

-Sign #1: kapag nag eye to eye contact kami.

-Sign #2: kapag pinansin niya ako.

-Sign #3: kapag may nakita akong Violet na bulaklak.

-Sign #4: kapag pinansin ako ng isa sa mga kaibigan niya.

-Sign #5: kapag nakita ko siyang naka long sleeves na may kulay na orange, brown at light brown.

-Sign #6: kapag may binigay siya saking kahit ano.

-Sign #7: kapag dinamayan niya ako sa problema ko.

-Sign #8: kapag may pinahiram siya saking kahit ano.

-Sign #9: kapag may nakita akong batang umiiyak.

-Sign#10: kapag umulan at kapag may couple na naghahabulan.

-Karylle♥

Yan ang nakasulat dun sa papel, at ang kailangan nalang ay magawa o matupad nya ang lahat ng yan.

"Goodluck sayo girl!"

"Salamat! Sana matupad yan!"

***

A/N: Revised prologue! May inalis and dinagdag ako. Inayos ko din yung arrangements ng fonts and yas yung capitalizations. :)

VOTE - COMMENT - SHARE.

-Lalalaiza14

SIGNS | Vicerylle [Completed]Where stories live. Discover now