SIGNS | Chapter 5

3.8K 112 21
                                    

SIGNS | Chapter 5

***

Karylle's POV

Kagigising ko lang at ang ganda ng gising ko dahil maganda ako. Joke! Pero totoo yun ah. Ngayon kasi simula ng SIGNS ko at excited na ako sobra! Sana kapag wala talaga kaming pag-asa eh hindi na matuloy ang una. Pero sana talaga.

At dahil maaga akong nagising ngayon ay magoonline muna ako sa fb!

*Login.*

Ngayon nagsisisi ako kung bakit pa ako nagonline. Pagkabukas ko ito agad nakita ko:

--
Jose Viceral's Post

Ngayon, masasabi ko ng sigurado na ako. Mahal ko na siya.

--

 Sino kaya yun? Ang swerte niya. Di ko alam ang dapat maramdaman. Naiiyak ako. Pero bakit naman ako iiyak? Wala namang kami. Hindi naman kami. Pero..mahal ko siya eh.

Dahil sa nakita, agad akong nag-logout at nag-iba ang mood. Maluha-luha ako. Ayam kasi! Nag-assume ka! Sabi ko naman sayo na masakit umasa. Iiwan ka lang sa dulo.

Pero sumagi sa isip ko na baka ako nga yun? Kasi he's acting sweet these past few days. Ayan na naman, hopia pa karylle.

Kung ayaw niya sakin, edi wag! Kaya ko namang mabuhay ng wala siya. Paano? Gago ka ba? Edi huminga! Wag magtanong ng patanga sabi eh! Marami kayang nagkakandarapa sa isang Ana Karylle Tatlonghari! Pero siya lang talaga eh..

***

"Hi,kurba. Good morning!" Sabi ni Anne. Pagpasok ko kasi siya agad ang nakita ko. Lumingon lingon ako, Pero wala pa si Vice. 

"Walang good sa morning." matamlay na sagot ko sakanila.

"Anyare sa mukha mo girl? Pang biyernes santo?" tanong ni Nikki sakin.

"Wala,wala." Pagtatanggi ko. Ayokong umiyak noh.

"Bakit nakashades ka? Hindi naman maaraw ah." sabi ni Nikki.

"Oo nga girl, feeling may araw lang?" natatawang sabi ni Anne.

"Pake niyo ba? Walang basagan ng trip!" naiinis na sabi ko. Kung bakit ba kasi ako biglang naiyak sa banyo kanina habang naliligo ako. Namaga tuloy ang maganda kong mata. Pinanliitan ako ng mata ni Anne at Nikki. May kutob ako.

"Wag kang magsinungaling samin. Kilala na namin pagkatao mo!" sabi ni Anning.

"Oo nga kaya tanggalin mo na yan! Walang araw ngayon!" sambit naman ni Nikki. Sabi ko na nga ba.

"Tse! Ayoko nga noh!" pagtanggi at depensa ko sa sarili. Kailangan maging maayos na 'tong mata ko ngayon. Bukas kasi uniform na kami eh.

"Tanggalin mo yan!!" singhal nilang dalawa.

Pinagtulungan nilang dalawa na matanggal 'tong shades ko. Amazona. Lalakas sobra!

"Oo na!! Tatanggalin na! Punyeta! Mahal nitong shades ko baka masira! Wait lang hoy! Shettt!!" sa wakas tumigil na sila. Kawawa naman itong shades ko. Mahal mahal eh buti di masyadong napuruhan.

"Anyare sa mata mo girl?!" gulat pero may halong pag-aalala na sabi ni Anne.

"Nakagat ng ipis?! Kinusot mo?! Ano?!" OA na tanong ni Nikki.

"Oh baka naman sa post ni Viceral?" nangingiti nilang sambit. Umirap nalang ako sakanila.

"Sabi na nga ba namin eh!" sabay nilang sabi.

SIGNS | Vicerylle [Completed]Where stories live. Discover now