SIGNS | Chapter 2

5.2K 139 40
                                    

SIGNS | Chapter 2

***

Karylle's POV

Kinakabahan ako. Di ko alam ang dapat kong maramadaman. Masaya ako na ewan. Para akong natatae na ewan. Sana kasi kaklase ko sya.

First day ngayon kaya pwede mag civilian. Sa buong week pwede nakacivilian pero sa next week uniform na.

Maliligo na nga ako. Para makapasok na ng maaga.

Ang cute nung damit ko at walang duda lumalabas ang kagandahan ko dito. May pag-asa kayang mainlove sakin si Vice? Ang random ko magtanong nakakaloka!!

Nung nakatingin ako sa salamin nakita ko yung SIGNS Notebook dun sa side table ko. Naalala ko gagawa pala ako ng signs. Kinuha ko iyon at nilagay ito sa bag ko, pumili ako ng magandang bag na babagay sa damit ko pero siniguro ko na kasya lahat ng gamit ko.

Bago ako bumaba nagpicture muna ako para #ootd noh. [Multimedia] Tinatawag na ako ni mama.

"Anak, Halika na! Kain na. Anong oras na oh." Sabi ni Mama.

"Okay mama, Pababa na, Just a minute." Sabi ko.

Bago ako bumaba tumingin ulit ako sa salamin.

"Ganda mo talaga kahit kailan!" Bulong ko sa sarili.

Pagtapos nun ay bumaba na ako, Nakita ko silang tatlo. Kumakain na sila.

"Good Morning ulit ate." Sabi ni Zia.

"Good Morning." Sabay upo ko.

"You look pretty, anak." Sabi ni Mama.

"syempre, First day po eh." sabi ko.

Kumain ako ng kumain. hanggang sa nagtanong sila.

"Ate ano yung panaginip mo?" tanong ni Coco.

"KYAAAAA!" Naalala ko na naman. Napatili ako.

"Oh my gosh ate. Your Voice. Ang lakas. Nagaya ka na ba kay Ate Anne?" Sabi ni Zia habang nakatakip sa tenga.

"It's just. OMG. Nakakakilig.  Sabi niya sakin i love you tapos magkikiss na sana kami kaso ang daot ng alarm clock. As in 1 inch nalang. GRRRR!" Naiinis talaga ako sa alarm clock.

Nagkatinginan silang dalawa ni Coco tapos tumawa ng malakas.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa nila Coco. Bakit ano problema?

"Anong nangyari sainyo? nakakainis kaya." Inis na sabi ko.

"Tsura mo kasi te. Nakakaloka ka!" Natatawang sabi ni Zia.

"Hahahahahaha! Naalala ko tuloy nung nag-inarte ka dun sa kwarto mo.hahahaha! kung makikita mo lang mukha mo ate." Utas naman sa kakatawa na sabi ni Coco.

"Mama ohh!!" Pagsusumbong ko kay Mama.

"Tigil-tigilan niyo yang ate niyo, bahala kayo diyan, di na kayo ntan dadalhan ng JollyHopia." Pananakot ni Mama.

"Eto namang si ate, di mabiro." Sabi nilang dalawa.

Binelatan ko nalang sila. Parang ako yung pinakabata noh? Eh ganern talaga! Nagsipilyo na ulit ako. Pagkatapos ay tinawag ko na si Mang Lael para ipagdrive ako papuntang school.

***

Vice's POV

Hindi nakakasawa 'tong mukha ko. Kahit ilang taon ko pa 'to titigan hindi ako magsasawa eh sa gwapo ko ba namang 'to? Maraming nagkakandarapa dyan!

SIGNS | Vicerylle [Completed]Where stories live. Discover now