SIGNS | Chapter 6

3.2K 100 20
                                    

SIGNS | Chapter 6

***

Karylle's POV

Hindi ako makatulog. Paikot ikot lang ako sa kama. Di ko mawari ang dahilan kung bakit dilat na dilat parin ang aking mga mata. Vice, ikaw ang may kasalanan kung gaano kalaki ang eyebags ko bukas. Tumingin ako sa orasan, putcha! 9:00 pm palang pala! Natapos ang muni-muni ko ng biglang nagring ang phone ko. 

"Can’t shut up about how much I love you..Can’t shut up about how much I love you, you, you...Can’t shut up about how much I love you...Can’t sh-"

Sinagot ko ito. Gabing gabi na si anning talaga. "Can't shut up about how much i do do do.." pagkanta niya sa kabilang linya! loka talaga dinugtungan pa yung ringtone ko..wait paano niya nagawa yun?

"bakit ka natawag ngangabu?" tanong ko sakanya. Baka may chika okay na 'to di rin naman ako makatulog.

"di kasi ako makatulog eh." sabi niya sakin sabay hikab. Niloloko ata ako nito eh?

"So anong gagawin ko?" pataray kong tanong sakanya. "Kwento ko nalang yung si Vhong." sagot niya naman. Oo nga naman, ano nga bang meron sakanila?

"Sige! g!" 

***

Anne's POV

Hi!! Ako nga pala si Anne Curtis aka ngangabu at anning. Hindi kasi ako makatulog kaya tinawagan ko si Karylle. Wala naman kasing sumasagot sa phone ni Nikki. Kaloka yun tulog mantika ata! Charot lang! Buti kamo may load pa ako joke lang ulit! okay sige ako na corny. Ito na ikekwento ko na wag atat!!

"Sige! g!" 

"Ganito kasi yun...."

*FLASHBACK*

Uwian na nung time na yun. May sari-sarili kaming mundo noon kaya wala akong kasama. Bigla akong binangga ng 'bad girls' kuno ng school. aba matinde!

"Look who's here."Sabi nung babaeng malandi. na may kasama pang mga malalandi. 

"Anne Curtis." Sabi ko with a sarcastic smile.

"Ganyan ka ba talaga?"Ngayon ko lang narealize na isa pala ito sa mga sikat sa campus, na malandi na habol na habol kay Vhong, si Cathy.

"Oo. Sinagot ko lang naman yung sinabi mo e."Sabi ko. Dahil sa sobrang inis ko sakanya, dahil sa retokada niyang mukha. (oo RETOKADA.) sumikat rin siya dahil nga sa retoke, kaya mas marami siyang haters, isa na ako dun. Tinignan ko siya, Mula Ulo MUKHANG PAA! :) 

"Tss. Ikaw mang-aagaw ka!!" Sabi nung isang malandi.

"Sa tingin mo sino mas mang-aagaw sa atin? Ako? Wala akong inagaw sayo. Kasi si VHONG hindi naman sayo! Tsaka sa tingin ko, nang-agaw ka pa ng make-up e." sabi ko sabay sweet smile.

"Walang hiya kang babae ka!" Sabi naman nung iba. Susugurin na sana nila ako ng biglang...

"HOY! KAYONG MGA BABAE KAYO! HUWAG KAYONG MAGKAKAMALING SAKTAN TO! KUNG HINDI PIPILITIN NIYO AKONG MASAKTAN RIN KAYO!" Sigaw ni Vhong mula sa likod ko at inakbayan ulit ako.

"Vhong! Wala naman yang binatbat sa ganda ko. Ano bang nagustuhan mo diyan? BUNGANGA?"Sabi ni Cathy sabay tawa! Kasama na rin yung mga malalanding kasama niya.

"Atleast di retokada." Sabi ko.

"Tama! Tsaka bakit ka ba nangengeelam sa buhay ko? Pakiealam mo ba? Nanay ba kita? Tigilan mo ko, kung ayaw mong bumalik sa dati yang mukha mo."Sabi ni Vhong.

SIGNS | Vicerylle [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon