SIGNS | Chapter 4

3.8K 123 30
                                    

SIGNS | Chapter 4

***

Karylle's POV

Naiimbyerna ako ng bongga. Nakakainis! Akala naman nila magpapatalo ako. Akala lang nila yun. Sayang naman ang ganda ko kung magpapatalo lang ako sa tulad nilabg pangit at walang binatbat.

Pero agad akong nagoodvibes ng maalala ko si John Marie. Mapapanuod ko na yung hot na baklang sundalo. Benjamin Santos VIII here i come!

***

Pagkauwi ko ay nandoon na sila at sinabihang bakit daw ang tagal ko. Ang sabi ko nalang may pangit akong inasikaso. Nagpalit ng ako ng damit. Pagkalabas ko ay nakita ko na sila sa kotse kaya pumasok narin ako.

"Ate? Ok na?"Sabi ni Zia, siya ang mag dadrive.

Tumango nalang ako at ngumiti. Agad naman akong kinilig ng maalala ko yung sinabi ni Vice kanina sakin. The feeling is mutual daw. Kaya napalakas ata yung sigaw ko.

"KYAAAAAAAA!" Tili ko na pagkalakas lakas.

Napahinto naman agad si Zia.

"ATE!? OMG!! What happened?" Tanong niya.

"Nothing. Just continue driving!" Sabi ko.

Init ng ulo ng mga 'to naloloka na ako ng bongga! Kinikilig parin ako!

***

Nang makarating kami sa mall ay dumeretso agad kami sa hypermarket.

Bibili kami ng mga snacks bago kami pumunta sa sinehan. Nabunutan ako ng tinik ng sabihin nilang kanya-kanyang bayad. Nagulat pa nga sila ng tanungin ko ang bagay na iyon.

"Oy! Onti lang kunin niyo, wala akong pera." Sabi ko.

"HA? LIBRE MO BA?" gulat na tanong nila sakin.

"Kala ko ba libre ko?" tanong ko.

"KKB KAYA!" Sabi nila.

"Lutang masyado." sabi ni Coco.

"Napaghahalataan ah masyadong halatang lumilipad utak mo 'te." tatawa-tawa na sambit ni Zia.

"Tse!" nakahinga naman ako ng maluwag.

"Kung gusto mong libre eh.. Okay lang samin." Sabi ni Coco.

"Oo nga." Sabi naman ni Zia.

"Di naman kayo mabiro. Joke lang yun noh!" pagpapalusot at depensa ko.

***

Nakabili na kami ng kakainin namin. Papunta na kami sa counter. 

"ARAY!" pag-iinarte ko, habang bumagsak lahat ng pagkaing dala ko. "Punyeta." Sabi ko pa.

Muntikan na nga akong mapaupo. Juicecolored! Sayang naman ang outfit ko kung mapapaupo lang ako sa sahig. Di nababagay ang kagandahan ko sa sahig, tandaan niyo yan!!!

"Sorry Miss."Sabi nung lalaki. Tapos tinulungan niya akong pulutin yung mga pagkaing nahulog para nangyari na 'to eh.

"Ok lang." Sabi ko.

Pag-angat niya sabi ko na nga na ba. Pinagtatagpo talaga kami ng tadhana, charot! Si Vice sino pa ba?

"Ikaw na naman nabangga ko, sorry karylle!" Sabi niya sabay kamot sa ulo. Cute.

"Ok lang." Sabi ko sabay smile.

"San ka nga pala pupunta? Ay oo nga pala manonood pala kayo ng sine." Sabi ulit niya sabay smile at kamot sa ulo. May kuto ba siya? Charot!

SIGNS | Vicerylle [Completed]Where stories live. Discover now