SIGNS | Chapter 14

2.4K 77 10
                                    

SIGNS | Chapter 14

***

Karylle's POV

Pababa na ako ngayon..Sinalubong ako ng pamilya ko ng matatamis na beso. Kumakain na kami para sa agahan, Thursday ngayon. P.E na! haha! 

"Karylle, yung sasabihin ko...." Sabi ni Dad.

"Ano po yun?"Tanong ko. sabay subo.

"Sorry Anak pero kailangan...Kailangan mong makipagrelasyon sa anak ng business partner ko. At kapag naging 18 ka na..Ipapakasal kita dun. Sorry anak." Sabi ni dad. Nanlaki mata ko. Pero malay mo si Vice. Tinanong ko kung ano yung pangalan o apelyido man lang.

"Yael Yuzon anak.." Sabi nito.

"Sorry dad! AYOKO! Ayoko dun dad..Maawa ka sakin please...May iba akong gusto dad, Kilala mo yun dad..Si Vice po." Sabi ko at naluha na.

"Sorry anak, alam ko yun. Kailangan yun para hindi malugi ang kompanya." Sabi pa nito.

"Modesto! Ano ba yan?! May sariling buhay si Karylle! Hayaan mo siya mamili."Sabi ni mama.

"Sorry...Para sa ikabubuti niyo to." Sabi ni dad.

"Sa ikabubuti namin?! Kung ipapakasal niyo ako sa hindi ko gusto at kailan man hindi ko magugustuhan sa tingin niyo po ba ikabubuti ko yun?!"Sabi ko. Kinalma naman ako ng mama ko at nag excuse na para makaalis. Kailangan ko ang mga KAIBIGAN ko ngayon.

♥♥♥

"Karylle? Anong nangyari sayo?!" Halatang nag-aalala si Niks para sakin.

"Girl? Mugto na ang mata mo oh!"Pati si Anne.

"Anne, Niks..Ang sama-sama ni Daddy. Ang sama niya...Ang sama niya.." Sabi ko.

"Bakit girl? Mabait naman si Tito ah?" Sabi nito.

"Alam ko yun..Pero ngayon..Para sakin ang sama niya.."Sabi ko.

"Ano bang nangyari?"Tanong ni Niks.

"Kailangan ko daw makipagrelasyon kay Yael..Tapos pag 18 na daw ako papakasal na kami.." Sabi ko sabay hagulgol ulit. Ayoko sakanya..Gusto ko kay Vice. Ayoko ng Yuzon..Viceral..Yan ang gusto ko.

"Grabe naman pala si Tito..Baka naman magbago isip nun.."Sabi ni Anne.

"Basta, Nandito lang kami para sayo kurba ah.."Sabi naman ni Niks.

"Sana nga Anne, Salamat sa inyong dalawa.."Sabi ko.

"Para saan pa ang bff diba?"Sabi ni Anne. sabay yakap sakin pati si Niks nakiyakap narin. Ang swerte ko. No..Let me rephrase that...Ang blessed ko.

♥♥♥

Anne's POV

"VICE!"Pagtawag ko sakanya. Nandito kami ngayon sa classroom. Free time ngayon. Di ko nga alam kung nasan si Karylle. Nag cutting classes ata.

"Makasigaw Anne? May tanong rin ako sayo."sabi nito.

"ano?" Tanong ko.

"Bakit wala si Karylle?"Tanong nito.

"Yun nga eh..Kasi nga sabi nung daddy niya kailangan niyang makipagrelasyon kay Yael tapos pag 18 na siya ipapakasal siya dun...Para hindi daw malugi ang company nila..So..Papayag ka ba?"Sabi ko dito.

SIGNS | Vicerylle [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon