Prologue

34 2 0
                                    

Lahat ng bagay ay may pinagmulan.

Lahat ng mga luha ay may dahilan.

Lahat ng mga tanong ay may nararapat na kasagutan.

Bawat pagdating ng isang bagay ay may kaakibat na isa pang paglisan.

Bawat salitang binibitawan ay dapat na tandaan.

Bawat regalong iyong matatanggap ay dapat na pakaingatan.

Changes...

Regrets...

Imperfections...

Mistakes...

Innocence...

Doubts...

Insecurities...

Normal lang sa isang tao na nabubuhay dito sa mundo natin ang maguluhan, masaktan at maintindihan ang mga bagay na ito. At lahat tayo ay may karapatang malaman ang bawat aral na tinataglay nito.

Ngunit paano kung nang dahil sa taong iyong pinaniwalaan ay nakalimutan mo na rin kung ano nga ba ang iyong tunay na katauhan?

Paano kung isang araw, bigla mo na lang mapagtanto na huli na pala ang lahat para balikan ang mga bagay na tuluyan nang binura ng kapalaran?

Paano kung pagtingin mo sa iyong likuran, malaman mo na lang na wala ka na palang babalikan?

Wala ka na ba talagang pwedeng balikan? O sinasadya lamang talaga ng buong kalawakan na pagtakpan ang katotohanan?

Cease To ExistWhere stories live. Discover now