Chapter 2

22 0 0
                                    

Vena's POV

" Kailan daw balik nung mga bruha?" Althea.

Okay...inhale...exhale...kailangan ko nang mag-ingat ngayon sa tuwing kausap ko ang babaeng ito. Oh, God. Kailangan ko na naman bang bumalik sa dati?

" Tomorrow," maikli kong sagot. Mahirap na.

" Talaga? Ano ba yan?! Nag-eenjoy ka namang kasama ako, hindi ba? Bakit pa sila babalik?!" iritado niyang saad.

" Una sa lahat, hindi ako nag-eenjoy na kasama ka. Isang araw pa lang silang nawawala, at ngayon dalawang teachers na yung nagresign nang dahil sa pagsagot ko sa ma tanong mo. Pangalawa, babalik na sila dahil sinabi ko... Pangatlo, dahil yun ang gusto ko," mahaba kong paliwanag.

" Ano?! Kaibigan mo ako, Ven! Bakit ka ganyan sa akin?! Hmp! Hindi na tayo bati!"

" Huh...go ahead. Sinong tinakot mo-"

" Haaayyy, buhay! Ano ka ba naman, boss-"

" Subukan mong ituloy..."

" Hehe...sabi ko nga hindi na eh."

*** Sa canteen ***

" Owww! Lagot!"

" Siya na kaya ang katapat nila?!"

" Oh no! Ano na naman ba kasing kasalanan niya?!"

" Kaya niya ba sila?"

Patuloy lang sa pag-uusap-usap at pagbubulungan ang mga estudyante sa paligid. Ewan ko kung bulungan pa ba talaga yan o ano na.

" Sino ka na naman?" guy 1.

" Siguro isa na naman sa mga babaeng nababaliw sa atin," guy 2.

" Gusto mo ba talagang mapahiya, miss?" guy 3.

" Hindi maganda ang paraan mo ng pagpapapansin, babae," guy 4.

Hindi ko kinibuan yung apat na lalakeng salita ng salita. Nakatingin lang ako dun sa lalakeng nakayuko na nasa likod nila. Weird...familiar siya-

" Ano?! Hindi ka pa rin magsasalita?! Itinapon mo lahat ng order namin tapos ganyan lang ang reaksyon mo?!" guy 4.

Nagpatuloy ako sa pagtitig sa lalake...nang bigla siyang tumingin sa akin. Sumenyas siya na tignan ko yung lalakeng kanina pa sigaw ng sigaw. Pero hindi ko siya sinunod. Kaya napataas ang kilay niya.

Sabi na nga ba. Siya yung lalake kahapon sa isawan.

" Ito ang tatandaan mo, babae... kapag kinakausap kita, matuto kang makinig at rumespeto. Ikaw na nga itong may kasalanan, ikaw pa itong may ganang-" unti unting humihigpit ang hawak niya sa braso ko kaya naman napilitan na akong itulak siya sa dibdib niya at sipain sa tagiliran.

RIP conduct grade ( T^T )

" What the-"

Ibinalik ko ang tingin ko doon sa lalake sa isawan. Nakataas pa rin ang kilay niya.

Ano bang problema nito? Kahapon pa to ah.

*** POD Office ***

" Miss Ramos, ito ang unang beses na kakaiba naman ang ginawa mo. Bigyan mo ako ng sapat na dahilan para hindi ko tuluyang bawasan ang conduct grade mo," ma'am Tarayin.

" Self defense," tipid kong sagot.

" Bakit? Ano ba ang ginawa nila sayo?" usisa pa niya.

" Hinawakan nung lalakeng kapre ng sobrang higpit yung braso ko," sagot ko sabay pakita ng namumulang bahagi nito, " Sapat na ba yun bilang dahilan?"

" Hmm...sige. Hindi ko na babawasan ang grade mo. Pero kailangan mong maglinis sa garden after class for two hours."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad ko na ring kinuha ang warning slip ko at saka daretsong lumabas ng office.

I really find my current situation right now as a very unfair bullcrap...

*** Sa garden ***

" Wow! Saktong sakto!"

" Ngayon, pagbayaran mo na yung ginawa mo kanina."

" Hindi mo nirespeto ang boss namin."

" Huh..."

"..."

Lumapit ako sa kanila at tinignan daretso sa mata yung lalakeng tinutukoy nilang boss nila. Mas gwapo naman yung lalake sa may isawan eh. Bakit ito ang leader nila?

" Suntukin niyo na ako," utos ko.

Sabay sabay naman silang napatingin sa akin.

" Seryoso ka ba? Ahahahaha!!!"

" Pakiulit nga, miss? Mukhang mali yata yung dinig ko! Ahahah!!!"

" Naks! Libreng punching bag! Kaso masyado kang maganda para du- aray!"

" G*g*!!! Manyak!!!" sigaw nung leader-kuno, " Pero...sige ba! It would be my pleasure to grant your wish, baby."

Susuntukin niya na sana ako nung napansin niya sigurong wala man lang bahid ng takot sa buong sistema ko. Nangingibabaw ang pagndidiri ko sa pagtawag niya sa akin ng "BABY".

Nanatili akong dilat habang nakatingin sa kamao niyang halos dumikit na sa ilong ko. Huh...sinong tinakot niya?

" Ano na?" tanong ko sa kanya sabay ngiti ng pagkatamis tamis.

Unti unti niyang ibinaba ang kamao niya habang nakatingin ng maigi sa akin.

" Hindi ako makapaniwala... Tss...bukas ka sa'kin, babae," sabay alis. Wow, nawala yung 'BABY'. Ahahahaha!

Itinuon ko ang titig ko dun sa lalake sa isawan. Nahuli ko siyang nakataas na naman ang kilay sa akin.

Ano kayang nalalaman niya?

Cease To ExistWhere stories live. Discover now