Chapter 1

47 1 0
                                    

Vena's POV

" Pssst! Tara, sabay ako sayo mamaya mag-lunch!" Bulong ni Althea na nasa tabi ko. I just nodded as my response.

" ...so as I said earlier, Tuesday will be our quiz day. Do you understand?" Ma'am.

" Yes, ma'am," sagot naman nila. Nakakawalang gana kasi sumagot.

Lalo na dahil the first time she introduced herself, ang sabi niya ay Filipino ang subject na ituturo niya. I don't really understand why she is actually speaking in English right now.

" Uyy, hinaan mo. Baka marinig ka ni ma'am," bulong ulit ni Althea.

Oh, God. I think nalakasan ko na naman.

" I don't care. Totoo naman yung sinasabi ko eh," sagot ko in a normal voice kaya naman dinig na dinig ito sa buong classroom.

" Yes, Ms. Ramos? Do you have anything to share with us?"

" Opo, aming minamahal na guro. Ako ay napaisip ng napakalalim ng dahil sa iyong kilos at salita. Sa aking pagkakatanda, ang ating asignatura sa mga oras na ito ay Filipino. Hindi po ba't nararapat lamang na ang gamitin nating lengguwahe ay ang wikang Filipino at hindi Ingles?" I answered, at the same time I asked.

Kitang-kita ang pagkapahiya sa mukha ng teacher na nasa harap namin ngayon. Whatever. Naghihintay naman ako para marinig ko ang side niya. Ang kaso nga lang-

***BOOOGGGSSSHHH***

" Hala! Nag-walk out si ma'am. Ahahah!"

" Hahaha! Thank you, Tara! You saved us!"

" Baka magresign na yan bukas. Ahahah!" pagsali ni Althea sa mga usap-usapan.

Kung hindi dahil sa tanong niya na sinagot ko lang naman ay hindi sana maririnig ni ma'am yung sinabi ko.

Oh sure.At siguradong mapapatawag na naman ako sa POD nang dahil sa kino-consider ng school namin ang pagsagot sa mga teachers ng pabalang as disrespecting elders.

Kahit naman siguro classmates ko ay 'yun ang isasagot kung mabibigyan sila ng sapat na lakas ng loob para magsalita eh. Kasalanan nung teacher. And FYI lang! Hindi naman yun pagsagot ng pabalang!

***Recess sa canteen***

" Labas tayo, Thea. Bili tayo ng isaw."

" Huh?! Ikaw na lang! Ayaw kong mabawasan ang conduct grade ko noh!" Sigaw niya kaya naman nagsitigil ang lahat ng mga kumakain at lahat ng mga naglalakad. Naku naman! Pahamak talaga-

" At ano namang kalokohan ang binabalak niyong gawin, huh?!" sigaw ng pinakamalapit na teacher.

" Lalabas po sana ako para bumili ng isaw-"

" At nakuha mo pa talagang sumagot! Halika't dadalhin kita sa POD-"

" Bakit po? As far as I remember, nagtanong po kayo kaya ako sumagot. Ayaw ko naman pong magmukha kayong t*ng* diyan na parang walang kinakausap kapag hindi ko kayo sinagot. At bakit niyo po ako dadalhin sa Prefects of Discipline? Ano po ba ang kasalanan ko? Ang natatandaan ko lang sa rules ng school na ito, ay dapat na idala lamang doon ang mga estudyanteng may nagawang kasalanan. At sa tingin ko po ay wala pa naman akong kasalanan dahil gagawin ko pa lang naman po. Magpasalamat nga po kayo kasi pinigilan pa ako ni Althea. Sa KABUTIHANG PALAD ay naisigaw niya po ito kaya naman po ay narinig ninyo. Sapat na po sana na pagsabihan niyo po ako ngunit hindi pwedeng idala niyo ako sa POD ng walang tamang dahilan," paliwanag ko.

Napatingin ako sa estudyanteng nakahulog ng kutsara't tinidor. Oh? Ano na naman ba ang problema?

" Th-this is...This...is-"

" ...unexpected po ba? Uhh...pwede na po ba akong makaalis, ma'am?" tanong ko sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

" Lagot...tingin ko ay wala na siyang mukhang maihaharap ngayon..." tahimik na pahayag ni Althea. Tsk...kung hindi dahil sa kanya, hindi ko naman sana masasabi ang lahat ng yun sa teacher. Hayyy...

***Sa isawan***

" Oh? Saan ka na naman ba dumaang bata ka at nakarating ka na naman dito? It is strictly prohibited for students to go out of the school area at this hour," manang na nagtitinda ng isaw.

" Naks, manang! Nagi-english ka na ah. Ahahaha! Dumaan naman po ako sa gate eh. Nagpaalam pa nga po ako sa guard eh."

***Flashback***

" Hi, kuya Nomita! Nagugutom na po ba kayo?" tanong ko sa guard ng school. Hindi naman talaga Nomita ang pangalan niyan eh. Actually, Doraemon. Lagi ko siyang binabati pagpasok at pag-alis sa school. Isa siya sa mga guards ng school na kaibigan ko.

" Huh? Oo naman pero parating na yung meryenda ko galing sa canteen," sagot naman niya.

" Hmm? Pero gusto niyo po ba yung binibigay sa inyo na snacks?"

" Yun na nga eh. Hindi ako nabubusog. Puro softdrinks at sandamakmak na tsitsirya lang lagi ang binibigay sa akin. Eh hindi naman ako katulad niyo na mahihilig dun."

" Naku! Ako po ayaw ko ng tsitsirya. Ang totoo nga po niyan medyo natitipuhan kong kumain ng isaw ngayon sa labas ng school."

" Talaga? Bilhan mo naman ako oh. Papalabasin kita sa gate-"

" Sige po! Libre ko!" Sabi ko naman sabay labas na. Mahirap na. Baka may makakita pa sa amin.

***End of flashback***

" Naku! Ikaw talagang bata ka! Oh ito 30 pieces na isaw! Libre na itong sampu para kay Dorae! Pumasok ka na!"

" Sige po salam-" bigla akong napatigil ng bigla kong naaninag ang isang puting bagay na nasa harapan ko. Unti-unti akong tumingin sa taas at-

" Wala ka bang balak na tumabi, Miss? Alam kong gwapo ako, pero bibili pa ako ng isaw. Hindi madaling umakyat sa pagkataas taas na pader ng school at tumalon nang may 50/50 ang chance na mabuhay o mamatay ka," sabi niya.

Unti-unti akong napatingin ulit sa polo ng lalake na tinutukoy kong puting bagay kanina. Dapat talaga hindi ako laging nakatingin sa baba. Sanay kasi akong mas matangkad ako sa kahit na sino. Nakatanggal ang unang dalawang butones sa taas at-

" Ano bang problema mo, huh?" sabay taas kilay. Bakla ba 'to?

" A-aray..." daing ko. Pano ba naman kasi? Bigla niya na lang akong pinitik-este tinulak paalis sa harapan niya!

Aba! Loko ito ah! Akala niya naman kung sino siyang matangkad eh matangkad rin naman ako! Feelingero siya ah! Hanggang ilong niya kaya ako! Grrr!!!

" Dapat matuto kang kimkimin na lang sa sarili mo ang lahat ng mga nararamdaman mo. Hindi lahat ng oras ay gugustuhin ng mga taong nasa paligid mo na marinig at malaman ang lahat ng sasabihin mo. Magkikita ulit tayo, Canes Venatici Ramos." siya sabay alis.

Weird...hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating. Siguro dapat ko ngang iwasang lakasan ang pagsabi ng mga bagay na naiisip o pumapasok sa utak ko. Pero...

...kilala niya ako?

_________________________________________

Author's Note:

Canes Venatici Ramos is pronounced as Key-nes-ve-na-ti-si-ra-mos...

Yun lang po. Thank you po 😊

Cease To ExistWhere stories live. Discover now