Chapter 4

8 0 0
                                    

Vena's POV

" Lans..."

Bigla akong napatingin ako sa taong binanggit ni Crater. Tss... doble sakit ng ulo. Nandito na naman ba to para mambwisit? Tss...makaalis na ng-

" Kaya pala hindi ka takot na masuntok dahil meron kang protektor, hindi ba?" huh? Ako ba kausap nito?

Ipagpapatuloy ko na sana ang paglakad palayo nang biglang...

" Kailan pa naging kayo?" automatic akong napalingon kay Volans nang dahil sa sinabi niya.

Wait...siya yung nagsalita. Si Crater. Ako. Kayo? Napatingin ako sa paligid pero wala naman nang ibang estudyante dahil malapit nang mag-bell.

" Problema mo?" tanong ko.

" Sagutin niyo na lang. Kailan mo pa siya sinagot? Kaya ba hindi mo ako pinapansin dahil matagal nang kay-"

" What the hell, dude?! Kami? Ako? Sinagot siya? Oh my crap! Alam mo ba kung gaano siya nakakairita?! Oh well, bro. Ang weird niyong dalawa! Tss...magsama kayo!"

Lans' POV

Agad akong napapikit ng mariin nung marinig ko lahat ng sinabi niya. Wew! Pahiya ako dun ah. Nakakainis talaga ang babaeng yun. Nakaka-bad vibes! Akala niya naman kung sin-

" Gusto mo siya," Crater sabay alis. Ano bang problema ng mga tao ngayon?! Isa pa tong Crater Crux na to eh!

" Kailan ka pa natutong magpapansin, dude?"

" A-ano bang pinagsasabi mo, Crux? Hahaha nababaliw ka na b-"

" Sinabi mo kanina. Hindi ako nababaliw."

" Eh ano naman ngayon kung nagpapapansin ako sa kanya?"

" Gusto mo siya."

" Unli ka, pare? Hindi nga kasi! Tara na nga! Pasok na tayo!"

" ... "

" Tara n-" aba! Bastos to ah! Nauna pang maglakad kaysa sakin eh ako pa yung nagyaya!

CLASSROOM...

" ... just a fckn' single answer, people... " umaalingawngaw na isang napakalamig na boses mula sa isang classroom ang narinig ko.

Pero bago pa ako makasiksik ay napansin ko na kaagad ang pagfo-focus ng mga estudyante sa eksena sa loob na nagsisiksikan sa pintuan at nakadungaw sa bintana ng classroom. Sa tuwing dumarating ako ay agad akong pinagkakaguluhan. Pero ngayon bakit-

" Let me repeat...my question...AGAIN. WHO...DID...THIS?" sandali! Familiar ang boses na yun ah!

" Wala? Walang sasagot?"

" Talagang matibay kayo ah! Isang sagot lang hindi niyo man lang maibigay?!"

*BOOGSH BOOGSSH BOOGSH*

Sunod sunod na pagkabasag ng mga gamit na hindi ko malaman kung babasagin ba o gawa sa kahoy ang narinig naming lahat at kitang kita ang lalong paglapit ng mga estudyanteng nanonood.

What the hell? Ano ba talagang probema?

" Excuse me, miss. Anong nagyaya-"

" Ssshhh! Wag ka ngang maingay!"

Aba matindi! Hindi na nga ako tinignan, pinagsabihan pa ako!

Agad akong nakipagsiksikan sa iba pang estudyante na alam kong inis na inis na sakin ngayon pero-

" Miss Ramos, pag-usapan natin to, please. Huminahon ka muna at maupo-"

Vena?!?!

" Maupo? In this kind of chair?! That's a fckn' bllsht!" sabay tutok ng isang baril sa pinakamalapit na estudyante. What the?! Hindi ba't bawal yan sa loob ng school?!

" Ramos! Alam mong bawal yan sa loob ng school!"

" Really? Eh bakit nakita ko sa loob ng drawer ng office mo ang isang pistol na ngayon ay dala-dala mo rin? Bilang owner ng school na to, tingin ko ay mas mabuti pang ipasawalang bisa mo na lang yang walang kwenta mong school rule na yan bago ko pa maipaputok tong baril na to!"

" Okay, miss! Please pakibaba na ang baril mo at pagusapan natin to-"

" Hindi mo pa tinatanggal ang rule-"

" Umayos ka, Ramos!" sabay sugod ng isang lalake kay Vena.

What the?! Babae pa rin ya -

What the fuck?! Isang suntok lang talsik na agad?!

" Wag mong ubusin ang pasensya ko, Mr. Sales..."

" O-okay. Wala nang school rule na nagsasabing-"

" Waaag!!! Please!!! Tama na, Canes!!! Maawa ka!!!"sigaw nung babaeng tinutukan ni Vena dahil bigkang kinasa ni Vena yung baril niya.

" Sino? Sabihin mo kung sino o yung bungo mo mismo ang papuputukan ko." What the?! Seryoso siya?!

" S-si Ashley, C-canes... p-please tama n-na..."

Napasinghap ang lahat nang biglang umikot ng isang beses si Vena at saka itinutok naman sa school owner ang baril niya!

" Vena!" Sigaw ko. Lahat sila ay napatingin sakin maliban kay Vena at sa Owner na tuloy tuloy na ang paglunok.

" Mamaya ka na mang-gago, Lans..." siya habang tutok pa rin ang kanyang baril sa owner. What the hell?! This isn't right already!

" Walang modo ang mga estudyante mo rito..." baling niya kay Mr. Sales, " ...ayusin mo lahat ng gusot sa school na to kung ayaw mong ako mismo ang gagawa... Walang mababawas sa conduct grade ko. Walang magiging problema ang lahat. I want everything to be normal after this," Crap! Hindi yun tanong! Statement na yun at inutusan niya lang si Mr. Sales ng ganun ganun?!

Dahan dahan siyang lumapit habang umaatras naman ang tango lang ng tango na si Mr. Sales hanggang sa napansin kong may sinusunod nang direksyon ang pag-atras ni Mr. Sales. Papunta siya sa isang upuan na nasa pinaka-gilid.

" Upo..."

Agad namang sinunod ni Mr. Sales ang utos ng Vena ng nagmamadli pero laking gulat naming lahat nang mawasak ang upuan. Ngayon kuha ko na.

Yun yung dahilan at tinutukoy niyang upuan kung saan ayaw niyang umupo. Siguro ay yun nga ang ugat ng galit niya. Pinlano kasi. Tss...

Pero ang mas nakakagulat pa ay ang biglaang pagkalabit ni Vena sa baril niya...at hindi yun pumutok...

Isang mahinang pagtalsik lang ng tubig ang narinig naming lahat...

" Never thought you are all afraid of water guns, huh?" Vena sabay lakad palayo. Pero bago pa man siya makalabas ng pinto ay tumigil muna siya at nagsalita ulit, " Assume that THIS never happened. I don't wan'na hear anything about this or...YOU'RE ALL GON'NA BE MISERABLE."

Cease To ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon