Chapter 9: Dark Souls

6 0 0
                                    

Someone's POV

Ngayon wasak na talaga ang Clandestines...pwede na akong magsaya... ahahahahaha!

Lans' POV

Announcer: Magandang gabi, 78th!
Ngayong gabi ay magaganap ang Main Fighter's Battle!

...nang magsimula nang magsalita ang announcer ay mas naging seryoso na ang lahat. Sa mga ganitong pagkakataon...isang grupo lang ang naaalala kong nakangiti. Ang Clandestines...hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang mga duda ko tungkol sa grupong yun...

Flashback 6 months ago ...

Announcer: Clandestines vs. Silver Royalties!!!

Fighters: Clandestines! Clandestines! Clandestines!

...they all chanted.

Marami ang napapa-believe ng grupong yan. Wala pa ni isang talo. Brutal makipaglaban. Minsan nga meron pa silang nakalaban na nagmamakaawang patayin na lang siya. Kitang kita kung gaano sila kasigurado sa bawat galaw nila. Wala pa silang napapatay pero marami na ang napahamak at umalis na lang sa kani kanilang grupo. Sila lang rin ang nakamask sa tuwing may Fight. Tanging ang mga labi lang nila ang nakikita. Tuwing ngumingiti sila ay kitang kita kung paano kumurba ang mga labi nila. Sila lang ang pinakamagaling na magtago ng katauhan. Lumalabas lamang sila tuwing sila na ang may laban. Ni hindi na nila hinihintay ang announcement na sila ang panalo.

At agad nang aalis.

Oras na makatapak ka sa 78th, paniguradong sisikat ka. Marami ang sumasali para lang maging sikat. Pero sila...kakaiba talaga.

Announcer: Fight!

...Walang gumagalaw sa kanila...nang biglang...

Silver 1: Bakit ayaw niyong ipakita ang mga mukha ninyo?

...puna ng isa sa kanila.

Clandestines: *ngiti*

Silver 2: Siguro pangit kayo...

Silver 3: O baka naman hindi kayo tao. Baka mga halimaw kayo...

Rinig na rinig lahat ng mga sinasabi ng mga tao sa loob ng stage. Hindi ko rin alam kung paano. Siguro may magic na ginawa ang Head sa stage. At naglagay ng invisible microphones.

...Nanatiling nakangiti ang mga Clandestines nang biglang umatake ang Silver Royalties. Hindi maayos ang laban. Kitang kitang ang puntirya lamang ng mga Royalties ay ang tanggalin ang mga mask ng Clandestines. Puro iwas lang rin ang ginagawa ng Clandestines. Pero siguro nung napupuno na sila ay sabay sabay nilang pinatikim ng axe kick ang mga Royalties kaya naman napaatras sila.

Ramdam ko agad ang pagtingin sa amin ng lahat ng tao sa arena. Pero tutok kami sa laban.

Clandestine 1: Mga walang kwenta-

...those were the first words na narinig namin mula sa kanila...and also the last dahil-

Silver 4: Bawiin mo ang sinabi m-

...sabay hablot sa mask nung nagsalita. Halos lahat ng tao sa arena ay napatayo nang makitang nasa kamay na nga nung babae ang mask pero nang mapatingin ako sa stage, dun ko nakitang nakaluhod na yung kumuha ng mask habang humahagulgol dahil sa sakit ng natamo nitong hiwa sa mukha habang yung babae naman ay nakayuko habang tinatakpan naman ng sobrang haba niyang buhok ang buong mukha niya.

Wala pang limang minuto ay tumba na lahat ng Clandestines ang kalaban pero walang ni isa ang nag-cheer. All the Main Fighters of Silver Royalties are almost dead. At hindi ko na namalayang naisuot na pala ulit nung isa yung mask niya. At sabay sabay na silang umalis.

Cease To ExistWhere stories live. Discover now