Chapter 3

6 1 0
                                    

Crater's POV

Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng yun. Ang kulit kulit pa. Sana lang talaga hindi mahalata ni Volans ang mga titig nung babaeng yun. Ayaw magpatinag eh.

By the way, let me introduce myself to you. My name is Crater Crux Serrano. 16 years old. Grade 11.

At yung apat na kasama ko kanina ay sina:

Leon Volans Villanueva - ang leader nila.

Jethro Yu - ang pinaka-hyper sa kanila.

Aryldex Lazaro - ang pinaka-weird sa kanila.

Bryle Rivera - ang pinaka-manyak sa kanila

Sila ang mga Main Fighters ng Axe Kickers.

Kung tutuusin, wala lang naman talaga kay Lans yung perang pinambayad niya dun sa mga order niya. Marami nang mga babae ang gumawa nun sa grupo nila pero wala naman siyang pakialam.

Ewan ko ba. Sa tingin ko, attracted siya kay Vena. Tss...ano bang nagustuhan niya dun? Eh parang mas lalake pa nga siya kaysa sa kanya eh. Ni wala rin siyang takot. At hindi rin nahihiya. Sinabihan niya pa yung makulit na babaeng yun na mali ang paraan niya ng pagpapapansin sa kanya. Samantalang dapat nga sa sarili niya yun sabihin.

Kung talagang interesado siyang pormahan si Vena, dapat sinimulan niya nang may good record. Mundo nga naman...

" Hoy! Psst!"

" Huy! Bakit di ka namamansin?"

Bakit nga ba kasi ang daming problema ng mundong to? Isali niyo na rin ang mga taong hindi man lang marunong tumawag gamit ang pangalan ng tinatawag ni-

" Hoy! Gunggong! Tinatawag kita! Bakit dika lumilingon?! Famous ka?!" Aba't talagang nambatok pa!

" Hoy, ikaw babae! Hindi ko alam kung anong problema mo pero ito lang ang gusto kong sabihin sayo! Nakakairita ka! Makaalis na nga!" sigaw ko. Hindi ko talaga maintindihan kung saan ba nanggaling ang babaeng to at lately ay lagi ko na lang siyang nakikita.

" Hoy! Monggoloid! Wala ka bang good manners and right conduct?! Kailangan mo bang bumalik ng grade school?! Kinakausap pa kita!"

" Ni hindi mo nga alam kung anong pangalan ko eh! Atsaka pwede ba?! Wag kang susukpot sulpot kung saan saan! Nakakainis makita yang mukha mo!"

" Walang problema, bakulaw! Nakakainis rin makita yang pagmumukha mo! Sinusundan mo nga yata ako eh!"

" Hoy! Mahiya ka namang babae ka! Una sa lahat, pwede wag mo akong tawaging gunggong, monggoloid at bakulaw! Dahil gwapo ako! GWA-PO-A-KO! Pangalawa, pwede bang wag kang sigaw nang sigaw?! Pag nasira ang eardrums ko, pagamutin mo ako! Pangatlo, hindi kita sinusundan! Dahil wala akong oras para sundan ang isang sobrang kulit at nakakairitang babaeng katulad mo!"

Whoo! Hiningal ako dun ah! Nakakainis naman kasi tong-

" Hoy! Ano ba?! Aray! Tama na! Tumigil kang- ANO BAAAAA?!?!?! Tama na sa-" tumigil muna siya sandali sa pagsapak sakin at ilang beses na malalim na huminga.

" Ano bang klaseng lalake ka? Gusto ko lang naman kasing magtanong eh. Una sa lahat, bakit kasi hindi ka nagsusuot ng ID? Yan ang dahilan kung bakit hindi ko alam ang pangalan mo. Malay ko bang ayaw mo palang marinig ang katotohanang mukha kang pinaghalong monggoloid na gunggong na bakulaw? Pangalawa, hindi ko alam kung sino bang bulag ang nagsabi sayong gwapo ka. Dahil kung sino man yun, wala na siyang pag asang gumaling pa. Pangatlo, Nung una lang ako sumigaw. Wala naman akong planong sumigaw all throughout this conversation kaso nga lang sumigaw ka rin kasi kaya ginaya lang kita. Pang-apat, hindi kita sinusundan dahil nakita lang naman kita dito sa gitna ng field na nagi-emo-emohan kaya mas minabuti ko nang lumapit sayo at magtanong sana kung bakit ba iba ka makatingin. Kaya kung wala ka naman pala sanang patapusin lahat ng sinasabi ko, sana sinabi mo na lang agad. Kung ayaw mo ring sagutin, well, nagsasayang lang pala ako ng oras. Now, bye bro. See yah around," siya sabay ngiti pa.

Ewan ko ba kung nangiinis lang ang isang to. Laging nakangiti. Ang masama pa niyan, parang lagi siyang may masamang balak. Ano bang klaseng babae to? Ang hirap niyang basahin. Tss...dapat kasi---

Vena's POV

Lokong bakulaw yun! Akala niya naman kung sino siy-

" Lans..."

Lans' POV

" Crater, ayaw mo ba talaga?" biglang tanong ni Bryle dito sa weird na lalakeng to.

" Ano ba Bryle?! Meron na nga daw kasi siya!" Jethro.

" Kung gusto, laging may paraan. Kung ayaw laging may dahilan..." huh? Problema na naman nitong si Dex? Weird. Ang dami niyang alam ahahahahahah!

" Sige. Alis muna ako," paalam naman nitong kanina pa nila pinag-uusapan.

Bakit parang may mali?

" San ka pupunta?" tanong ko.

" Magpapahangin lang," sagot naman niya.

Tuluyan na siyang lumabas ng pintuan pagkatapos niyang sabihin yun. Tss...masundan nga.

Habang sinusundan ko yung mokong ay pinagtitinginan naman ako ng mga estudyante. Nakakainis. Wala na silang ibang ginawa kundi tumingin ng tumingin!

Patuloy ko lang siyang sinundan nang may biglang mahagip ang paningin ko. Palingon lingon siya sa iba't ibang direksyon na parang may hinahanap. Tss...siguro maghahanap na naman ng pwedeng barahin. Haaay... mamaya na nga lang si Crater. Masundan muna tong babaeng to.

Nagulat ako nang bigla siyang pumunta sa field kung saan isang lalake naman ang nakatayo habang nakapamulsa.

Tss...kaya pala umalis kasi may pupuntahan. Kaya rin naman palinga linga yung isa dahil may hinahanap. Makaalis na nga la-

Nagulat ako nang biglang pagsasapakin ni Vena si Crater. Ano problema nun? LQ sila?

Habang nagsasalita si Vena ay nakatingin lang sa kanya si Crater nang biglang...

" Lans..."

**************************************

Author's Note:

Pinalitan ko po ang chapter na ito pati yung mga sumunod na chapter.

Salamat po sa pagbabasa 😊

Cease To Existحيث تعيش القصص. اكتشف الآن