Chapter 1. The Twin

53 3 1
                                    

Sabrina's POV

Good morning people of the earth! Masaya ako ngayon kasi alam nyo na . Yiee! Okay tama na muna ang landi kailangan ko pang mag-prepare para sa school. So, ginawa ko na nga ang daily routine ko. And, done! DYOSA na uli ang lola nyo haha.
Pagbaba ko, nakita ko ang mga kapatid ko na kumakain.

" Good morning Kuya, Good morning Alex" sabay kiss sa cheeks nila.

Kay ga-gwapo talagang nilalang ng mga to, saan pa ba naman kami magmamana syempre sa mga magulang namin. For now, they are in Canada may mina-manage silang business na hindi ko alam kung ano.

"Good morning ate" Alex said at kiniss nya din ako.

"Good morning, anong nakain mo? mukha kang nanalo sa lotto" sabi ni Kuya.

"Ay kaba-baba pa nga lang nakain agad? Basta secret! Sige una na ako, sa school na ako kakain. Ba-bye" sabi ko at umalis na nga. Hindi na ako nagpahatid kay Manong malapit lang naman yung school sa amin e tsaka gusto kong maglakad exercise na din to.
  Habang naglalakad ako,naisipan kong mag-facebook. At dahil friend ko na siya, naisipan ko siyang i-chat kaya lang nahihiya ako, ayoko naman ma-seenzoned pero chance ko na to. Haayy! What should I do? Bahala na nga cha-chat ko pa rin siya. Try lang naman e.

Sab: Hi:)

Yan na! My ghad kinakabahan ako. Sana naman pansinin nya. Please Lord sabihin Mo po sa kanya replyan ako. Salamat po.
  Habang titig na titig ako sa cellphone ko may bigla na lang bumusina.

"Ay, palaka! Ano ba yan?" sigaw ko sa nagmamaneho ng kotse.

Ibinaba ng driver yung bintana at laking gulat ko ng makita ko siya. OMG! nasa harap ko na siya. Grabe ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Ang gwapo niya talaga.Bagsak yung buhok, medyo singkit yung mata, matangos ang ilong, perfect lips waaa!.

"Hey, your mouth" sabi ni Zach.

Nabalik naman ako sa sarili ko ng magsalita siya at agad kong isinara ang bibig ko ng napansin kong nakanganga ako. Haay! Ano ba yan nakakahiya.

"Tss. Stupid. Don't use your phone when you're walking if you don't want to die." sabi niya sabay patakbo na ulit ng sasakyan niya.

Kinausap niya ako! Ang bait talaga ng kapalaran sakin.

Papasok na ako ng gate and as expected madami na namang naghihintay kay Zach. Biglang narinig ko ang malakas na boses ni Ally.

"SABARINAA!" tawag ni Ally. Siya lang naman tumatawag sa akin niyan e, mukha ba akong saging?

"Oy! bunganga mo maka-sigaw ka dyan."

Naglakad kami papuntang cafeteria para kumain. Routine na din namin ang dito mag-almusal e.

" E sa na-miss kita e. Ano? Kamusta?"

" Eto masaya." at kinuwento ko nga sa kanya ang nangyari from the very start.

" Talaga?! Wow! Sab hindi ka na tatandang dalaga. Ito na ang simula ng lablayp mo."

" Aray, maka-matandang dalaga to akala mo naman may boyfriend."

"Whatever, tara na baka ma-late na tayo."

At pumasok na kami bago pa kami maunahan ng teacher namin, ang sungit pa naman nun kala mo araw araw meron e.

Bago mag start ang klase tiningnan ko muna ang cellphone ko pero wala pa ring reply kahit seen wala din. Aw sad! Baka mamaya meron na hihi just wait.

Nagsimula na ang klase pero wala pa din si Zach,we're in the same section since pre-school ewan ko ba dun bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako kilala. Snob kasi. Okay, wag muna siyang intindihin focus muna kay Ma'am.

To tell you honestly wala talaga akong hilig mag-aral at ayaw ko din sa Math pero sobrang talino ata ng mga magulang ko at namana ko yun. Yun bang kahit tingnan ko lang at basahin e alam ko na agad kaya hindi mahirap sa akin ang mapapunta sa star section. Si Zach naman likas ng matalino parang ako din, meant to be kasi kami hihi.

Nasa kalagitnaan na kami ng klase ng biglang may nagbukas ng pinto.  Siya yun. Why so pogi? As usual pinagtitinginan na naman siya ng lahat lalo na ng mga classmates naming babae. Yung iba umiirit pa.Tsk. Akin lang siya!
 
Bakit ngayon lang to, e siya nga tong naka-kotse. Well atleast andito na siya.

Dire-diretso siyang pumasok at umupo sa pinaka-sulok ng room sabay ubob. Nubayan! lagi na lang tong naka-ubob hindi ba to natutulog sa kanila.

"Mr . Ferrer, why are you late?" tanong ni Ma'am, ayan nagsusungit na naman siya.

"You dont care." sagot ni Zach tapos umubob na uli. Pa-sungitan ata tong dalawang to e.

Ipinagpatuloy na nga ni Ma'am ang klase. Nakaka-antok naman buti pa tong si Zach free na tumulog. Tinitigan ko lang siya buong klase at ni sulyap man lang mula sa kanya wala akong nakuha.

*bell ring*

Uwian na. Yes naman! Makakapag-FB na uli ako but before that I will do my assignments kasi good girl ako.

Ayan done! Kinuha ko agad ang cellphone ko at nag-chat uli sa kanya.

Sab: Hello:)

5 minutes..
10 minutes..
1 hour..
5 hours..

"Ang tagal naman, mamumuti lang ang mata ko nito kakahintay."

Pero naghintay pa rin ako ng ilang minuto hanggang sa naramdaman ko ang antok.

---------
Vote, comment and share please. Thanks.
Si Zane Ferrer po yung nasa taas👆.

 IN-ACCEPT NA AKO NI CRUSH!Where stories live. Discover now