Chapter 15. Too close

15 0 0
                                    

Sabrina's POV

Nang nakauwi na ako dali dali akong nagpalit at nagtungo sa kitchen para ipagluto si Alex at si Kuya ng adobo. Mukhang magiging favorite na ito ni Alex ah.

Nung matapos ko nang lutuin nagtungo muna ako sa kwarto ko para maligo kasi feeling ko ang lagkit ko na. Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin para sa school kahit yung mga matagal pa ang pasa. Habang naggagawa ako naisip ko na naman yung nangyari kanina. Napapangiti ako sa tuwing maaalala ko yung sinabi niyang 'thanks' . Totoo nga kaya yung sinabi ni Ally? Nagustuhan nga kaya talaga niya yun?

Mai-chat nga siya. Matagal-tagal na din ng huli ko siya chinat e. Baka nami-miss na ako nun hihi.

Sab: Hi Zach.
seen.
Sab: Pasensya nga pala kung hindi mo nagustuhan yung niluto ko ha. Hayaan mo ipagluluto na lang kita ng iba.
Zach: No!
Sab: Anong no?
Zach: I liked your adobo.

Waa! Nagustuhan niya talaga! Readers  nabasa niyo ba? Hihi. Alam niyo yung itsura ko ngayon? Kung may abot tengang ngiti siguro mahigit pa dun yung ngiti ko. Binasa ko uli yung reply niya tapos nagpagulong-gulong ako sa kama. Waa! Kinikilig ako.

Sana ako na lang yung adobo hihi. Sabrina ang landi ha!

Tingin ulit sa cellphone tapos gulong ulit. Siguro kung may makakakita sakin mapapagkamalan na akong baliw. Pasensya naman kinikilig lang po haha. Grabe adobo pa lang yan Sabrina. Naalala ko bigla yung kasabihang 'The way to a man's heart is through his stomach'. Yiiee! Sige Sabrina sarapan mo pa ang luto nang magustuhan ka niya.

Zach: Are you still there?

Ay nakalimutan ko nang mag-reply sa kanya sa sobrang saya ko.

Sab: Ah oo pasensya na may ginawa lang.
Zach:  K. Don't forget, on Sunday. Bye!

Pa-simple pa itong si Zach alam ko namang excited na siyang makasama ako haha. Hindi ko pa pala naiitanong sa kanya kung saan kami magkikita at kung anong oras. Bukas na lang siguro.

Bumaba na ako para kumain. Katulad kanina, nagustuhan ulit ni Alex yung luto ko. Mukhang magiging taga-luto ako ngayon a.

Matapos naming kumain at magkwentuhan ng mga nangyari samin umakyat na ako sa taas.

Nagbasa lang ako ng ilang oras tapos natulog na din ako.

-----------
Maaga akong umalis, wala lang feel ko lang haha.

Habang naglalakad ako may nakita akong pamilyar na likod sa tapat ng bahay nina Tita Meg. Sino kaya yun?
Nilapitan ko siya.

Buti na lang talaga maaga akong umalis ngayon. Akalain mo nga namang suswertehin pala ako. Nakita ko si Zach. Tumigil ako saglit, nung paalis na siya saka ako lumakad.

Sinusundan ko lang siya. Napapansin niya ata na may sumusunod sa kanya kaya lumingon siya sa likod.

" You're really a stalker. Don't deny it."

" And you're really assuming. Don't deny it."

" What did you say?"

" Totoo naman e. Hindi kaya kita sinusundan, we're just heading the same way. Dito ako nakatira, remember?"

" Tss. " Mukhang napahiya ata siya sakin. O my! Bakit mo naman niloko Sabrina alam mo namang maikli ang pasensya nung tao e.

Lumapit pa ako sa kanya para sabay na kaming maglakad, tiningnan niya lang ako at saka nagpatuloy.

 IN-ACCEPT NA AKO NI CRUSH!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin