Chapter 11. The Project

15 0 0
                                    

Sabrina's POV

Hala 7 a.m. na, kailangan ko ng magamadali. Naman! Napasarap kasi yung tulog ko e.

So, prepared na nga ako. Simple lang sinuot ko dahil kina Zach lang naman ako pupunta e, charot! Syempre nagpaganda din ako ng konti dahil Dyosa na naman ako haha.

Dinala ko din ang laptop ko at konting books baka kailanganin e.

Nasa Montry Village na ako at hinahanap ang bahay nina Zach. Sabi din kasi ni Zane malaki daw yun tsaka naiiba sa lahat kaya naghanap ako ng kakaiba at ayun nga nakita ko na.

WOW! Ang laki grabe parang doble to ng bahay namin a.

Nag-doorbell na ako. May lumabas na maid at tinanong ako kung sino daw kailangan ko, sinabi ko naman na kaklase ako ni Zach at gagawa kami ng project, medyo nagulat pa siya pero pinapasok na din niya ako. What's with the reaction?

Kung laglag panga na ako dun sa labas, dito naman pati mata ko luluwa na. Sobrang lawak at halata mong mayayaman ang nakatira. Parang gusto kong tumira dito hihi.

Dumating na si Zach. Ang gwapo talaga ng nilalang na to kahit mukhang bagong gising.

"You're here." sabi niya na mukhang inaantok pa.

" Yes, magsimula na tayo."

" Sit first. Wait for me I'll just take a bath."

Wushuu! Ganyan ka na lang, gwapo ka rin naman kahit hindi maligo hihi.

"Okay! Saan tayo gagawa? Dito?" naiilang kong tanong, e kasi ang daming umuuling maids nakakahiya naman sa kanila.

" Of course." sabi niya at umakyat na uli.

So, nagsimula na akong magbasa kahit naiilang ako sa mga tumitingin sakin. Ano bang meron sakin? Alam ko namang maganda ako e. Haha!

Maya maya..

" Oh! Magandang binibini nandito ka na pala." bati ni Zane.

"Oo nga e. Salamat pala sa pagsabi ng address niyo."

"My pleasure. Alam mo bang ikaw pa lang ang nakapuntang babae dito na bisita ni Zach? "

"Talaga? Kaya ba kanina pa silang tingin ng tingin?" sabay turo ko dun sa mga maids.

"Oo, siguro nagtataka lang sila."

Ayun, nakalimutan ko nang magbasa at nakipag-kwentuhan na lang kay Zane.

" I thought you're making project. You didn't tell me that you came here just to chitchat with my brother."

Oh no! Andyan na si Sungit.

"Nagbabasa naman ako ah" kanina nga lang haha.

" Tss. Follow me. We'll continue that in my room."

" Akala ko ba dito tayo gagawa?"

"I don't want a disturbance."

Nangyari dito? Sudden change of mind?

"I better get going. Bye Sabrina!" paalam ni Zane sakin.

" Sige bye!"

"Tss." sabi ni Zane bago siya umakyat. Sinundan ko na lang. Aba baka maligaw pa ako dito no.

'Jealous freak' pahabol na sabi ni Zane pero hindi ko na marinig malayo na kasi.

Wow! Ganda ng kwarto ni Zach. Panlalaki talaga tapos yung mga gamit arrange na arrange. Ang linis din tapos black and white yung kulay ng mga gamit niya. Nakapasok na ako sa kwarto niya hihi.

 IN-ACCEPT NA AKO NI CRUSH!Where stories live. Discover now