Chapter 14. Adobo

20 0 0
                                    

Sabrina's POV

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano ako magda-dahilan kina Ally. Ano kaya kung sabihin ko na lang yung totoo? Maiintindihan naman niya siguro ako kasi mag-best friend naman kami. Ay! Oo nga. Yun na lang. Haayy! Ang witty ko talaga haha.

calling Ally..

"Ow? Napatawag ka?"

"Nasaan ka? Pupuntahan kita sa inyo ha"

" Sige, pauwi na din ako. See you."

Binaba ko na. Eto na,sasabihin ko na. Kinakabahan ako, sana hindi magalit si Ally. Kaya ko to!

Nasa bahay na ako ni Ally at hinihintay ko lang siyang bumaba.

" O? Anong meron? Anong pinunta mo dito?"

"Ah ano kasi ah-eh.."

Pano ko ba sasabihin to?

"I-o-u. Sabrina niloloko mo ba ako ha? Ano bang sasabihin mo?"

"Teka lang naman ito na nga o. Wag kang magagalit ha."

"Depende ano ba yun?"

"Pwede bang hindi na ako sumabay sa inyo kumain tuwing lunch?"

" At bakit?! Ipinagpalit mo na ako? Sabarina ang sakit! Ang sakit sakit!" at nag-umpisa na siyang umiyak iyak. Binatukan ko nga.

" Aray naman. Sinasaktan mo na ako ngayon. Uwaa!"

"Tumigil ka nga diyan. Hindi sa ganun pero parang ganun na din."

" Tingnan mo tama nga ako! Uwaa! I hate you ."

" E kasi nakakaawa naman siya. Wala siyang kasabay kumain tapos mag-isa lang siya lagi."

" Sino ba yun ha?"

" Si Zach."

" Talaga?! Si Zachary Ferrer?" manghang mangha niyang sabi.

Ang bilis magbago nito ng mood ha.
Tumango ako sa kanya.

" Saan siya kumakain? Ikaw talaga Sabarina ha ang dami ko ng hindi alam sayo. Nagtatampo na tuloy ako." sabay pout niya.

" Kaya nga nagku-kwento e. "

" Dali! Kwento ka na."

" Kanina nga kasi kaya hindi ako sumabay sa inyo kasi sinundan ko si Zach tapos nakita ko siyang kumain sa rooftop. Doon pala siya kumakain palagi kasi ayaw niya daw ng pinagkalaguluhan. Naawa naman ako sa kanya kaya sabi ko sasabayan ko siya palaging kumain."

"OMG! Sige. Go ako dyan. Ako na ang bahala kay Zane."

Speaking of Zane.

"Ikaw ha, mukhang may tinatago ka sakin ha."

" A-ano? Wala ha."

Defensive masyado to.

" May gusto ka ba kay Zane? Umamin ka."

" Ako? Naku Sabarina malayong magkagusto ako dun." pero nag blush siya.

" Sabi mo e. "

" Wala nga. Umuwi ka na nga."

" Hahaha. Sige, salamat talaga Ally ha. I  love you."

" Oo na, matitiis ba kita. Sige na, shoo!"

Kiniss ko siya bago ako umalis. Yes! Mission accomplished. Ngayon si Sungit na lang ang problema ko.

----------
Kinabukasan.

Maaga akong gumising para magluto. Marunong naman akong magluto kaya lang tinatamad ako minsan. Sabi nga ni na Mommy masarap daw ang luto ko.
Prinepare ko na ang binalot ko, nagdagdag ako ng ulam para kay Zach.

 IN-ACCEPT NA AKO NI CRUSH!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang