Chapter 12. I need your time.

14 0 0
                                    

Sabrina's POV

Monday na at pasahan na ng project. Hala! Speaking of! Hindi ko man lang natanong kay Zach kung nakatapos kami. Patay!

Hays! Bakit ba ang tagal niya?! Paano kung hindi pa pala kami tapos lagot kami neto. Pero knowing him, kayang kaya naman niya yun e.

After few minutes of waiting dumating na din siya. Aba himala maaga siya ngayon ha.

"Uy Zach! Musta? Natapos ba yung project natin?"

"Of course, I told you I can do it on my own, you're just insisting to help."

"E kasi nga wala akong magiging points kung hindi ako tutulong e di kawawa naman ako nun. By the way, thanks."

" I don't need your thank you. You owe me for making me sleep late."

"Ano? Kala ko pa naman bukal sa kalooban mo yung pagtatapos nun. Kaso wala akong pera ngayon e, allowance ko lang, pwede bang usod usod muna? Tsaka sino ba namang may sabi sayong magpuyat ka pwede mo namang tapusin kinabukasan a!"

" I have lots of important things to do. And who told you that you will pay me money?"

" E di ba sabi mo may utang ako sayo? Di ba pera ang binabayad sa utang?"

" Tss. Do you think we're poor? I don't need your money I need your time."

Huwat?! Anong sabi niya? Kailangan niya ng oras ko? Nanaginip ata ako e. Teka, tapik.. tapik.. Hala! totoo nga!

" Hey, are you listening?"

" O-oo, bakit kailangan mo ng oras ko?"

" Not actually me. It's my sister who wants it."

Talaga? Akala ko pa naman siya. Assuming ka e!

"E? Bakit naman? Miss niya agad ako hihi."

" My mom asked me to take care of my sister while she's gone and Alexa requested to go to the amusement park next Sunday..."

Oh tapos, anong kinalaman ko dun?

" with you." patuloy niya sabay tingin sakin.

Myghad! Gustong gusto na talaga ako ng sister-in-law ko hihi.

" Sige. Ta-try ko kung free ako sa Sunday. "

" No. Don't try. I promised my sister that I will convince you to join and I don't want to disappoint her. And remember you owe me one thing."

" Oo na, sige na. Payag na ako."

" As if you don't like. I know that you really wants to join because of me." sabi niya sabay smirk.

Grabe lakas din maka-hangin ng isang to! Pero pwede na rin haha.

"Kapal mo namang Sungit ka. As if ikaw si Alexa. Hmp!" irap ko sa kanya at pumaling na sa iba.

Oo nga no?! Makakasama ko din siya hihi. Ay bongga to! Para kaming magde-date. Can't wait!

Improving na din tong si Sungit. Nakakapagsalita na siya ng mahabang sentences tapos hindi na siya masyadong masungit. Achievement to haha.

Nagsimula na ang klase at naipasa na din namin ang mga projects namin. Pero hindi naman ako nakikinig kay Ma'am, sobrang boring niya magturo. Sssshhh lang kayo ha!

Trip kong mangulit ngayon. Hmm, sino bang pwede?

Lingon sa kaliwa. Naku wag to susungitan lang ako nito.

Lingon sa kanan. Tama!Siya na lang.

"Psst." tawag ko kay Zane.

Lumingon naman agad siya sa akin.

" Hindi ka ba nabo-bored?"

" Medyo. Pero tinitiis ko na lang haha. Mukhang bored ka na a."

" Ay sinabi mo pa. Sobrang boring kaya magturo ni Ma'am. Hindi ko nga alam kung may natutunan pa ako sa kanya e. Minsan nga mas gusto ko pang matulog sa klase niya kaya lang nakakatakot baka mahuli niya ako."

Ano ba yan?! Napa-daldal ata ako.

" Hahaha. You're really interesting Sabrina. " tapos tumawa uli siya.

Hala! May saltik na ata to.

" I think these two in my right are not interested in your lessons Madam." sumbong ni Zach kay Ma'am kaya napatingin siya sa pwesto namin pati na rin yung iba naming kaklase.

Tiningnan ko si Zach ng masama. Anong problema nito? Hindi ko naman siya pinapakialaman a.

" Is that true?" tanong samin ni Ma'am.

" No ma'am. I just asked something to Sabrina about what you're discussing ." palusot ni Zane.

Mukha namang kinagat ni Ma'am yung palusot ni Zane kaya bumalik na siya sa pagtuturo.

'Thank you' I mouthed to Zane. Tumango naman siya sakin at nag-smile.

Bumaling ako kay Zach.

"Hoy, anong problema mo ha?!" bulong ko kay Zach.

" You two are too loud. I can't focus on the lessons."

" Tsk. Sungit na sumbungero pa"

And he gave me a death glare.

" A-ano, joke lang yun!" sabi ko sabay peace sign.

Manahimik ka na nga Sabrina.

-------
Vote, comment and share guys. Thanks😘😘

 IN-ACCEPT NA AKO NI CRUSH!Where stories live. Discover now