[1] - Where it all started

147K 2.2K 243
                                    


Typo errors are a lot.

Victoria Justice as Sydney Rose.

[1] - Where it all started

[1] - Where it all started

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Love at first sight.

Ang chaka lang pakinggan. Sino ba naman kasing taong maniniwala na maiinlove ka kaagad sa isang tao sa unang pagkikita pa lang? Ano 'yun? Minute to win it?

Well, hindi naman talaga ako naniniwala sa mga ganung bagay. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon, hindi ka mapapakain ng pag-ibig. Lalo na't ipinanganak tayong mahirap ay talagang hindi mo na iisipin ang mga puchang pag-ibig na 'yan.

Ipinanganak akong mahirap. Ngunit kahit ganoon ay nagpapasalamat pa rin ako dahil napunta ako sa isang mapagmahal na pamilya. Apat kaming magkakapatid at ako ang pangalawa.  Ang mga magulang ko naman ay kapwa may sakit kaya ang Ate Mariz ko ang naging breadwinner ng pamilya namin.

Marami na siyang naisakripisyo para sa pamilya namin. Huminto siya ng college para lang pag-aralin kaming magkakapatid. Ako naman ay nagpupursige sa pag-aaral at nasa kolehiyo na. Kaya paminsan-minsan ay kumukuha rin ako ng part-time jobs para naman makatulong sa kapatid ko.

Kaya naman talaga, hindi ako naniniwala sa love at first sight na churvabells na iyan. Mas gusto ko pang yumaman kesa problemahin ang mga bagay na 'yan.

Pero nagbago ang lahat ng iyon nang makilala ko si Attorney Edward Vinn Montalban.

"Hi, Guard!" Bati ko sa guard ng law firm kung saan nagtratrabo si Attorney. Ang law firm kasi na iyon ay isa sa mga pinakamalaking law firm sa buong bansa. At hindi ko talaga ikakaila na isa sa mga legal counsel si Attorney ng firm dahil sa pagiging matalino niya.

"Sydney, hija, nandito ka na naman. Si Attorney ba?" Panunudyo pa nito sa 'kin. Natawa naman ako. Umagang-umaga kasi at nandoon na ako sa firm.

"Sino ba namang iba, guard? Saka araw-araw naman ako dito." I jokingly replied. Pumupunta kasi ako doon tuwing umaga dahil nilulutuan ko ng breakfast si Attorney. At minsan din ay sinasabayan ko siya.

Mahigit isang buwan na rin kasi magmula 'nung magkakilala kami ni Atty. Edward Vinn Montalban. Kaibigan kasi siya 'nung boyfriend ni Ate Mariz na si Kuya Ezekiel. Tapos parehas din silang abogado.

Si Atty. Montalban kasi ang tumulong kay Ate sa bagong trabaho nito bilang manager ng mall. Hindi ko nga alam kung anong magic ang ginamit na naging manager kaagad si Ate. Pero hindi ko na naiisip iyon kasi alam ko namang masaya si Ate sa buhay niya ngayon at masaya rin ako sa kanya.

Then my older sister introduced me to Atty. Montalban. At shet, naniniwala na talaga ako sa love at first sight. Hindi lang kasi pogi si Attorney, nakakaturn-on din ang malalim na boses niya at idagdag ng abogado pa siya. Ang jackpot niya!

Innocently Mischievous (Finished)Where stories live. Discover now